He's Back

1.9K 40 0
                                    

After 5 years...........

Kashimier's POV

"Kashimier, you know you can't just do that. Huwag ka na lang muna pumasok. Masyado ka ng madaming sinesante.", sabi ni ate Kath mula sa kabilang linya.

"Malamang madaming masesesante, eh ang dami naman kasing tatanga-tanga.", sabi ko.

Ayaw nila akong papasukin sa kompanya dahil daw madami akong sinesesante.

"Kash, mag-leave ka muna alright? Masyadong mainitin ang ulo mo this past few weeks.", paliwanag ni ate.

Tch.

"Alright. Babakasyon muna ako. Dun na ako sa La Union tutal may rest house sila dad doon.", sabi ko na para wala ng away.

"Mabuti pa nga. Take care sister.", masayang sabi ni Ate Kath.

Ibinaba ko na ang phone ko at huminga ng malalim. Sino ba kasing hindi mag-iinit ang ulo kung ang pangako sa'yong 4 na taon ay naging limang taon? Aba! Sobrang tagal ng 4 na taon ha, tas dadagdagan pa niya ng isa pa? Nambubwisit ba siya? Eh bakit ko ba kasi siya hinihintay?

Anong magagawa ko? Mahal ko eh.

O tanga lang talaga ako?

Siguro nga. Mantakin mo ba naman, limang taon na walang communication, nakaya kong maghintay?

Pero siyempre sa limang taon na iyon naisipan ko ding sumuko pero lagi kong naaalala yung sinabi niya sa canteen noon.

Babalik pa kaya siya?

O nakahanap na siya ng iba?

Umiling ako at dumiretso sa banyo. Kailangan ko ng maghanda para sa bakasyon ko.

Siguraduhin niya lang na babalik siya na single dahil kung hindi, sa simenteryo ang bagsak nila, aba, limang taon ko siyang hinihintay. Dapat lang na balikan niya ako.

-------

Agad akong humiga sa kama, nakakapagod ang biyahe mula Manila papuntang .

Mamaya ko na aayusin ang mga gamit ko. Gusto ko lang magpahinga, maglilibot-libot na din ako mamayang gabi.

-----------------------------

Third Person's POV

"Aba, hijo? Ikaw iyong kasintahan ni Kashimier hindi ba?", tanong ni Nana Bela kay Khyleryle na nakasandal sa kanyang sasakan sa labas ng gate ng bahay nina Grace at Kash.

"Ah, opo. Andiyan po ba siya?", tanong ng binata at umayos ng tayo.

"Aba, kaninang umaga pa siya umalis. Pumuntang La Union. Magbabakasyon daw.", sabi ng matanda at agad na kumunot ang noo ni Khyleryle.

"Pwede ko po bang makuha ang eksaktong address?", tanong ng binata.

Tumango naman ang matanda at sinabi ang address ng rest house.

-------------------------------

Kashimier's POV

Pagkatapos kong ayusin ang damit ko, naligo na ako at nagbihis.

Short shorts ang suot ko at simpleng t-shirt na may design ng korona.

Inayos ko na din yung buhok ko. Itinali ko na lang ito, tinatamad akong mag-bun.

Kinuha ko ang ipod ko at earphones. Magsa-sound trip na lang ako habang naglalakad.

Naglalakad ako sa gilid ng kalsada nang makakita ako ng bar. Pero hindi yung basta-basta bar.

My Cold Prince (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon