Chapter 10

504 17 2
                                    

Alyssa's POV

Hindi ako nakatulog ng maayos kaya eto ngayon maagang nagising. Masyadong naoccupied ng isip ko si Den. Idagdag mo pa yung sinabi ni mama. I check my phone and its 5am in the morning. Oh well sunday naman ngayon. 

So nagpunta na ko sa banyo para maghilamos at magtoothbrush. After nun I decided to go downstairs. Nang pababa na sana ako ay napalingon ako sa gawing guest room kung san natutulog pa rin hanggang ngayon si Den. 

Dinala ako ng mga paa ko dito. Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob and there she is peacefully sleeping in the bed.

 Ang ganda talaga niya. Nilapitan ko siya at umupo ako sa side niya. Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok niya na humaharang sa maganda niyang mukha. Hinaplos ko ang kaniyang mukha mula sa magaganda ng mata, pababa sa matangos niyang ilong hanggang sa napahinto ako sa lips niya. 

Sh*t. those kissable lips of hers. Ugh. 

"hmmm" biglang ungol niya. 

Nanigas naman ako sa pwesto ko. Hala nagising na yata siya? Naku papano to?

Den's POV

Nagising nalang ako ng may humaplos sa pisngi ko.

"Hhmm" nasabi ko nalang dahil ang sakit ng mata ko. Teka ano bang nangyari? Oh no! 

Napamulat ako bigla at nakita ko si Alyssa?

"Ahm Good morning?" alanganing bati sakin ni Aly

"Nasan ako?" Tanong ko agad sa kanya. Napakamot naman siya sa batok niya. Ang cute. Haha.

"Ah... eh... Kasi kahapon ano uhmm.." di niya masabi ng diretso yung gusto niyang sabihin.

Dun nagsink-in bigla sa utak ko ang mga nangyari. Oh my! Nakakahiya. Pwede na kong lamunin ng lupa. Huhu. Nakita niya pa akong ganito ang itsura ko. Tinignan ko rin ang suot ko at yun pa rin. 

"Sorry ha. Nakakahiya tuloy. Ano ano mga ginawa ko kagabi. " Nakayuko kong sabi sa knaya.

"Ano ka ba wala yun. I don't want to see you hurt because of that guy. Hindi niya worth it ang mga luhang iniyak mo just because of him" Seryosong sabi sakin ni Alyssa.

At sandaling namayapa ang katahimikan. 

"Ahm so papano? I'll go downstairs na. May mga toiletries na diyan sa banyo. Then sa cabinet may mga damit din dun I think kasya naman sayo.  Hintayin nalng kita baba for breakfast." sabi niya at diretso na siyang umalis sa kwarto. 

Naiwan na kong mag-isa. Nakita ko naman yung binigay sakin ni Valdez na hanggang ngayon eh di ko pa rin nakikita. tsaka ko nalang titignan. Pumasok na ko sa banyo to do my morning rituals. At pagkatapos nun ay bumaba na ko papunta sa kanilang kitchen.

Ang ganda ng bahay nila Ly. Modern style siya may isang malaking frame dun na nakalagay yung family picture nila. So may mga kuya pala siya. Pagkapunta ko sa dining table nakita ko na si aly kasama ang kanyang parents.

Tumayo si Aly para iguide ako sa tabi niya. Inusog niya muna yung upuan at dun ako umupo. Gentlewoman naman itong si Aly. 

“Thanks” ngiting sabi ko sa kanya.

“Good morning po.” Ngiting bati ko naman sa parents ni Ly.

“Good morning din Ija.” Bati saking ng mom niya.

“Anak di mo pa siya pinakilala samin” sabi ng dad niya.

“Ah ma, pa, meet Dennise.” Pakilala ni Aly sakin sa parents niya.

“Nice meeting you Ija di mo pa ba girlfriend itong anak ko?.” Ngiting sabi sakin ng mama niya.

“Ma! Ano bang tanong yan? Nakakahiya kay Den.” Busangot sa sabi ni Aly.

“Aysus wag ka ngang gumanyan mahiya ka kay Den oh para kang bata.” Sabi naman ng papa niya.

Natawa tuloy ako sa kanila ang saya ng family nila. Sana ganyan din sa bahay kaso Malabo yatang mangyari.
Habang kumakain na kami ng breakfast biglang nagsalita ang Papa ni Alyssa.

“Den ija, kamusta tong si Ly pag nasa school? Di ba siya pasaway?” tanong sakin ng Papa niya.

“Hindi naman po sir. Actually po masipag po siya at responsible sa school.” Sagot ko sa kaniya at ngumiti ako kay Ly.
Ngumiti din siya pabalik.

“Napakaformal mo naman tito nalang o kaya papa na din. Papa Ruel” ngiting sabi sakin ni papa

Syempre papa nalang para kasing mas feel ko na tawagin ang papa ni Ly na Papa.

“Syempre ako din mama Pabs nalang.” Sabi naman ni mama pabs.

“Okay po ma, pa” sabi ko ng nakangiti

Unang kita ko palang sa kanila magaan na ang loob ko. Ngayon ko palang sila nameet pero naparamdam nila sakin na welcome ako at parte ako ng pamilya nila.

Napakaswerte ni Alyssa na may mapagmahal at maunawain na parents. How I wish ganyan din ang family ko.
----

The day went go on. Sobrang saya kasama ng family ni besh Aly. Nakalimutan ko na broken hearted pala ako. Haha.

“Thank you for this day besh.” Masayang sabi ko kay Ly.

“Anything for you.”  sabi niya sakin.

“Ang cool ng parents mo. Im so happy to spend this day with you and your parents.” Sabi ko sa kanya.

“At masaya din ako kasi kahit papano nakalimutan mo yung problema mo sa lovelife.” Sabi niya sakin.

“O papano? Una na ako. Sana mameet ko din yung mga kuya mo tsaka si Kian.” Sabi ko sa kanya bago umalis.

“Soon Den. Ayaw mo talaga magpahatid?” tanong niya sakin.

“Ayaw. You should take a rest na. Bye.” Sabi ko pero bago ko maglakad paalis lumapit ako sa kanya at hinalikan siya…. Sa cheek lang.

Nakita ko naman na parang nagulat siya sa ginawa ko. Iniwan ko nasiyang nakatulala at nakangiting tinahak ang daan papunta sa apartment ko.

Why did I kiss her? Hindi ko alam ang sagot pero parang may something sa katawan ko na dapat gawin ko yun and ginawa ko na. Wala lang yun tsaka best friend ko siya.

Habang pauwi na ko at iniisip pa rin yung ginawa kong paghalik kay Ly, nagulat ako nang biglang….

Nothing like usWhere stories live. Discover now