Chapter 2

893 23 0
                                    

Alyssa's POV
Yes! Dismiss na. Hayy.. salamat. Grabe kakaiba yung first day ko ngayon ah. Yung science teacher namin nagpa-assignmemt agad.

"Uy kabuddy kita pero di ko pa rin alam yung name mo hanggang ngayon" sabi ko sa kanya
Tumingin siya sakin tapos nagsigh.

"Dennise, Dennise Lazaro" sabi niya sabay lahad ng kamay niya at ngumiti. Shems! Mas cute siya pag nakangiti.

"Alyssa Valdez at your service" sabi ko naman sabay ngiti ng pagkatamis tamis.

"Ah nga pala what time natin gagawin yung assignment?" Tanong ko sa kanya.

Half day lang kasi ang pasok namin. 2nd year and 4th year ang pang umaga tapos 1st year and 3rd year naman ang panghapon.

"Ahm 3pm? San naman natin gagawin?" Sabi niya

"Ah sa bahay nalang namin. Tara punta tayong canteen kain muna tayo ng lunch tapos punta tayo ng court may mini event kasi dun mamaya." Aya ko sa kanya

"Ahm wait yung kaibigan ko kasi baka hinihintay niya ko" sabi niya
"Ah ano bang section niya?

Transferred din ba siya?" Tanong ko

"Phoenicia daw sabi niya eh." Sabi ni Den

"Tara puntahan natin dun sa baba yung room nila." Sabi ko sa kanya
Kaya lumabas na kami ng room at pumunta na kami sa room ng Phoenicia. Sakto kakalabas lang nila.

"Besh!" Sabi nung kaibigan niya.

Teka si Pots Ella ba to? Napansin niya yung sugat ni Den.

"Napano yang braso mo besh?" Tanong niya kay Den

"Ah wala to besh nasagi ako ng bike. Ikaw kasi iniwan mo ko bigla di ko tuloy alam kung saan yung room ko kanina." sabi ni Den

"Sinisi mo pa ko ah. Teka Ly?" Sabi ni Ella sabay lingon sa side ko.

"Ella!" Sabi ko tapos niyakap niya ko.

"Namiss kita. Ikaw kasi dapat di ka na lumipat ng ibang school. Dito ka rin pala gagraduate niyan." Sabi ko sa kanya

"Anyway magkakilala na kayo?" Tanong ni Pots

"Yap" nakangitng sabi ko sa kanya.

"Papano?" tanong ni pots

"Basta tara punta na tayong canteen, don't worry my treat" sabi ko sa kanila.

Nagliwanag naman ang mukha ni Pots. Hay naku same old ella pa rin. Matakaw. Hahaha. Papunta na kaming canteen ng may tumawag sa kin.

"Ly! Ly!" Pagkalingon ko si Amy pala.

"Hey Amy, how was your first day?" Tanong ko sa kanya

"It was good" sabi ni amy

"Tara sabay ka na samin maglunch" sabi ko sa kanya

Mabuti nalang at nakakaintindi si Amy ng tagalog lumaki kasi siya sa ibang bansa at kakatransfer niya lang sa school last year.

"Sure." Sabi ni Amy

"Ay nga pala Amy this is Dennise and Ella" sabi ko

"I know Ella" sabi ni Amy at nagsmile

"Talaga? But how?" Takang tanong ko sa kanya

"We're classmate." sabay naman nilang sabi. Napatingin naman kami ni Den sa kanya.

"Tara na nga dun na tayo sa canteen" sabi ko sa kanila.

Nag order na kami at kumain. Pagkatapos nun ay pumunta na kami sa court.

"Ah guys iwan ko muna kayo ah? Tutulong lang ako doon." Sabi ko sa kanila at pumunta na ko kung san sila nag-aayos.

"Ano pang maitutulong ko?" Sabi ko sa kanila. Lumingon naman silang lahat sa akin.

