Chapter 13

411 16 0
                                    

Den's POV

Ilang weeks na rin ang lumipas mula nung nanuyo si Myco sakin.

Pinatunayan niya naman na nagbago na talaga siya. He always makes an effort for me. Pero pagkatapos din nung pag-aalaga ni Alyssa sakin nung napilay ako, hindi na kami nagkausap pa. Busy siya sa pagte- training. Hindi ko naman siya mapuntahan dahil na rin kay Myco.

Namimiss ko na ang besh ko. Hindi ko alam papaano ko siya iaaproach para kasing nagkaroon ng awkward moment sa amin. 

Ngayon nandito ako sa kwarto ko nag-iisip ng kung anong gagawin. Si Myco kasi may bonding daw sila ng mga barkada niya. Naisipan ko nalang maglakad-lakad muna sa labas tutal hindi ko pa naman nalilibot itong lugar na to. nagbihis ako at lumabas na para maglakad. 

Habang naglalakad ako ay nakita ko sila Kim at Ara na nagbabike. Nakita din naman nila ako. 

"Uy Hi Dennise" nakangiting bati sakin ni Kim.

"Hello" sabi ko naman. Hindi nila kasama si Aly?

"Saan ka pupunta?" tanong naman sakin ni Ara

"Ah wala naman. naisipan ko lang maglakad-lakad" sabi ko naman sa kanila.

"Ganun ba? Sige una na kami Dennise" paalam nila sakin at patuloy na sila sa pagbabike nila.

Dinala naman ako ng mga paa ko dito sa playground. Umupo ako sa may swing. Pinagmasdan ko ang mga batang naglalaro dito.

Hayy.. nakakamiss maging bata. Speaking of pagiging bata nasan na kaya yung childhood friend ko na yun? Simula nung nangyaring pagligtas niya sakin noon hindi na kami nagkita pa muli. Naaalala ko pa lagi niya kong binibigyan ng chocolates.

Yung choolates na yun wala daw kagayang iba. Siya na yata yung nag-iisang ultimate crush ko. Napakabait, humble, matulungin at marami pang iba. Sa kalagitnaan ng pag-aalala ko dun ay naisipan kong tawagan si Aly.

Calling Aly....

Nagriring pero di sinasagot.

The subscriber cannot be reach. Please try again later.

Nagdial pa ko ng ilang beses pero ayaw niya pa ring sumagot. Argghh! May nagawa ba kong kasalanan sa kanya? Hmmpp! Bahala na siya. Dahil sa inis ko umuwi na ko sa apartment na tinutuluyan ko. 

.....
Fastforward..

After three weeks...

Alyssa's POV

Yes! Last day nalang ng training namin dahil next week vacation na. Sayang nga nung last last week hindi natuloy sila kuya na bumisita sa bahay. Sabi nila sa vacation nalang daw para mas masaya. Pero palaisipan pa rin sakin kung bakit napatawag sakin nun si Den tapos kinabukasan nun ay tinatarayan na niya ako. Ano kaya problema sakin nun? Dahil sa malapit na ang laban at periodical test namin ay hindi ko na muna inisip yun. 

Nakapangtraining attire na ko at ready na ang mga dadalhin ko para sa last day ng training. Kinuha ko yung m136 green-yellow  trinx bike ko sa garahe at umalis na.

Pagkapasok ko ng school bumati ako sa guard at pumunta na sa court pero wala pa yung mga co-players ko dun. Kaya pumunta muna ako sa garden. Nandun na ko sa favorite tambayan ko ng may marinig akong babaeng umiiyak. Sinundan ko yung tinig ng iyak at dun yun sa kabilang side ng puno.

Pinagmasdan ko yung babae nakayuko siya kaya hindi ko makita yung mukha niya. Naghanap ako ng panyo sa bag ko pero wala towel lang. Hays no choice ako kundi yung towel ang ioffer ko. 

"Miss eto oh towel ko. Wala kasi akong panyo eh. Wag ka ng umiyak" sabi ko dun sa girl.

Natigil siya sa pag-iyak at tumingala siya.

"Den?!" gulat na sabi ko.

Agad siyang tumayo at yumakap sakin. 

"Hey stop crying. Ano bang nagyari?" tanong ko sa kanya kahit alam ko na kung bakit

"It's about Myco besh. Nakita ko siya may kahalikan dun sa CR." Umiiyak na sabi niya sakin.

Sabi ko na eh. Bakit kaya pinagsasayangan niya ng luha yung lalaking yun? Dapat kasi ako nalang eh. Pero wag muna yun ang importante ay mawala yung sakit na ginawa sa kanya ng Myco na yun.

"That damn guy. Hindi na talaga nagtitino" inis na sabi ko.

Inaalo alo ko lang siya hanggang sa tumahan na siya.

"This time, don't be fool again okay? Magmove-on ka na sa kanya. i know its hard pero alam kong kaya mo yun. I'm here for you" Seryosong sabi ko sa kanya.

"Thank you so much for being there for me besh."  sabi niya sakin.

Awwtss. Besh lang talaga Alyssa wag ka ng umasa na magiging more than bestfriends pa kayo. 

The day went on. Maaga akong umuwi ng bahay to fix my things dahil sa Batangas kami mag-uundas. Excited na ko dahil uuwi na sila Kuya. Didiretso nalang daw sila dun.

Si Dennise naman eto magkatext kami uuwi siya niyan sa kanila para dun magbakasyon dahil wala naman siyang kasama sa apartment na tinutuluyan niya. 

After ng ilang oras sa pagbiyahe ay nandito na kami. Agad naman akong sinalubong ng nakababata kong kapatid.

"Ate!" sabi niya

"Bunso!" sabi ko naman

"Namiss kita Ate." Sabi niya sakin

"Asus. Etuts mo halika na at pumasok  na tayo sa loob." Yaya ko sa kanya.

Nagbonding lang kami ng kapatid kong si Kian hanggang sa dumating na ang dalawa kong kuya.

"Kuya Pau! Kuya Nicko!" sabi ko at dali-dali silang sinalubong ng yakap.

"Namiss namin ang mumunting prinsesa namin" sabi ni Kuya Nicko

"Kuya naman" nakabusangot kong sabi

"Joke lang tara na sa loob at magsisimula na ang kasiyahan" sabi ni Kuya Nicko. At pumasok na kami sa loob. 

Nothing like usWhere stories live. Discover now