Chapter 7

63 5 0
                                        

  Recap:
"Ha! Di mo pa rin maalala tong ginawa mo sakin? Edi ipapaalala ko sayo!"

Naningkit naman ang mata ko sa sinabi niya at nanlaki bigla nang halikan niya ko sa leeg.

Memories of yesterday flooded my mind. Oh ghad! What have I done!? O__O

C H A P T E R 7 : I know your Secret!

D E V I L O N ' S P O V

Unti-unti akong nabalik sa wisyo. Halik? Labi? Laway? Germs! Bacteria! Virus! Whaaaa!! grumpy emoticon

Di ko sinasadyang matulak siya gamit ang lakas ng pagiging bampira at tumakbo ako palayo at papunta sa shower room. Oh ghad! Andumi ko na! Wala bang ibang magawang maganda ang mga tao dito kundi basta basta manghahawak! Malala! Nanghahalik pa! Ugh!

Kinuskos ko ng kinuskos ang leeg ko hanggang sa makontento akong wala ng tira pang bakas ng laway niya. Pero para sigurado kinuha ko yung sanitizer at alcohol at BINUHUSAN ito.

*Sigh*

Lumabas na ko ng cubicle na nakatapis lang ng twalya. Humarap ako dun sa salamin na sakop ang buong pader ng shower room At Halos lumuwa ang mata ko sa nakita ko sa leeg ko. Argh! THAT DAMN BASTARD PUT A FVCKING KISS MARK ON MY FREAKING NECK!

"Bakit ba kasi siya basta basta nanghahalik?!" Sigaw ko habang kinakapa yung marka. Naalala ko naman yung nangyari kahapon sa MRT at napasabunot nalang ako sa sarili ko.

'Ugh! Para ka kasing tanga Devi eh! Ano bang nasa isip mo at basta basta ka nangsisipsip ng leeg! Buti nalang kakapudpod mo lang ng pangil mo kundi nabuking ka pang bampira!' I scolded myself.
Hayst! Huhu! Paano ko na to matatakpan. T^T

Lumakad na ko papuntang room at late na ko para sa next subject ko. Yung mark? Minabuti kong natatakpan to ng buhok ko. Aish. Wala na talaga kong mukhang maihaharap sa lalaking yun. Argh! Kaasar ka talaga Devi!

Papasok na sana ko sa building namin nang may bigla nanamang nanghawak at hinila ako. Ugh! What the hell is wrong with all of this humans!

"Let me go!" At hinatak ng malakas yung kamay ko halos pati siya masubsob na sakin kunh di siya bumitaw. Ugh! Kaliligo ko lang dinudumihan nanaman nila ko!

"Ano bang problema mo at nanghahatak ka nalang bigla?! Ni hindi nga kita kilala!" Sabi ko habang nagmamadaling kunin ang sanitizer ko sa bag at naglagay sa kamay.

"Eh kasi naman eh! Iniwan mo lang ako sa Music Room kahapon. Sali ka na sa band namin pleaseee!!!" Siya pala yung nakita ko sa music room. Tss. As if sasali ako jan sa kalokohan na yan.

"No." I coldly said and turned my back on her.

"Then I have no choice kundi ikalat ang sikreto mo!" Sigaw niya. Napatigil naman ako sa paglalakad sa sinabi niya. What the?! Alam niyang bampira ako? Oh ghad! Naging maingat naman ako ha? What did I do wrong? Hayst! Second day ko pa lang magddrop nanaman ako? Argh! Could this day gets any worse.

"Sumali ka sa banda namin kung ayaw mong malaman ng lahat ang tungkol dito." Sabi niya. Humarap ako sakanya at may nakita akong pictures siyang hawak. Nanlaki ang mata ko ng makita ko yung mga litrato. Fvck?! Kelan niya nakuha to? Sinusundan niya ko?!  

The Vampire's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon