Chapter 17

472 19 0
                                    

Continuation...

Alyssa's POV

I was about to sing the song when the lights suddenly turned off.

Seriously?! Kung kelan pakanta na ko. What an epic.

"Den? You okay there?" tanong ko

"Yes Ly don't worry" sagot niya kahit di namin nakikita yung isa't isa.

After a minute bumukas na yung mga ilaw.

"Sorry dude medyo nagka-aberya lang dun sa mga wires pero okay na ngayon." Sabi ni A ng nakangiti

"So ahm as I was saying this song is for you." Ngiting sabi ko kay Den.

3rd Person’s POV

Bago magsimula si Aly ay bumulong muna siya kay Gretchen.

"Change song dude. Something rock." Bulong niya kay Gretch at natawa naman sila pareho.

Umalis si Gretch sa harap ng keyboard at kinuha ang gitara kay Aly.Nagstart ng magstrum si Gretch.

Mahal kita pero di mo lang alam- Rocksteddy

Matagal ko nang gustong malaman mo
Matagal ko nang itinatago-tago 'to
Nahihiyang magsalita at umuurong aking dila
Pwede bang bukas na, ipagpaliban muna natin 'to
Dahil kumukuha lang ng tyempo
Upang sabihin sa iyo…

Mahal kita pero 'di mo lang alam
mahal kita pero 'di mo lang ramdam
mahal kita kahit 'di mo na ako tinitignan
mahal kita kahit 'di mo lang alam, oh oh woh

(Di ko na po tinapos yung kanta hehe.)  

Pagkatapos ng kanta ay pumalakpak yung mga barkada ni Ly. Bumulong sa kanya si Gretch

"You're not in a romantic way sa pagkanta ah. PInakita mo talaga pagkarakista side mo." Sabi ni gretch kay Ly at tumawa.

Napatingin naman siya kay den. Nakita niya itong nakangiti. Napagisip-isip niyang ito na yung tamang time para sabihin niya kay Den yung nararamdaman niya para sa dalaga.

"Ahm Den I hope you like that song kahit di man romantic and medyo rock. Haha. Ilang months palang tayong magkakilala pero sa loob ng ilang buwan na yun aaminin ko unti-unti na kitang nagugustuhan. No scratch that I think mahal na nga kita eh. Wag mo sanang isipin na nagtake-advantage ako because we’re bestfriends, beshies to be exact. Honestly I tried to say it to you for how many times, pero laging nauudlot, di natutuloy. Kaya Den di na ko magpapaligoy-ligoy pa, eto na tatanong ko na." mahabang lintanya ni Ly at pumunta sa harapan ni Den.

Habang si Den naman ay nag-uumapaw ang emosyon na kanyang nararamdaman. Hinawakan ni Aly ang kamay ni Den at tumingin ng diretso sa kanyang mga mata.

"Can you give me a chance?" tanong ni Aly kay Den. Sandaling natahimik ang paligid at lahat ng tao doon ay nag-aabang sa magiging sagot ni Den.

Tumango si Den habang nakangiti.

"Is that a yes?!" masayang na tanong ni Aly.

"Yes!" masayang tugon naman ni Den.

Dahil sa sobrang saya ni Aly ay niyakap niya ng mahigpit si Den. Pagkatapos ay may kinuha ito sa kanyang bulsa. Yung kwintas na binili niya pa noon sa Batangas na dapat matagal na niyang nabigay. Isa itong silver necklace na may pendant na gold clock.

"May I?" tanong ni Ly tumango lang si Den at isinuot na niya ito kay Den.

Masayang nakatingin sa kanila ang mga dudes at wafs.

"They really look good together." Biglang sabi ni A

"Yeah. Road to forever na sila." Sabi naman ni Kim

Nothing like usWhere stories live. Discover now