Chapter 8

483 14 0
                                    

Aly's POV
Two days had passed. Pumasok na si Eunice kahit na wala naman siyang ginawa sa loob ng two days dahil periodical namin. Ngayon weekends na naman at nandito lang ako sa bahay. Maya-maya naisipan kong yayain sila Ara para pumasyal sa factory. Matawagan nga.

"Hello?" Sabi ni Ara

"Tol tara punta tayong factory." Sabi ko sa kanya

"Sige sige ligo lang ako tas punta na ko dyan. Bye" sabi ni Ara at binaba na niya ang call. Sumunod kong ginawa ay tinext ko si kim.

To: Kim

Tol punta tayong factory pumayag na si Ara.

Nakarecieve naman agad ako ng reply galing sa kanya.

From: Kim

Oo sige wala rin naman akong ginagawa. Pupunta na ko dyan.

Hindi ko na nireplayan si Kim at dumiretso na ko sa banyo para magshower. After kong magshower ay nagbihis na ko. Naka blue shirt ako tapos skinny jeans at kinuha ko ang sapatos ko na vans. Pagkababa ko ay nandun na sila.

"Tara na?" Aya ko sa kanila.

Sumang ayon naman sila. Nang makarating na kami sa factory ay dumiretso agad kami sa office ni papa.

"Pa!" Tawag ko kay papa at lumapit kami sa kanya.

"Oh Alyssa mabuti at napadalaw kayo dito" sabi ni papa

"Wala naman kasi kaming ginagawa so we decided to visit here in our factory." Sabi ko kay papa

"Oh well ikaw din naman ang susunod na magmamana nito." Sabi ni papa sakin.

"Sus Pa you know me ayoko pang pumasok sa business world. I want to enjoy my simple life." Nakangiting sabi ko kay papa.

After nun ay nagpaalam na kami para maglibot sa factory.

"Wala pa ring pagbabago yung chocolate niyo baldo." Sabi ni kim habang kinakain yung chocolate na kinuha niya kanina.

"Oo nga. At take note pa ah. Nag-eexport sila sa buong Asia. Hanep!" Segunda naman ni Ara. Napatawa naman ako sa sinabi nila.

"Pero maiba nga tayo, wala ka bang naaalala talaga sa childhood days mo?" Tanong ni Kim

"Wala eh. Pero madalas akong nananaginip. Bata ako lagi tapos may kasama pa kong isang babae. Lagi ko siyang binibigyan ng chocolates na personalize." Sabi ko sa kanila

"Woah tol, bata ka palang nanchichix ka na ah." Sabi ni Ara kaagad ko naman siyang binatukan. Kung ano ano pinagsasabi eh.

"Baka yun yung memories mo nung bata ka pa. Di ba sabi nga nila yung mga napapanaginipan mo daw, yun daw yung past or future mo. So ano Ly maganda ba? Sabi naman ni Kim
Binatukan ko din siya. Pag talaga usapang babae iyong mga to ang daming tanong.

"Kung ano-ano pinagsasabi niyo. Tara na nga bumalik na tayo ng office at uuwi na tayo." Sabi ko sa kanila.

Sumunod naman na yung dalawa sakin at di na nagreklamo.

Pagkapunta namin sa office ay nagpaalam na kami kay papa. Pero bago ako umalis ay nagbilin ako sa isa sa mga kakilala ko sa mga nagtatrabaho dito sa factory.

"Tito Ariel!" Masayang bati ko sa kanya

Kahit na hindi ko man kadugo eh tinatawag ko pa rin siyang tito. Matanda siya ng ilang taon kay papa.

"Alyssa! Long time no see. Ngayon ka nalang ulit dumalaw dito ah. Huling dalaw mo dito nung nagpagawa ka ulit sakin ng chocolate." Sabi niya sakin

"Sorry tito busy po kasi sa school eh. Kasi nga po graduating na." Sabi ko naman sa kanya.

"Hay nako malaki ka na talaga tignan mo oh ang tangkad mo na sakin." Sabi ni tito Ariel at natawa naman ako.

"Alam mo ba Ly kung di mo naitatanong eh sakin ka lagi nagpapagawa ng chocolate na ibibigay mo sa kaibigan mo. And up to now kahit na nagka amnesia ka noon malapit pa rin tayo sa isat isa." Sabi niya nagulat naman ako sa sinabi niya

"So you mean po before pa ko magka amnesia, sa inyo na po ako nagpapagawa?" Tanong ko naman sa kanya tumango naman si tito.

"Lagi ka kasing dinadala dito ng papa mo tapos kain ka ng kain ng chocolate tapos lagi mo pa saking kinukwento yung kababata mo." Sabi ni tito sakin
Nacurious naman ako bigla sa sinsabi niya. Nahalata niya siguro na gusto kong magtanong tungkol dun kaya nagsalita siya agad.

"Oopss. Bawal ko sabihin or ikwento ng buo dahil ang gusto nila ikaw mismo ang makaalala nun" sabi ni tito

"Just follow your heart Ly. Nakakalimot man ang isip pero ang puso mo hinding hindi siya malilimutan" sabi niya sakin bago bumalik sa trabaho.

Naiwan naman akong clue less. Hanggang sa tinawag na ko nila Ara na nandyan na daw yung driver namin kanina.

Pagkauwi ko umakyat agad ako sa kwarto at nagpalit ng damit. Pagkatapos nun ay bumaba ako sa sala at nanuod ng tv. Nilipat ko ang channel sa cartoon network.

"Sakto! Haha Adventure time" masayang sabi ko kahit ako lang naman mag isa.

Naisipan kong kumuha ng makakain sa kusina. Rocky road ice cream, chips, and juice. Eto talaga ang ginagawa ko pag wala na akong magawa sa bahay.

Kasalukuyan akong nanunuod at kumalain ng biglang tumunog ang phone ko.

Tinignan ko naman agad iyon at unknown number. Himala? Sino naman kaya to? Sinagot ko naman agad para malamin ko kung sino.

"Ly.."

Nothing like usWhere stories live. Discover now