Chapter 3

635 17 0
                                    

Den's POV

It can't be. Hindi ko siya gusto okay? Atska ngayon ko palang siya nakilala. Ano yun? Like at first sight lang? Hindi yun pwede kasi alam kong straight ako. Humanga lang ako sa kanya yun na yun. Tama yun lang.

"Guys I gotta go." Sabi ni Amy

"Ingat ka Amy. Punta lang ako ng dressing room papalit lang ako." Paalam ni Ly samin.

Umalis na si Amy at kami nalang ni besh Ella ang naiwan.

"Uuwi na rin ako besh pakisabi kay Pots." Sabi ni Ella

"Ah sige besh ingat ka ah. Maghahanap pa kasi ako ng apartment niyan eh." Sabi ko sa kanya

"Mag ingat ka din ah?" Sabi niya sakin. Yumakap muna siya bago umalis.

"Hi" sabi nung lalaki sakin na halata namang nagpapacute. Pero cute naman siya.

"Ahhmm.. Hello" sabi ko naman sa kanya.

--
Alyssa's POV

Pabalik na sana ako kila Den ng makita ko siya na kasama na si Myco at wala na sila Amy at Ella. Di nalang ako tumuloy dun at dumiretso nalang ako sa parking lot para kunin yung bike ko.

Ano ba yan. Bakit parang nasaktan ako nung makita kong kasama niya si Myco? Hindi kaya gusto ko na siya? No hindi. Ayoko ng masaktan pa ulit. Kinuha ko na yung bike ko at umuwi na. Pero bago pa ako makauwi tinignan ko muna sila and boom! Masaya silang nag uusap.
--
Pagkauwi ko sa bahay agad akong dumiretso sa kwarto. Nagpalit na ako ng damit at nahiga na sa kama.
Hayyy... Dennise ano bang meron sayo at crush na kita agad in just a day? At kanina nakita kita kasama si Myco. Ewan ko pero nakaramdam ako ng kakaiba sa puso ko.
Nanatili lang akong nakahiga hanggang sa nakatulog na ako.

Pagkagising ko 3:30pm na shocks! Napahaba yata yung tulog ko. And then may naalala ako. Hala! Yung assignmemt namin ni Den sa Science! Ugh. Papano to? Bahala na gagawin ko nalang mag isa. Bumaba muna ako para kumain di kasi ako nakapag lunch ng maayos kanina sa school. After nun ay bumalik na ko sa kwarto at ginawa ang assignment. Madali lang naman dahil research. Kaya natapos ako agad. Ano na kayang magandang gawin ngayon?

Habang nagmumuni muni ako ay biglang nagring ang phone ko.

Victonara calling

Agad ko namang sinagot

"Hello?" -Ako

"Hey ly! Kasama ko ngayon sila kimpots magbabiking kami niyan sama ka?" -Ara

"Ah sure sige wala na rin kasing tao dito sa bahay eh. Umalis kasi sila" -Ako

"Ayos dito kami sa clubhouse ah. Bilisan mo tol." -Ara

"Teka---" ay bastusan binabaan ako agad ano ba yan.

Nag ayos na ko agad kinuha ko ang protective gears ko at pumunta sa garahe. Gagamitin ko muna ulit itong red-black cannondale trail 3 SL 29er ko.

Kung di niyo naitatanong biking is one of my hobbies. And as of now I have 4 different bikes. Pinag ipunan ko yun through my allowance tsaka sa mga binibigay sakin every occasion.

At ngayon papunta na ko sa clubhouse. Nag iwan nalang ako ng note incase na hanapin ako nila mama. Wala kasi si manang eh nasa probinsya nila nag day-off for one week.

Pagkadating ko nakita ko na agad sila Ara. At nagstart na kaming magbiking. Kasalukuyan kaming nagbabiking ng biglang may nahagilap na pamilyar na tao ang mata ko. Teka si Den ba to? Nang papalapit na kami, tama si Den nga.

"Ah mga tol tara na wag na tayong pumunta sa mini stop." Sabi ko sa kanila

"Seriously tol? Ngayon ka pa aayaw eh ang lapit na natin oh." Sabi ni kim

"Ah basta wala ng urungan ano bang problema ly?" Tanong ni Ara

"Ah wala wala" sabi ko

"Ayun naman pala eh. Tara na pasok na tayo" sabi ni Mika ng makarating na kami dito.

Nag aalanganin akong pumasok sa mini stop pano kasi si Den nakaupo malapit sa may pintuan.

"Huy! Ano pa ginagawa mo dyan? Tara na pasok na tayo." Sabi ni Ara sakin sabay hila.

Hayy.. Naku no choice ako. -.- nakayuko lang ako hanggang sa makapasok kami. We decided na kumain ng ice cream si Kim na ang pumunta sa counter.

"Alyssa?" Sabi ng pamilyar na boses sakin. As usual si Den nga. Alanganin akong lumingon sa kanya.

"Ah.. Eh... Hi Den" nahihiyang sabi ko. Pagkatingin ko sa kanya yung mukha niya seryoso. Aruu!!

"Bakit ka umuwi kanina? Alam mo bang pinuntahan kita dun sa dressing room niyo kanina tapos wala ka na pala?!" Sabi ni Den sakin.

Teka bakit ng aba ako umuwi? Eh nakita ko lang naman silang nag-usap ni Myco. Haayy naku.

Gulat naman ang tatlo dahil nandito na rin si Kim. Nakanganga silang tatlo at bingyan ako ng what-was-happening look. I mouthed "later" sa kanila. Back to Den tayo.

"Ah eh kasi Den.." Sabi ko. Di ko alam kung ano bang sasabihin ko.

"Eh kasi ano?" Sabi ni Den

"Nakita kasi kita ka-kasama mo si Myco" mahinang sabi ko sa kanya.

Napamental face palm nalang ako. Napakahonest ko naman eh mukhang hindi valid yun kahit yun talaga yung dahilan ko kung bakit.

"Yun lang Ly?" Sabi sakin ni Den

"Sorry" nakayuko kong sabi.
.....

Pagkatapos nung nangyari sa mini stop, nagtanong sila Ara sakin. Tapos si Dennise naman ayun nagwalk out nagalit sakin kasi wala daw akong valid reason.

Hayy... Kung alam niya lang kung bakit big deal na sakin yun. Pagkauwi ko nun di na ako nagdinner. Natulog nalang ako.

Nothing like usWhere stories live. Discover now