Kashimier's POV
"No, you're impossible!", Grace shouted from behind.
I turned around to face her, "What?!"
"Halika dito, may pag-uusapan pa tayo.", hinila ako ni Grace papunta doon sa puno.
"Ano bang pag–"
"Upo!", sabi ni Grace, problema nito?
Umupo na ako at humarap sa kanya. Ano bang pag-uusapan namin?
"Bakit ka nagkakaganyan?", tanong ni Grace
"What do you mean 'nagkakaganyan'?", balik tanong ko
"Why are you like that towards Khyleryle?", Grace asked
"Like what?"
"You're being pabebe and all Kash! My God! It's obvious that you're being jealous over something! Ano bang nangyari kahapon?"
"He left me, okay? Iniwan niya ako."
"A-ano? Umalis lang siya? Yun lang and you're being pabebe at binabara mo pa siya ah!"
I rolled my eyes and said, "Hindi siya umalis lang, iniwan niya ako. There is a big difference."
"You're unbelievable. Now, tell me a reason kung bakit di dapat siya umalis.", Grace said
"I told you, iniwan niya ako at hindi lang siya umalis. Una sa lahat, di niya dapat ako iniwan kasi nagpapraktis kami at dapat ay nandoon siya at tinuturuan ako instead of flirting with a girl."
"What made you think na babae ang dahilan kung bakit siya umalis?"
"Someone called him and the caller's name is Keylah."
"My goodness Kash, nakinig ka talaga sa usapan nila?", di makapaniwalang sabi ni Grace
"Yung mga sinasabi lang ni Khyleryle ang narinig ko."
"You're really unbelievable. Now, let me tell you the reasons kung bakit kahit anong oras pwede ka niyang iwanan habang nagpapraktis. Una, nagpapatulong ka lang kaya wala kang karapatang magdemand na unahin ka niya at ikaw ang bigyang pansin kasi from the start, siya na ang nagsasacrifice ng oras at lakas pati na rin ng pasensiya para lang maturuan ka–"
"I'm not demanding for his attention–!", pinutol ko ang sasabihin niya kaso pinutol niya din yung rebuttal ko dapat.
"You are Kash, you are and don't you dare interupt me kung ayaw mong basagin ko ang bungo mo. So, going back, pangalawa, you're not his girlfriend kaya wala kang karapatan maging pabebe diyan, okay lang magselos, pero dapat nasa lugar–", I was about to protest dun sa sinabi ni Grace but she glared at me kaya nanahimik ulit ako.
"At, gusto ko lang sabihin na stop acting like a jealous girlfriend na para ka bang sinaktan ng sobra and you're being pabebe and all to catch his attention at dahil gusto mong magpalambing, okay?", sabi ni Grace
I was about to contradict but reality struck me.
As much as I hate to admit it, she has a point or maybe she's right.
Her words made me reflect on my actions. She's right on everything except for one thing, I. AM. NOT. JEALOUS.
"Grace, maybe you're right but I want to correct you. I am not jealous, okay? Clear? Malinaw?"
She rolled her eyes and whispered, "In denial."
"Whatever, maybe I like Khyleryle but hindi ako ganon kababaw no!", I said and flipped my hair.
"Wow, di pa ba mababaw ang ginawa mo kanina?", di makapaniwalang sabi ni Grace.
"Whatever Grace."
"Iba ka ding magselos no?", sabi ni Grace
"I'm not jealous! Galit lang ako. Magka-iba yun!"
"You were jealous.", agad akong napalingon sa nagsalita, it was Aaron kaya agad hinanap ng mga mata ko si Khyleryle at nakita ko siyang naglalakad mula sa malayo papalapit sa amin, thank God di nya narinig.
Umupo si Aaron sa tabi ni Grace at agad na namula ang kaibigan ko, tinaasan ko lang siya ng kilay.
Weird.
Nakita ko sa peripheral vision ko na umupo sa tabi ko si Khyleryle.
"Makaka-usap na ba kita ng maayos?", rinig kong tanong ni Khyleryle
At sa boses pa lang niya ay gusto ko nang maihi. Damn you Dela Vega! What the fuck are you doing to me?!