Kashimier's POV
"S-sabay siya sa'tin pauwi?", tanong ko.
"Wag kang masyadong umasa pinsan. Alam nating sa kabilang direksiyon ang daan papunta kina Ace, alangan namang ihatid ko pa siya?", sabi ni Aaron
I glared at Aaron and Khyleryle just chuckled.
"Nagtanong lang naman ako!", depensa ko at inirapan sila.
"Sasabay lang ako palabas ng school.", sabi ni Khyleryle na natatawa pa rin.
Padabog kong kinuha ang bag ko at umalis doon, bwiset.
Narinig ko naman ang pagtawa nilang dalawa.
Dumiretso ako sa parking space ng school, agad kong hinanap ang kotse ni Aaron, hanggang sa makita ko ang isang Toyota Fortuner. Agad akong lumapit doon at sumandal sa gilid para hintayin si Aaron.
Maya-maya ay nakita ko na silang papalapit.
Lumapit si Aaron sa sasakyan niya at binuksan iyon. Si Khyleryle naman ay dumiretso sa motor bike niya.
"Kaya pala gustong ihatid.", narinig kong komento ni Aaron
Nakita ko naman ang pagsilay ng nakakalokong ngiti sa mukha ni Khyleryle. Nakaside view siya sakin.
"I can't though. 'Cause of you.", sabi ni Khyleryle at humagalpak naman sa tawa si Aaron.
Ngumuso nalang ako at pumasok sa kotse ni Aaron.
"May next time pa naman.", sabi ni Aaron
"Okay na sana eh. Kaso umepal ka.", rinig kong sabi ni Khyleryle.
What the hell?! Parang iba tinutukoy niya.
"You can fetch her tomorrow morning.", sabi ni Aaron at pumasok sa kotse.
Nakita ko naman ang pag-ilaw ng motor ni Khyleryle mula sa likod.
Pinaandar ni Aaron ang kotse at humarurot na rin si Khyleryle papunta sa kabilang direksyon.
"By the way, kasal pala ni Kuya Led next next week. Ikaw daw and maid of honor.", sabi ni Aaron habang tinatahak namin yung kalsada pauwi.
"Okay, sino best man? Ikaw?", tanong ko.
"Yeah.", sabi niya
"Oh, pero Khyleryle, ano bang meron sa inyo ni Grace? Pinsan mo ako, bestfriend ko siya. Ba't wala man lang akong kaalam-alam?", tanong ko kay Aaron
"In the right time, you'll know. We'll let you know.", sabi ni Aaron at tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Ba't may paright time right time pa kayong nalalaman. Ang da drama niyo.", komento ko bago humarap sa bintana.
"Sus, nagsalita ang di madrama.", sabi niya tsaka siya tumawa.
Walang hiya 'to!
"Andito na tayo.", sabi n Aaron kaya bumaba na ako.
"Ingat.", sabi ko saka pumasok sa gate.
Pinaharurot naman niya yung kotse niya.
Agad akong pumasok at nakita ko si Grace sa kitchen na nagluluto.
"Hi Grace!", bati ko at lumingon siya sa'kin saka siya ngumiti.
Nagpalit na ako ng pambahay at bumaba upang matulungan doon si Grace at ng ma-igisa ko na din siya.
"Tutulong ako.", sabi ko
"Okay? Hiwain mo yung kamatis tsaka sibuyas.", sabi ni Grace at sumunod naman ako.
"Grace anong meron sa inyo ni Aaron?", tanong ko
"Ewan ko din.", sabi ni Grace at nagkibit balikat.
"Anong ewan? Kayo ba?"
"Hindi ko alam. Magulo pa pinsan mo sa babae. Minsan sweet, minsan naman iiwas tas may babaeng kayakap.", sabi ni Grace
"So, walang label ang relationship niyo?", tanong ko
"Wala."
"Kelan nag-start yung ganyan niyo?"
"When I kissed him—and no, don't ask, please. Di ko pa kayang ikwento.", sabi ni Grace.
Kiss.
Bigla ko nanamang naalala yung dun sa gym. 😳😳😳😳😳
Napakagat labi ako upang pigilin ang pagngiti.
You can fetch her tomorrow morning.
Umalingawngaw ang boses ni Aaron at ngayon ko lang narealize na ipapasundo niya ako kay Khyleryle.
Nanlaki ang mga mata ko. Gusto ko lagi ko siyang nakikita pero pag andiyan na siya kinakabahan ako at mas gusto kong lumayo muna siya. My God! Anong gagawin ko? Na-aw-awkwardan padin ako sa nangyari tapos susunduin niya pa ako bukas.
Isama ko kaya si Grace? Tama. Atleast hindi lang kaming dalawa ni Khyleryle ang andun.
Teka, ba't ko ba 'to iniisip? Pwede namang biro yun ni Aaron at bakit naman ako susunduin ni Khyleryle?
Diba? DIBA?!!!
Ugh! Ewan ko na! Bahala na bukas!
~×~×~×~×~×~×~×~×~×~×~×~×~×~×~×~×~×~×
AN: 9 chapters to go!! Thanks for reading and voting guys!
I really want to make this short pero umabot siya sa 20+ chapters, I was expecting it to be 10-15 chapters but, you know, things really do change.
__L♥