Kashimier's POV
Hinatid ako ni Khyleryle na parang walang nangyari.
I chose not to talk about the kiss and those cheesy words na sinabi niya. Feeling ko kasi parang mawawala yung magic pag ka pinag-usapan namin iyon. And parang alam niya naman kaya di niya na binanggit.
Prom namin ngayon. At susunduin ako ni Khyleryle. Si Grace susunduin ni Aaron.
Nagring yung phone ni Grace at agad niya iyong sinagot.
"Fine.", sabi niya bago ibaba ang phone niya.
"Asa labas na daw sila.", sabi ni Grace.
Kinuha ko na yung pouch ko at lumabas. Ni lock ni Grace ang pinto. Nakita ko ang dalawang kotseng nakapark sa labas. A Koenigsegg Agera R and a Lotus Exige V6 Cup. Whoah! Sports cars, eh?
I saw Khyleryle leaning against the black Koenigsegg Agera R while smoking. The total badass. He looks so hot with his black and white tuxedo with his hair a little messy. Damn it! I can't get enough of him.
Grace went straight to Aaron. Aarong gave her a peck.
Lumapit ako kay Khleryle at inagaw yung sigarilyo at tinapon iyon.
"What the-?!"
"Smoking is bad to your health. Gusto mo bang irecite ko dito ang mga sakit na makukuha mo sa paninigarilyo? Besides, may asthma ang makakasama mo diyan sa kotse!", sabi ko at bumuntong hininga na lang siya.
Umangat yung pinto ng driver's seat kaya pumasok siya. Ako naman ay sa shotgun.
Habang nagdadrive siya di niya ako kinaka-usap o nililingon.
I chose to stay quite na lang kasi baka may problema siya.
Pinark na niya yung kotse niya sa parking space ng isang five star hotel kung saan ang venue ng prom.
Umangat yung pinto kaya lumabas na ako.
Nauna nang pumasok sina Aaron at Grace.
Naunang maglakad si Khyleryle at sumunod na lang ako sa kanya.
May nakasalubong kaming babae at nginitian siya nito. Tinanguan naman siya ng kumag.
Napasimangot ako. Buti pa 'tong seafood na ito pinapansin ni Khyleryle. Malayo namang mas may class ako sa kanya.
Siguro nga may mga flaws din ako pero hindi ako tinatawag na Miss Perfect for no reason.
Tinaasan ko ng kilay yung seafood na yung, mukha siyang seahorse na pusit na may touch of pagiging hipon. Amoy sinigang.
Inirapan lamang niya ako bago lagpasan. Buset! 💢💢💢 Ang sarap tadtarin!! 😬😬😬😬
Dumiretso kami sa elevator. Nasa left corner ako at nakatayo naman si Khyleryle sa gitna.
Bumukas ang elevator at pumasok ang dalawang babae. Tumingin sila kay Khyleryle at naghagikhikan.
Umirap nalang ako sa kawalan.
Lumabas na si Khyleryle at sumunod na ako nang bigla akong tinalisod nung babae.
"Ow!", may kalakasang sigaw ko.
Agad ko namang nabawi ang balanse ko at tinignan yung babae mula ulo hanggang paa.
Mahina silang tumawa ng kasama niya. Hindi ko na lang sila pinansin at nagsimulang sundan si Khyleryle. Isa din yung kumag na 'yon eh. Di man lang ako nilingon. Nakakabanas! 😒😒
Nang makapasok na kami ay agad akong kinawayan ni Grace. Naka-upo sila ni Aaron. Agad kong nilagpasan si Khyleryle at tumakbo papalapit kina Grace. Bahala siya diyan.
Agad akong umupo at ganun din si Khyleryle.
"Kukuha lang ako ng inumin", sabi ko.
Tumango sina Grace at Aaron. Tinignan ko si Khyleryle pero nakatingin siya sa phone niya.
Umalis na lang ako doon at kumuha ng pineapple juice. No alcohol allowed kasi.
Bumalik na ako sa kinaroroonan nina Grace at nakita kong wala si Khyleryle.
Umupo ako at inistorbo yung love birds na naglalandian. Letse. Nakakainggit.
"Si Khyleryle?", tanong ko
"Hah? Nagpaalam kanina, ang sabi pupuntahan ka daw.", sabi ni Grace.
"W-wala kaya.", sabi ko
"Baka di ka niya nakita.", sabi ni Aaron at uminom ng tubig.
Bigla akong kinabahan. Parang, ewan? Eto ba yung tinarawag nilang instinct na nararamdaman ng babae pag ka-hindi, imposible.
Biglang nanuyo yung lalamunan ko.
"Uh, guys. Alis muna ako ah. Pahangin lang.", sabi ko
Nakita kong may veranda kaya doon na ako dumiretso.
Sumandal ako sa railing at bumuntong hininga habang mahinang inaalog yung baso ko.
Tumingin ako sa gilid at nakitang may naghahalikan sa di kalayuan.
Kumunot ang noo ko.
Bahagya akong lumapit sa kanila at tinignan ng maigi yung babae. Parang nakita ko na siya pero sigurado akong hindi sa school.
Tumingin ako sa lalaki at halos lumuwa na ang mata ko.
K-khyleryle?
Hinawakan ko ng maigi yung baso ko at pinipigilang maiyak.
Gusto kong tumakbo papalayo pero tila naestatwa ako.
Dumilat si Khyleryle at tumingin sa akin habang hinahalikan pa din yung babae.
Tiim bagang ko siyang tiningnan. Buti na lang at walang tumulong luha mula sa mata ko. Ayokong magmukhang mahina. Lalo na sa harap niya.
Agad akong tumalikod sa kanila at pinuntahan sina Aaron.
---------------
Tulala lamang ako habang nilalaro ko yung baso.
Alam kong nagtataka sina Aaron at Grace pero ayokong ikwento, baka umiyak lang ako.
~×~×~×~×~×~×~×~×~×~×~×~×~×~×~×~×~
AN: Yay! Thank you sa votes and comments!! 😄😄
Thank you for reading!! Please continue to do so!!😊😊
Every read and feedback means so much to me as an author. Thank you guys! I hope you will continue reading this story! ♥♥
__L♥