"Baldo!" Sabi nila sabay yakap sakin

"Grabe kayo mga tol parang di tayo nagkita ng matagal ah." Sabi ko sa kanila

"Eh pinaghiwa-hiwalay kasi tayo nung Myco na yun eh." Sabi ni Ara

Si Myco kasi ang president ng student council ng school. Yung student council kasi ang in-charge sa mga sectioning ng mga estudyante.

"Oo nga. Ay nga pala sabi ni Ma'am Sherryl sasayaw daw tayo mamaya" sabi naman ni Kim

"Ano?!" Gulat na sabi ko sa kanila.

"Ganyan din reaksyon namin kanina nung sinabi samin yan." Sabi ni mika

"Eh papano yun ano namang sasayawin natin?" Tanong ko sa kanila.

"Yun nga sana yung itatanong namin sayo." Sabi ni Kim

Hayy naku napaface palm tuloy ako. Saglit akong napaisip at ting!

"Alam ko na yung sasayawin natin!" Ngiting tagumpay na sabi ko sa kanila.

"Ano?" Sabay sabay nilang tanong sa akin

"Yung Want to want me ni Jason Derulo" sabi ko sa kanila

"Maganda nga yun. Teka yung steps natin?" Sabi ni Ara

"Ako bahala dun" sabi ko sa kanila

(AN: nandun po sa media yung sasayawin nila)

"Game!" Sabi naming lahat

Tinuro ko sa kanila yung step at dahil mga dancers na rin kami sa school, nagigimg isa nalang ang kilos namin at agad kaming natapos.

"Guys papano pala yung attire natin pag sasayaw na tayo?" Tanong ko sa kanila

"Ah ok na nandun sa room kung san tayo magpapalit." Sabi ni Mika

"So ok na pala set na lahat tara na punta na tayo dun" yaya ko sa kanila.

Sabay sabay na kaming pumunta sa room namin.

--
Den's POV

Nandito kami sa ngayon sa court, hinihintay namin magstart yung mini event. Iniwan kami ni Ly kasi tutulong daw siya sa mga nag aayos dun. Nagkwento naman si besh Ella kung papano sila nagkakilala ni Ly.

Nag-aral daw dito si Besh nung 1st year highschool sila kaso di nagtagal pinalipat siya dun sa school naming dati. Then, Badminton player daw si Ly nun at nakipaglaban sila dati sa school namin ni besh dun daw sila mas naging close. Sinabi niya rin na not into boys pala itong si Ly. Nang malaman ko yun parang may iba akomg sayang naramdaman pero hinayaan ko nalang. Tapos habang naglalunch naman kami kanina nakwento na ni Ly kung papano kami nagkakilala.

"Good afternoon fellow students!" Sabi ng lalaking emcee ng event.

"So naisipan namin magsagawa ng mini event to welcome all of you to our first day of class. Lalo na yung mga nagtransfer dito sa school." Sabi nung babaeng emcee

"Let's start our program by a prayer and to sing our national anthem" sabi ng dalawang emcee.

After nun pinakilala yung mga teachers tapos nagspeech yung principal. Buti pa yung mga pang afternoon session excuse sila sa first subject.

"And now let us welcome the Wafs!" Sabi ng emcee. Ano daw The Wafs?

Naghiyawan naman ang mga estudyante. Teka sino ba yung mga yun? Pagkatingin ko nandun si Ly at may tatlo pa siyang mga kasama. Wait what?! Dancer siya? Nagplay na ang music at nagstart na silang sumayaw. Shocks! Ang galing niyang sumayaw. At ang cool niya pang tignan sa suot niya. Wow lang!

"Bibig mo besh nakanganga na oh" sabi ni Ella sakin.

Sinara ko naman agad. Natapos na silang sumayaw. At naghiyawan ulit ang mga estudyante. Pumunta na agad si Ly sa pwesto namin.

"Hi guys" sabi ni Ly samin ng nakangiti.

Shocks! Yung dimples niya. Oh my! Gusto ko na ba siya?

Nothing like usWhere stories live. Discover now