Chapter 9

481 17 0
                                    

Alyssa's POV

"Ly..." sabi ng sa kabilang linya.

"Ahm sino po sila?" Sagot ko naman.

"Si Den to" sabi sa kabilang linya. Tindi noh? Kahit na magkaklase kami hindi kami nagkaron ng contact ngayon palang. Haha.

"Napatawag ka besh?" Tanong ko.

"Wala lang. May ginagawa ka ba?" Sabi niya

"Ah eh.. Wala wala. Haha" nauutal kong sabi. Ayoko naman sabihin sa kanya na nanunuod akong cartoons. Nakakahiya. Haha. Kahit pa sila Ara hindi nila alam to.

"Papasama sana ako." Sabi niya

"Sure. Saan ba?"  Tanong ko sa kanya.

"Ahm sa mall lang" sabi niya

"Ah sige kita nalang tayo sa kanto" sabi ko sa kanya. At pinatay niya na yung tawag.

Niligpit ko muna yung mga kalat ko at pinatay yung tv. Pumasok na ko sa kwarto at nagshower. Pagkatapos nun ay nagbihis na ko. Nagiwan nalang ako ng note sa bahay at nilock ko na yung pinto.

Nang makarating na ko sa kanto ay nakita ko na siya. Ang ganda niya sa suot niya. Naka dress siya na blue tapos flat shoes.

"Besh!" Tawag niya sakin. Lumapit naman ako agad.

"Tara na?" Sabi ko sa kanya

Dumating na kami sa mall at naka angkla sya sa kanang braso ko. Pumasok kami sa iba't ibang store at hanggang ngayon wala pa rin siyang napipili. Hayyy...

"Besh nakailang store na tayo wala ka pa ring napipili." Sabi ko sa kanya.

"Eh wala akong gusto sa mga yun eh. Ikaw nalang kaya pumili para sakin. Please..." Pacute niyang sabi sakin. 

Naku ito na naman po ang pacute effect niya.

"Para namang nagsusuot ako niyan ah. Haha" Sabi ko sa kanya.

"Di ka ba nagreregalo ng dress? Sige na please... After nito kakain tayo tapos we can go home na" Sabi niya sakin

"Fine" Sabi ko sa kanya. 

Aba ang loka ang saya saya pasalamat siya gusto ko nang umuwi. Dahil nga ako ang pipili pumasok na kami sa isang store na di namin napupuntahan.

Sige pili lang ako hanggang sa nakita ko na ang babagay sa kanya. Perfect! Haha. Dahil nasa kabilang area siya eh pumunta na agad ako sa counter at ako na ang nagbayad. Para surprise. Hinintay ko nalang siya may entrance ng store. After  5minutes, nakita ko na siya at may dala dala rin.

"Oh ano yan? Pinapipili mo ko tas pipili ka rin pala" May himig tampong sabi ko sa knaya.

"Asus. Tampo ka pa dyan. Para sayo to. nakita ko kasi na mukhang bagay sayo eh. Tsaka hinanap kita sa loob nandito ka na pala. Teka magkano ba yan?" Sabi niya sakin

Binilan niya ko? How sweet.. yiiee. haha kaso Friendly lang yun. Reality hurts...

"Ah no need. Gift ko na sayo to." sabi ko sa kanya ng nakangiti ng malapad. BInigay ko na sa kanya ang binili ko at ganun din siya. 

Napansin ko naman ang pagblush niya. Ang cute. Hahaha.

"Tara kain na tayo gutom na ko." Sabi ko sa kanya at hinila ko siya papunta sa isang fast food chain.

"Treat mo ko diba?" Sabi ko sa kanya.

"Ah oo. Ano bang gusto mo?" Tanong niya sakin.

"Kung ano nalang yung sayo yun nalang din yun sakin" sabi ko sa kanya

"Sige" At pumunta na siya sa counter para mag order.

After a few minutes ay dumating na siya dala ang mga orders namin. Nagsimula na kaming kumain. Tahimik lang walang nagsasalita. Natapos na ko kumain pero siya hindi pa. 

"Bagal mo kumain" Sabi ko sakanya. 

Aba di ako pinansin kumakain pa rin siya. Di ko nalang siya kinulit. At tumingin nalang ako sa labas.

