Chapter 23

275 11 0
                                    


3rd POV

Lumipas na ang isang lingo mula nung ayain ni Alyssa si Dennise para magdinner. Naging maganda naman ang resulta ng kanilang date. Nagbalik na ulit sila sa dati.

Hindi nagparamdam si LA kay Dennise dahilan para matuwa ang dalaga dahil walang mangungulit sa kaniya at makakapaglaan pa siya ng maraming oras para sa kanila ni Alyssa.

Sabado ngayon at si Dennise ay prenteng nakahiga lang sa kaniyang kama ng biglang pumasok sa isip niya ang shoebox na nakita niya sa kaniyang cabinet. Tumayo siya at pumunta sa cabinet upang kunin iyon.

Pagkakuha niya ng shoebox ay bumalik siya sa kaniyang kama at umupo. Binuksan niya ito at tumambad sa kaniya ang mga laman.

“Why did I keep these kind of stuffs?” tanong niya sa kaniyang isipan.

Una niyang inilabas sa kahon ang mga balat ng tsokolate. Napansin niya naman na iisa lang ang brand ng chocolate. Tinignan niya ang likod at nakita niya na may imprenta na CV Chocolate Factory.

“Parang familiar sakin yung brand” sabi niya sa kaniyang isip.

Isinantabi niya muna yun at kinuha niya naman ang tatlong mga liham na nakalagay sa sobreng puti. May mga nakasulat sa bawat sobre na ito na mahahalata mong sulat ng isang bata.

Ang una ay “For your 7th birthday” pangalawa naman ay “For your 18th birthday” at ang pinakahuli ay “When we got married”

Tila may naramdaman siyang kakaiba pagkatapos niyang mabasa ang mga nakasulat sa labas ng mga ito. Binuksan niya yung unang sobre may picture na nakasama dun sa letter. Binasa niya muna yung letter.

Dear Michelle,

Happy Birthday! Special ang araw na to kasi 7th birthday mo. Kung binabasa mo to at wala man ako sa party mo lagi mong alalahanin na nandito lang ako para sayo kahit malayo. Enjoy your day! ( Smile ka lagi ah? Wag ka ng malungkot. Tignan mo lang yung picture ko para sumaya ka. Happy birthday ulit!

-Baldo<3

Matapos niyang mabasa ang letter ay napangiti siya bigla. Kinuha niya naman yung litrato na kasama nun at natawa siya sa nakita niya.

Isang batang kalbo na kumakain ng ice cream at gulat na nakatingin sa camera. Nagkalat pa sa bibig nito ang kinakain nitong ice cream.

Natawa naman siya dahil ang dungis tignan nung bata pero ang cute pa rin. Hindi niya nga lang mawari kung babae ba ito o lalaki.

“Who are you Baldo?” tanong niya sa kaniyang sarili.

Nawala siya sa kaniyang malalim na pag-iisip ng may biglang kumatok sa pintuan ng kanyang kwarto.

“Besh?” sabi ng nasa labas ng pinto.

Napagtanto niya namang si Ella yun. Dali-dali siyang tumayo at binuksan ang pinto.

“What’s brings you here besh?” tanong ni Den sa kanya

“Wala naman. Nabored ako sa bahay eh. Oh what’s those stuffs?” tanong ni Ella pagkapasok niya ng mapansin niya ang mga nakakalat sa kama ni Den.

“Ah it’s nothing. Mga gamit ko nung bata pa ko.” Sagot ni Den.

Pumunta naman si Ella sa kama ni Den at pinakialaman na rin ang mga nandun. Binasa niya rin ang letter na binasa kanina ni Den.

“Wow! Bata palang pero pumapag-ibig na. Sino tong si Baldo?” tanong ni Ella kay Den.

“My childhood friend?” hindi siguradong sagot ni Den

“Friend nga lang ba?” nakangising tanong ni Ella

“Tigilan mo nga ko Jorella.” Sabi nalang ni Den.

“Pero seryoso natabi mo pa to? Wala ka bang naaalala sa childhood days mo?” tanong sa kaniya ni Ella.

