Kashimier's POV
Nangalumbaba lang ako habang nagkukulitan sina Aaron.
Sana di na lang ako pumunta.
Muling bumalik ang galit ko nang maalala yung nakita ko.
Wala naman talaga akong planong umatend, pero dahil sinabi ni Khyleryle na siya ang date ko ay walang angal akong pumunta, tapos 'yon ang makikita ko??!
"Uh, Kash? Okay ka lang?", tanong ni Grace kaya agad akong napatingin sa kanya.
Tinuro niya yung kamay ko kaya tiningnan ko iyon.
Yung lata ng softdrink kanina, nayupi ko na.
Ngumiti ako kay Grace at binitiwan yung lata.
Nag-angat ng tingin si Grace at nanlaki yung mga mata niya, ganun din si Aaron pero mabilis siyang nakabawi. Tumingin din ako at nag-iwas agad ng tingin. Mas magandang view pa yung sahig.
"Guys, ito nga pala si Keylah Lim.", rinig kong sabi ni Khyleryle.
Right, Keylah Lim. Yung model. Yung pinuntahan noon ni Khyleryle. Yung kahalikan ni Khyleryle kanina. Yung hipon na ang sarap gawing pusit. Letse!
"Hi. I'm Aaron.", sabi ni Aaron habang nakatayo at naglahad ng kamay for a handshake.
'Bitch.', Grace mouthed.
Right, girl's instinct.
Naramdaman ata ni Aaron na wala kaming balak ni Grace na magpakilala at makipagplastikan kaya siya na ang nagpakilala sa'min.
"Hi Kash, Hi Grace!", sabi ni Keylah sabay upo sa tabi ko.
Sige, tabi ka sa'kin nang maihaw ka. Di dapat tumatabi ang hipon na tulad mo sa hot na tulad ko. Magiging tempura ka lang sa huli.
"First name basis?", I blurted. And Grace tried to hide her smile.
Tumayo na ako.
"Sorry but that is my seat.", sabi ko sabay turo doon sa upuan na hawak ni Khyleryle na katabi ng upuan ni Grace. Round table kasi ito at may 6 na upuan.
"You should seat right next to your girlfriend.", sabi ko kay Khyleryle at umupo na doon.
Bale ganto yung order:
Namutla si Keylah ngunit mabilis siyang nakabawi at sumilay ang ang kakaibang ngiti sa labi niya.
"I- I'm sorry.", sabi niya na parang maiiyak.
A two-faced bitch, eh? She's now playing the good girl. Fine, then I can play the bitch one. I am not an Aragon for no fucking reason.
"You should be. Call me Miss Montgomery, call her Miss Aragon. I hope you get what I mean. I don't want to explain.", sabi ni Grace. Ewan ko kung anong trip ni Grace at may pa Miss Aragon at Miss Montgomery pa siyang nalalaman. Aaron tried to stop her but she just glared at him. Tumiklop naman agad yung pinsan ko.