Hanggang sa may nahagip ang dalawa kong mga mata. Si Myco?! with someone?! What the heck?! GF niya tong nasa harapan ko tapos ngayon may kasama siyang babae sweet pa ah.

Hay naku. Di na talaga nagbabago tong lalake na to eh. Babaero pa rin. Papano na si Den? Sinusundan ko pa rin kung san papunta sila Myco. Hala papunta pa sila dito. What shall I do? hooo! bahala na. May biglang dumamping palad na tinapik ang noo ko.

"Ouch! Why did you do that?" Nakakunot noo kong sabi sa kanya.

Siya naman nakangiti pa.

"Hhmmp!" Sabi niya lang sakin sabay irap.

Tumayo na siya at kinuha ang gift ko sakanya sabay naglakad papuntang entrance ng kinainan namin.

Sinundan ko siya at sa di inaasahan nasa harapan na ni Den ang dalawang sweet kanina pa. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Myco at ang kasama niya namang babae ay nagtataka.

"Hala mukhang eto na. Naku" Bulong ko sa sarili ko.

"Babe you okay?" Sabi ng babae kay Myco. Patay talaga tayo nito eh.

Tinignan ko naman si Den and I see those pair of eyes of hers are full of hurt and sadness. At may nagbabadya na ring luha dito. 

"Ah yes im okay." Sabi ni Myco.

Nagulat nalang ako ng biglang tumakbo si Den palabas ng mall. 

"Den!" Sabay na sabi namin ni Myco. 

Tumakbo na ko para sundan si Den. Pero lumingon muna ako ulit kay Myco at bingyan ko siya ng masamang tingin. Nasundan ko si Den sa may parking lot at umiiyak. Niyakap ko siya agad at sinubsob na niya ang ulo niya sa dibdib ko. 

"Ssshhh.. Don't cry. He doesn't deserve your tears. He hurt you. Stop crying it okay." Pag aalo ko sa kanya. 

HInawakan ko ang mukha niya at pinunasan ko ang luha niya. 

"Let's go" sabi ko sa kanya

Tinext ko ang driver namin at nagpasundo nalang kami sa mall. Pagkarating ng sundo namin ay sumakay na kami. Tumigil na sa pag iyak si Den. Inihilig ko nalang ang ulo niya sa balikat ko at nakaakbay ang kanang kamay ko sa kanya. 

"Take a sleep. I'll take you home" Sabi ko at pinikit na niya ang mata niya.

After 20 mins nandito na kami sa kanto. 

"Den wake up. Di ko alam san yung apartment na tinitirhan mo." Sabi ko sa kanya

"Hhhmm.." Sabi niya lang. Hayyy.... Iuuwi na nga lang muna kita sa bahay. 

"Tay diretso na tayo sa bahay dun nalang muna siya mag stay sa bahay." Sabi ko kay Tatay Robert.

"Napano ba yang kasama mo Baldo?" Tanong sa akin ni tatay

"Pinagtaksilan ng kasintahan tay" sagot ko naman.

Tumango nalang siya. Pagkarating namin sa bahay ay binuhat ko nalang siya ng pabridal style papasok dahil tulog pa rin siya. Pagkapasok ko ay naabutan ko si Mommy sa sala.

"Hey Ma malinis po ba yung Master's Bedroom natin?" Tanong ko agad kay Mama

"Ah yes anak nakabukas na yun. Sige na lagay mo na siya dun then afetr that pumunta ka ulit dito" Sabi sakin ni Mama.

Nilapag ko na siya at kinumutan. Talagang di mo binitawan yang gift ko sayo ah. HInalikan ko siya sa noo at umalis na ko. Pagkarating ko ng sala ay tinanong agad ako ni Mama. 

"Is she your Girlfriend Alyssa?" Seryosong tanong ni Mama. Whut?! Gf daw? 

"NO! She's my Bestfriend Ma. BESTFRIEND" sabi ko kay Mama

"Bakit ang defensive mo anak?" sabi sakin ni Mama ng nakangisi.

Hayy.. Si mama talaga kahit kelan. Sa bagay ngayon palang kasi ako nagdala ng babae dito na as in babae talaga. Kaya siguro ganun nalang si Mama. 

"Well maganda siya. I like her for you." Nakangiting sabi sakin ni Mama at umakyat na siya sa kwarto nila ni Papa. 

I was left in the sala ng nakanganga. I heard it right? 

Nothing like usWhere stories live. Discover now