Chapter 24

355 12 1
                                    

Alyssa’s Birthday

Busy silang lahat sa school. Nagsimula na rin kasi ang training ng mga players sa kanilang school.

Ngayon ang mismong kaarawan ni Alyssa at kasalukuyan silang nasa training.

“Okay guys Water break muna 5 mins.” Sabi ng kanilang coach.

Dali-dali naman siyang umupo sa bench.

“Grabe kapagod woohh!” sigaw ni Alyssa bago uminom ng tubig.

Nagpupunas siya ng kaniyang pawis ng mapansin niyang wala ang mga kasama niya.

“Luh nasan sila?” sabi ni Alyssa habang palinga-linga sa paligid.

Naupo nalang siya ulit sa bench at tinakpan ang mukha niya ng towel.

“Happy Birthday to you… Happy Birthday to you!..” nang marinig iyon ni Alyssa ay tumingin siya sa pinanggagalingan ng mga boses at nakita niya ang kanyang mga teammates at coach na may hawak na cake.

Napangiti naman siya sa nakita niya.

“Happy Birthday to you!” pagtatapos ng pagkanta nila.

“Thank you guys, coach, di ko expect to hahaha.” Natatawang sabi ni Alyssa

Nagsitawanan naman ang lahat.

“Wish ka na Alyssa.” Sabi nung isa niyang kateam.

Pumikit naman si Ly at isa lang ang hiniling niya.

Sana sagutin na niya ako ng YES bukas.

Dinilat niya ang kaniyang mata at hinipan ang candle. Nagpalakpakan ang lahat ng nandun.

Dahil birthday ni Alyssa ay nilibre niya ang mga ito ng lunch. Kumain sila sa labas kasama ang kanilang coach.

Pagkatapos nilang kumain ay sinabi ng kanilang coach na wala na munang training mamayang hapon kaya’t nagdiwang ang lahat.

Sabay-sabay na silang umuwi sa kanilang Dorm at nagpahinga. Tinignan naman ni Ly ang kaniyang phone at nakitang may mga message ito na bumabati sa kaniya ng Happy Birthday.

Nagreply naman ito ng thank you sa kanila. Nagcheck din siya ng kaniyang social media account at marami rin ang bumati. Pero may napansin siya bigla.

“Hindi bumati si Den?” sabi niya sa kaniyang sarili.

“Dibale hindi pa naman tapos ang araw ng birthday ko” pagpapalakas niya ng loob sa kaniyang sarili.

Naisipan nalang muna niyang matulog.

Makalipas ang limang oras ay nagising si Alyssa dahil sa ingay ng phone niya. Nagriring ito senyales na may tumatawag.

Dali-dali naman niya itong sinagot ng hindi tinitignan ang caller i.d.

“Hello?” sagot niya

“Yow Dude buti nalang sumagot ka na kanina pa ko tumatawag sayo.” Sabi ng nasa kabilang linya.

Tinignan niya naman ang caller i.d. at nalaman niyang si Gretch pala.

“Sorry nakatulog ako dude galling akong training eh.” Sagot niya at tumingin sa wall clock na nasa kwarto nila.

Napalaki naman ang mata niya ng makita niyang alas-singko na. Ibig sabihin limang oras na siyang tulog.

“Hello dude nandiyan ka pa ba?” tanong ni Gretch

“Oo sorry sorry grabe alas-singko na pala tagal kong natulog” sabi niya

“Anyways may lakad ka ba ngayon?” tanong sa kaniya ni Gretch.

Nothing like usWhere stories live. Discover now