Chapter 25

583 16 4
                                    

Alyssa’s POV

Dudes let’s cancel today’s plan.

Yan ang text ko sa kanilang lahat na kasama kong magpaplano para sana sa gagawin namin ngayon.

I decided not to continue the plan dahil na rin siguro sa nakita ko kagabi. Oras na ako nagising at late na ko for my first subject so I decided not to attend my class for today.

Lumabas na ako ng kwarto at naabutan ko yung mga teammates ko nanunuod sa sala.

“O wala kayong mga pasok?” tanong ko sa kanila sabay upo sa sofa.

“Ako wala pero yang mga yan tinamad na pumasok.” Sagot ni Lala. Isa sa mga teammates ko na secod year na.

“Oy ako di ako tinamad sakto lang na wala kaming mga prof ngayon kaya di na ko pumasok.” Singit ni Pam freshman din gaya ko.

“Ako din di ako tinamad. Trip ko lang di pumasok” sabi ni Yanyan. Natawa naman kaming lahat maliban kay Lala.

“Tama na nga yan ingay niyo o nanunuod tayo.” Sabi naman ni Ate Pat.

Senior naming na kapatid ni Pam. Siya rin ang tumatayo bilang captain or leader ng badminton team. Bale hiwalay ang dorm ng boys sa girls pero pag training, magkakasama kami.

“Wag niyo painitin ulo ni Pat lagot tayo mamaya niyan sa training loko.” Sabi naman ni Ate Raf kabatch din ni Ate Pat.

“Nga pala Ly ikaw ba walang pasok?” tanong sakin ni Ate Pat

“Ah..eh.. meron po kaso nalate na ko ng gising kaya di na ko papasok,” sagot ko sa kanya.

“Ayun. Isa ka rin pala Ly eh” asar sakin ni Yanyan at nagtawanan naman silang lahat.

Nakisama nalang ako sa kulitan nila at di ko namalayan magla lunch time na pala.

“Ly kanina pa tumutunog yung phone mo sa kwarto may tumatawag ata.” Biglang sabi sakin ni Ate Pat na kagagaling lang dun.

Hindi na ako sumagot at pumunta nalang agad sa kwarto. Tinignan ko kung sino yung caller si Mika. Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba o hindi.

Sa huli di ko nalang sinagot. Tinignan ko kung may iba pang tumawag at di nga ko nagkamali. Samu’t-saring tawag mula sa mga dudes.

Tinignan ko din yung mga text messages at galling din sa kanilang lahat. Tinatanong kung bakit di daw matutuloy ano daw bang nangyari.

Hayy... siguro dapat ko ng sabihin sa kanila yung nakita ko kagabi.

Naisipan kong tawagan nalang si Gretch. Feel ko kasi magkakasama naman na yung mga yun ngayon.

Calling Gretch..

Agad naman nitong sinagot

“Hello dude bat ngayon mo lang sinagot?” bungad ni Gretch

“Oo nga bakit cancel na yung plano?” singit ni Kim

“May nangyari ba?” singit din ni Mika

Sunod-sunod na tanong nila sakin

“Easy nga lang kayo isa-isa lang kaya tumawag ako para i-explain” sagot ko sa kanila.

At ayun nga kinuwento ko na sa kanila ang buong pangyayari kahapon.

“Hello dudes? Nandyan pa ba kayo?” tawag ko sa kanila dahil di na sila nagsasalita.

“Speechless kami eh. Kanina nga lang namin tinignan sa facebook kung di mo pa sinabi.”sabi ni Gretch sa kabilang linya.

Nothing like usWhere stories live. Discover now