Chapter 18

579 19 2
                                    


Kinabukasan maagang nagising si Aly at nadatnan niya sa kusina ang kanyang mga magulang na kumakain ng breakfast.

“Oh anak good morning. Come join us for breakfast” aya sa kanya ng kanyang ama.

“Hi Ma. Pa Good morning din po” nakangiting sabi ni Aly

Pagkalapit niya sa kanila ay umupo ito sa isa sa mga upuan. Kumuha siya ng bacon, hotdog at fried rice pero napansin niyang nakatingin lang sa kanya ang kanyang mga magulang.

“Uhhmm ano meron? Bat nakatingin lang po kayo sakin?” takang tanong ni Aly sa parents niya.

“Wala naman anak. You seem so happy kasi mula pa kagabi. Mind to share with us kung ano nangyare sa Valentine’s day mo?” tanong sa kanya ng mama niya.

With that question biglang nag flashback sa isip niya yung mga nangyari kagabi.

It was magical! sabi ni Aly sa isip niya at di niya napapansin na nakangiti na pala siya ng malapad habang nakatingin sa itaas.

“Hon anong meron sa kisame?” tanong ni Ruel sa kanyang asawa.

“Hay naku Ruel” tugon lang ng asawa niya habang umiiling ng nakangiti.

Di na natiis ng mag-asawa at tinapik nila ang pisngi ni Aly.

“Nagpapatansya ka na naman. Di mo sinagot tanong ng mama mo.” Sabi ni Ruel kay Aly

Nabalik naman sa huwisyo ang kanilang anak at nagpaumanhin sa mga magulang niya. Natawa lang ang mag-asawa at nagsimula na siyang magkwento.

Natapos ang almusal ng pamilya Valdez na puno ng tawanan at asaran dahil sa kinuwento ni Alyssa. Sabado ngayon at napagpasiyahan ni Ruel na huwag munang pumasok sa trabaho.

Nagpapahinga sila sa sala ng biglang maalala ni Aly ang sinabi ng daddy ni Den sa kanya.

“Nga pala Pa kilala mo ba si Mr. Mike Lazaro?” tanong ni Aly sa kanyang tatay

“Medyo? Sa pag kakaalam ko nameet ko na siya sa isa sa mga business party noon. Bat mo naman natanong?” sabi ni Ruel

“Ahm kagabi kasi nung hinatid ko si Den na meet ko yung Dad niya unexpectedly tas ayun when I introduced myself to him tinanong niya ko agad kung anak daw ba ko ni Ruel Valdez then I said yes tas sabi niya ikamusta ko daw siya sa iyo and sabihin mo daw sa kanya kung kelan ka free.” Mahabang lintanya ni Aly

“Oh I see. Well, I’ll take note of that. Ang aga naman yata ng pamamanhikan?” sabi ni Ruel

“Pa!” nakabusangot na sabi ni Aly at tinawanan lang siya ng mag-asawa.

“Siya nga pala nak alam na ba ng Daddy ni Den na nililigawan mo na siya?” biglang tanong s knya ng kanyang mama.

“Eh yun na nga ma, hindi pa po. Hehe.” Sagot ni Alyssa.

“Aba anak kung liligawan mo si Den kailangan magpaalam ka muna sa Dad niya.” Sabi sa kanya ng kanyang papa.

“Yun nga po yung susunod kong gagawin ma, pa” sabi nito sa kanila.

“O ano pang inuupo-upo mo diyan? Kumilos ka na ngayon at pumunta sa kanila.” Utos sa kaniya ni Ruel.
-----
Samantala sa kabilang banda…

Maganda ang gising ni Dennise marahil ay inaalala niya pa rin ang mga nangyari kahapon. Biglang sumilay ang ngiti sa kanyang labi at sakto naman na pagkatok ni Jus sa pintuan ng kanyang kwarto.

“Ate! Ready na yung breakfast kain na daw.” Sabi ni Jus mula sa labas ng kanyang pinto.

“Okay. Susunod na ako.” Sagot ng dalaga.

Nothing like usWhere stories live. Discover now