Victory

1.8K 47 2
                                    

Kashimier's POV

Pagbangon ko agad rumehistro lahat ng mga nangyari kagabi.

Leche, naiiyak nanaman ako. Agad akong naligo at nagbihis tsaka bumaba.

"Nana Bela, si Grace po?", tanong ko kay Nana.

"Ah, nasa kusina na. Kumakain. Kain ka na rin.", sabi ni Nana.

"Ah, sige ho.", sabi ko at dumiretso na sa kusina.

"Uy Kash, ngayon yung one-on-one niyo ni Higail diba?", tanong ni Grace.

Oo nga pala. Isa pa yun.

"Oo nga eh. Nood kayo ah."

"Yep, cheer din kami sa'yo.", sabi ni Grace at ngumiti.

~×~×~×~×~×~×~×~×~×~×~×~×~×~×~×~×~×~×~×

Hawak ko ngayon yung wristband na bigay ni Aaron kanina na kulay black at may puting linya. Suot ko na din yung jersey na binigay din ni Aaron. Di ko alam kung saan niya napulot.

"Yo!", bati ni Aaron at tinabihan ako.

"Ba't ang tagal mo?!", reklamo ko sabay kuha nung sportsdrink na pinabili ko kanina pa.

"Whoah! Easy there lil girl!", sabi niya sabay pat sa ulo ko.

Nagpout lang ako at uminom.

"Ano yung mga rules sa game?", tanong ko kay Aaron.

"Kung sinong unang maka-5.", sabi ni Aaron.

"Di ba nagreklamo si Higail?", tanong ko

"Nung una, Oo, gusto niya kung sino una maka-10 points pero um-Oo din lang siya.", sabi niya

"Andun sina Grace?"

"Yep! Tara na sa labas at magwawarm-up ka pa.", sabi ni Aaron at bahagya akong tinulak.

Pagkalabas namin agad kong nakita yung banner na pagkalaki-laki.

KASH! FIGHT, FIGHT, FIGHT!

ANO TO?!! Uminit ang aking pisngi! Ano bang iniisip nila? Championship match?

Tumingin ako kay Aaron na natatawa.

"Pakana niyo 'to ng girlfriend mo no?!", sabi ko

Humalakhak lang si Aaron at inabutan ako ng bola.

"Warm-up ka na.", sabi niya sabay tapik sa likod ko.

Nakita ko si Higail na nagwawarm-up. Nang makita niya ako ay agad siyang nagsmirk at tinaasan ko siya ng kilay. Kala mo ah!

Tinry kong magshoot ng tres pero sumablay. SHIT! Agad akong napatingin kay Aaron, lumapit naman siya na nakangiti.

"Relax Kash! You can do it! Besides, pinsan kita.", halakhak niya at inirapan ko lang siya.

Tumingin ako sa ibang direksiyon at nakita ko si Khyleryle. Medyo magulo ang buhok niya. Yung tali nung whistle nakasabit sa leeg niya tas kagat-kagat niya yung whistle, may hawak din siyang bola sa right hand niya at yung left niya ay ipinapasada niya sa buhok niya kaya mas lalo yung gumugulo pero shit! ang gwapo!

"Huy, wag ka sa iba mag-focus!", sabi ni Aaron at pinihit ako paharap sa hoop. Leche.

Pinat uli ni Aaron ang ulo ko.

"Ano ba, magugulo yung bun ko sa ginagawa mo eh.", reklamo ko at tinawanan lang ako ni Aaron.

"Sige na, ishoot mo na.", sabi ni Aaron kaya shinoot ko na yung bola.

My Cold Prince (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon