Chapter 22

342 18 1
                                    

Continuation...

Lord kayo na pong bahala sa kahihinatnan ng desisyon ko.

"Yes LA” nakapikit kong sabi.

At narinig ko nalang na napasigaw si LA ng “Finally” at nagpalakpakan ang mga tao na nandun.

Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko at nakita kong nakangiti silang lahat. Tinignan ko naman si Dad na di ko mabasa kung ano bang iniisip niya.

Alyssa… Siya lang ang pumasok sa isip ko. Inipit ako ni LA sa sitwasyon na hindi ako pwedeng tumanggi. Pano na to? Alam kong si Ly ang mahal ko at ready na ko para harapin ang mga problema namin dahil ang magiging relasyon namin ay hindi pa open sa lahat.

Natapos na ang celebration at lahat ng mga bisista ay nagsiuwian na. Naupo ako dito sa may graden at pinagmasdan ang maaliwalas na langit. Ang daming stars. Nasa ganun akong pagmumuni-muni ng biglang tumunog ang phone ko. Kinuha ko to sa bulsa at tinignan.

One message from Ly :)

Are you still up?

Napangiti ako at nagreply.

Yep. Why? -ako

Can I call? – siya

Sure :) -ako

Nagpop-up naman bigla sa screen na tumatawag siya. Agad-agad ko itong sinagot.

“Hey” sagot niya sa kabilang linya.

“Hi” sagot ko

“Ahm kamusta celebration niyo diyan?” –Ly

Nako naalala ko na naman tuloy yung kanina. Should I tell her? Aiisshh Nakakagulo ng isip.

“Eto katatapos lang. Diyan ba?” –ako

“Some of my relatives are still here. Parating na rin sila Kim niyan. I’m here with Amy.” –siya

“Hi Den!” sigaw ni Amy sa kabilang linya.

“Anyway you should take a rest na I know your tired.” –Ly

“Okay po. Ahm Ly..” –ako

“Hhmm?” –Siya

“Thank you for the gift. I love it super.”- ako

“Anything for you. Anyway I’ll going to end the call here. Always remember I love you!” –siya

At inend niya na ang tawag.

“I love you too Ly.” Sabi ko sa hangin

“Apo who’s that?” Nagulat ako sa nagsalita. Si Mamita pala.

“Ah eh Mamita..” di ko alam ano bang sasabihin ko

“Wag mong sabihing nobyo mo ang kausap mo ija.” Sabi niya

“No Mamita. Actually po may gusto din po akong ikwento at sabihin sa inyo.” Sagot ko nalang.

Umupo kami sa may bench dito sa garden.

“Spill it Apo.” Nakangiting sabi sakin ni Mamita.

Nagbuntong hininga muna ako at nagsalita

“Mamita I’m inlove with someone.” Sabi ko at tumingin sa kanya. Nginitian niya naman ako.

“Who’s the lucky guy?” tanong niya sakin

Ang lakas ng tibok ng puso ko kinakabahan ako. Baka kasi hindi matanggap ni Mamita na in love ako sa isang babae. Pero bahala na. Para kay Alyssa.

“Actually Mamita I’m not in love with a guy. I’m in love with a girl po.” Seryosong sabi ko habang nakatingin sa kanya.

Nakita ko naman ang pagkagulat sa mukha niya at bigla itong sumeryoso.

Nothing like usWhere stories live. Discover now