Sandali namang napaisip si Den at pilit na inaalala yung childhood days niya.

“Meron Besh. I think si Baldo yung tumulong sakin nung nadapa ako nung bata ako. Iyak daw ako ng iyak non tapos dumating siya at tinulungan niya ko umuwi para daw magamot yung sugat ko sa bahay.” Mahabang kwento ni Den

“Yun lang wala na?” tanong ulit ni Ella.

Inalala naman ulit ni Den ang mga pangyayari noon.

“Long story besh next time nalang” sabi ni Den

“Ano ba yan nag-aabang na ko eh.” Sabi ni Ella

Dinampot naman ni Ella yung pangalawang letter na may nakalay na “For your 18th birthday”

“Uy besh mabubuksan mo na to next year diba magde debut ka na niyan?” sabi ni Ella kay Den

“Oo nga noh? Matagal pa naman yun. Pero nacu curious ako ano laman nung letter.” Sabi ni Den

“Asus ang sabihin mo excited ka lang.” asar ni Ella sa kanya.

“Hindi noh.” Tanggi naman ni Den

“Indenial ka pa.” sagot nalang ni Ella

“Nga pala speaking of birthday, malapit na birthday ni Ly ano kaya magandang iregalo?” biglang sabi ulit ni Ella

“Kelan ba birthday niya?” tanong sa kanya ni Den

“What?! Seroiusly besh? Hindi mo alam? My gosh!” OA na sabi ni Ella

Binatukan na naman siya ni Den

“Ang OA mo besh ah. Paano kasi hindi naman namin napag-usapan yung tungkol sa birthday chena. Pati nga rin ata birthday ko di niya alam eh.” Sagot nalang ni Den

“Hayy naku kayong dalawa, ewan ko sa inyo.” Sabi ni Ella

---

Sa kabilang banda naman masayang nanunuod si Alyssa ng cartoon habang kumakain ng chips at ice cream. Naisipan niyang umuwi na muna sa bahay nila for weekend.

Sa ngayon masasabi niyang stable ang mga nagaganap sa kanila ngayon ni Den at masaya siya dahil nagbalik na sila sa dati.

"Tatanungin ko na ba siya?" biglang tanong ni Alyssa sa isip niya

Nawala lang siya sa kanyang malalim na pag-iisip ng biglang mag ring ang phone niya.

Tinignan niya ito at nakita niyang may nagtext.

1 message from Kim

Binuksan niya ito at binasa

Dude may ginagawa ka ba? Tara punta ka dito sa bahay dito din sila.

Nagreply siya

Okay sige.

Nagreply naman agad si Kim

Dala ka pala foods hahaha Naubos na stock namin eh. Thanks dude :*

Yak ka Kim upakan kita pagpunta ko diyan. Hahaha

Reply niya

Nagpaalam siya sa mama niya at pumayag naman ito. Kumuha nalang siya ng pagkain sa kanila para hindi na siya bumili pa.

Pagkapunta niya kila Kim ay sinunggaban agad nila ang mga dalang pagkain ni Alyssa. Masaya silang nagkwentuhan hanggang sa napunta sila sa usapan tungkol sa birthday ni Alyssa.

"Nga pala baldo malapit na birthday mo ah. Ano balak?" tanong ni Ara kay Alyssa

"Onga pala hindi ko pa nga alam eh. Naisip ko nga kanina ano kaya kung tanungin ko na si Den?" sabi ni Alyssa

"Edi yun nalang gawin natin sa birthday mo. Tas after nun tsaka tayo mag party."  masayang sabi ni Gretch

"What if di siya mag yes?" malungkot na sabi ni Alyssa

Nakatanggap naman siya ng batok, palo at suntok galing sa kanilang lahat.

"Aray naman" daing ni Alyssa

"Napaka nega mo naman dude. Wala pa nga, yun agad iniisip mo" sabi naman ni Mika

"Think positive tayo. Oh basta yun na ang plano natin para sa birthday ni Ly ah?" sabi ni Gretch

Nagsitanguan naman ang lahat bilang pagsang-ayon.

Nothing like usWhere stories live. Discover now