Chapter 16

430 18 0
                                    

Aly's POV

Natapos na ang Division meet namin, dumaan na ang pasko at bagong taon, pero eto pa rin ako hindi ko pa rin nasasabi sa kanya kung ano talaga nararamdaman ko.

Tuwing sasabihin ko na kasi laging nauudlot kaya ayun ang ending nauuwi sa wala.

Nung pasko kasi aamin na sana ako nung Christmas eve kaso ayun namatay yung tawag tapos di ko na siya natawagn ulit. Nung New year naman wala akong balita sa kanya kasi busy din siya with her family.

After kasi nung vacation sa Batangas di na kami nagkausap kasi nga laban na namin. Sila Kuya naman balik na ulit sa trabaho nila. Pero di ko inexpect na nung championship ay manunuod siya sa laban ko.

Nagchampion ang school namin nun sa badminton at basketball.

Walang pasok ngayon dahil Saturday, nandito ako sa garden. Nag-iisip kung ano na bang gagawin para masabi ko na sa kanya. Mahirap na baka mamaya isipin niya na ginawa ko pang advantage yung pagiging magbestfriend namin. Nasa ganun akong estado ng biglang may magsalita sa likod ko.

"Lalim ng iniisip natin ah" lumingon ako agad at nakita ko si Gretch.

"Gretch!" sabi ko at yumakap agad sa kanya.

"Ang bakla niyo mga dude. Hahaha" sabi naman ni..

"Nacachi! Grabe reunion ba ito?" sabi ko sa kanilang dalawa.

Si Aillyse Nacachi or mas tawag namin na A ay kabatch ni Gretch na naging barkada ko rin dahil nag-aral din siya sa school at isa din siyang athelete noon gaya namin ni Gretch.

Pumasok na kami sa sala at pumunta ako sandali sa kusina para kumuha ng meryenda namin.

"So kamusta naman ang the great baldo namin?" Bungad ni Gretch.

"Loko loko. Ayos lang ako. Marami lang mga projects syempre alam mo na graduating student here. Haha" Sabi ko naman sa kanila.

"Aysus iba naman yung ibig sabihin ni Gretch dun sa tanong niya eh." Sabi naman ni A.

"Huh? Eh ano?" tanong ko sa kanila

"Ano pa ba? Edi lovelife. Ly naman naging inlove ka na eh naging slow ka narin" sabi ni Gretch sakin. Binatukan ko naman siya.

"Ewan ko sayo. Teka may alam ka A?"tanong ko sa kanya.

"Ako pa? Nadulas dila ni Gretch sakin eh. Kaya ayun kinuwento na niya" sabi ni A.

Tumingin naman ako ng masam kay Gretch ngumiti lang siya ta nag-peace sign.

"So ano na balak mo?" tanong ni Gretch sakin.

"Wala. Kapaga kasi aamin na ako di naman matuloy tuloy kaya bahala nalang. Siguro sa valentines?"Sabi ko sa kanila

"Well magandang idea yan. Papano mo naman gagawin?" tanong sakin ni A.

"Wala pa ako maisip eh. Pero tutulungan niyo naman ako diba" tanong ko sa kanila.

"Aba oo naman maaasahan mo kami sa ganyan" nakangiting sabi nila.

Naiasipan kong papuntahin sila Wafs dito sa bahay para makapagbonding na rin kaming lahat. Mabuti nalang at wala silang lakad kaya agad silang nakapunta sa bahay.

"Ho!, Nacachi!" sigaw ni Ara at Kim

"Long time no see mga bro" sabi naman ni Mika.

"Buti napabisita kayo kahit busy ang college life" sabi ni Kim

"Namiss kasi namin tong si Baldo syempre pati na rin kayo." sagot naman ni Gretch.

Nag-asaran, nagkwentuhan, nag-laro kami buong araw. Pero nagplano na rin kami para sa valentines' day dahil yun na talaga yung araw na aamin ako sa kanya.

Nothing like usWhere stories live. Discover now