Chapter 7

506 12 0
                                    

Alyssa's POV

Nang matapos ang first day of periodical test namin ay umuwi na ako agad. Sila Ella at Amy okay naman. Sabay na silang umuuwi since magkaklase naman sila. Si Den ayun simula kahapon lagi na silang magkasama. For sure ako ihahatid siya ni Myco kaya mag-isa akong umuwi. Buti nalang nagbike ako ngayon. Pagkauwi ko ay nagshower ako at humiga sa kama hanggang sa nakatulog.

Nagising na lamang ako ng makarinig ako ng ingay sa baba. Tumayo na ako at tumingin sa clock 5pm na pala medyo mahaba ang tulog ko. Nag-ayos ako at bumaba na sa sala. Nagulat ako ng nandito na si papa may kasamang lalaki medyo 40's ang edad at babae na parang kaedad ko lang.

"Oh sakto nandito ang aking unica ija, anak come here" sabi ni papa lumingon naman sa pwesto ko yung girl and pati yung papa niya siguro at WOW! She’s beautiful.

Lumapit naman ako kay papa at umupo sa tabi niya.

"Nak, I want you to meet Eunice. Eunice this is my daughter Alyssa" pagpapakilala ni papa

"Hi Eunice, hi sir" sabi ko at naglahad ng kamay inabot naman nila ito.

"Ah Ly Mr. Castro, kumpare ko, and Eunice’ father. Kakagaling lang ng anak niya from US pero marunong pa rin siyang magtagalog." Sabi ni papa. Nagnod naman ako bilang pagsang ayon.

"So ayun since bago palang siya dito eh ikaw na ang bahala sa kanya. Same lang kayo ng year. Pumayag na rin si Mr. Castro naienroll siya kung san ka nag aaral para magkasama kayong dalawa" sabi pa ni papa

"What!?" Gulat na sabi ko.

"Sorry nagulat lang po ako pero bakit ako?" Tanong ko kay papa

"Mr. Castro trusts me a lot. Eh napag alaman niyang may anak akong babae. Kaya ayun" paliwang ni papa

"So kelan siya papasok sa school?"  Tanong ko sa kanila

"Tomorrow to be exact" sagot ni papa. And my jaw literally drops. As in? Grabe ang bilis namang naasikaso ng requirements niya. Di naman na ako nagsalita at nakinig na lang ako sa pinaguusapan nila. Puro lang naman business achuchuchu..

Napapansin ko kanina pa tingin ng tingin sakin si Eunice. Her look was so different. Kinabahan tuloy ako bigla.

Nagpaalam naman ako kay papa na aalis na pumayag naman na si papa. Kinuha ko sa garahe yung Red Trinx mountain bike ko. Nagbike ako papunta kila Ara.

"Holy moly, himala at lumabas ka ngayon? Simula nung encounter niyo ni Den sa mini stop naging taong bahay ka na ah" sabi ni Ara sakin. Di ko naman pinansin yung sinabi niya at dali daling umupo sa sofa nila.

"Wow ah snobber lang." Sabi niya sakin.

"Che! Wala lang ako sa mood tol" sabi ko sa kanya

" Oh bakit naman?" Tanong ni Ara

"Wala wala" sabi ko napaisip naman ako bigla. Bakit nga ba ako wala sa mood? Parang baliw lang ako. Napangiti naman ako bigla ng maalala ko yung magandang mukha ni Eunice.

"Hoy nakakatakot ka tol bigla ka nalang ngumingiti jan." Sabi ni Ara binayukan ko naman siya

"Tungek may naalala lang ako noh" sabi ko sa kanya

"At ano naman yan tol? Chix ba?" Tanong ni Ara sakin

"Oo chix. Pakilala kita gusto mo?" Sabi ko sabay tingin ng nakakaloko

"Sige nasan ba siya?" Excited naman na tanong ni Ara. Binatukan ko ulit siya

"Aba Ly napapansin ko nakakarami ka na ah." Reklamo niya sakin.

"Eh ang hilig mo sa chix eh. Tignan lang natin balang araw magkakaron ka rin ng katapat mo. Haha" sabi ko sa kanya

"Talaga lang ha? Sige ba kung papatalo naman ako." Matapang na sabi niya

"Sus wag ka agad magbitaw ng salita. Baka bukas lang kainin mo yang sinabi mo" natatawang sabi ko sa kanya. Bigla naman may nagdoorbell.

"May bisita ka bang darating tol?" Tanong ko kay Ara. Umiling lang siya.
Pumunta na siya agad sa pinto at pagkabukas niya ay bumungad samin si Kim na mukhang nagdedaydream pa. Sinampal naman siya ni Ara na nagpabalik sa kanya sa katinuan. Tawa naman kami ng tawa ni Ara sa naging reaksiyon niya.

"Bakit mo ba kasi ginawa yun?" Inis na tanong ni Kim kay Ara

"Para ka kayang tanga binuksan ko na yung pinto, tulala ka pa rin. Anyare ba sayo?" Sabi ni Ara kay Kim.
Bigla na namang ngumiti si Kim na parang nagdedaydream. Lumapit ako sa kanya at binatukan ko siya. Inis na humarap siya sakin.

"Kanina pa kayo ah" inis na sabi ni kim samin. Kami naman ni Ara eh tawa lang ng tawa.

"Oh ano ng nangyare?" Tanong ulit ni Ara

"Ganito kasi yun, kanina nagbabike ako papunta sanang clubhouse tapos habang magbabike ako may nakita akong chix sa daan. Ang ganda niya mga tol. So ayun nung susundan ko na sana siya bigla siyang huminto tapos tumingin sakin. Natulala ako sa ganda niya. Tas bigla nalang siyang nawala sa harapan ko." Kwento ni Kim samin.

Tumawa na naman kami ni Ara. Binatukan kami ni Kim.

Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan. Kinuwento ko sa kanila yung tungkol kay Eunice. Gusto na raw nilang makita. Mga babaero talaga.

Nang napansin namin na 7pm na pala ay napagpasyahan na naming umuwi ni Kim. Pagkadating ko sa bahay ay diretso ako sa kwarto at nagpahinga.

Nagshower ako at kumain ng dinner. Nagpadala nalang kasi ako ng pagkain ko dito sa kwarto. Habang nagrereview ako eh biglang pumasok sa isip ko yung kanina. Eunice....

Nothing like usWhere stories live. Discover now