TVS: "The Vampire's Secret"
C H A P T E R 4 : "Mysophobia"- fear of dirt
D e v i l o n ' s P O V
Tinapon ko na sa basurahan yung sukdulan ng kakornihan na note na yun. Mga isip bata. Tsk.
Tinapon ko na rin yung puting tela sa basurahan at lumabas na ng room. Naglakad-lakad muna ako sa buong campus. Andaming estudyanteng pakalat kalat sa ground. Tsk. Da't pala di na ko lumabas. Hayst.
Naghanap ako ng di mataong lugar at napadpad nalang ako sa MAPEH building ng school. Wala ganong tao dito. Sigh. Buti naman. Siguro dahil lunch pa kaya wala pang tao. Nilibot ko yung building. Naghahanap ako ng MALINIS na tatambayan.
"Music Room"
Basa ko nang tumigil ako sa isang pinto. Tiningnan ko yung door knob at kinuha uli yung gloves na hinubad ko nung tinapon ko yung note. Sinuot ko na at inikot yung knob.
Bumungad sakin ang isang maespasyong kwarto na may malaking stage sa kabilang dulo. Sa entambladong iyon ay may puting piano at sa baba naman ay maayos na nakasalansan sa kanikanilang stand ang iba't ibang instrumento. Namangha ako sa laki at ganda ng paligid. Higit sa lahat. Halatang lagi itong nililinis.
'This is my kind of place.' Isip ko.
Kung nagtatako kayo kung bakit ganito ako... Una sa lahat hindi ako maarte dahil ayokong nadudumihan. I have an OCD or Obsessive- Convulsive Disorder, Mysophobia. It is a pathological fear of contamination and germs. Search niyo pa sa google.
So hindi po kaartehan ang tawag dun. Takot po. TAKOT. PHOBIA. FEAR. Pare pareho lang yan. At alam naman natin na lahat ng bagay madumi kaya mailap ako sa tao kahit pa mama ko yan.
Anyway, nilapitan ko yung area ng stringged instruments. With my gloves on, kinuha ko yung acoustic guitar. Inabot ko naman yung pangspray ko at inisprayan yung buong gitara. Kumuha ako ng isa pang tela at pinatungan yung isang upuan malapit doon.
Umupo na ko, malamang alangan naman tumayo ako? Para naman akong tanga nun squint emoticon
Tinanggal ko na yung gloves ko at tumugtog na ng paborito kong kanta.
"I'm only one call away
I'll be there to save the day
Superman got nothing on me
I'm only one ca--"
*Clap* *clap* *clap*
Napatigil ako sa pagtugtog at biglang napatayo nang may pumalakpak. Shet! Papatayin ba ko nito? Gosh. Ang sakit ng puso ko sa gulat. squint emoticon Tumakbo siya papunta sakin galing dun sa likod ng drums. Di ko siya napansin dun ah...
"Whaaaa! Gosh! Ang galing mo mag gitara! Ang ganda rin ng boses mo! Sali ka sa banda namin!! Please, please, pleasee!"
Sabi niya at lumuhod sa harap ko habang nakahawak sa palda ko.
"Ugh! Bitawan mo ko! Andumi ng kamay mo!" Sabi ko at pilit na lumalayo sa kanya. Whaaa! Oh ghad! Oh ghad! Shower! Ligo! Kelangan! Need!
"Ang arte mo naman 'te."
Malakas ko nang hinila yung palda ko at tumakbo na palabas at iniwan siya dung nasubsob. Ugh! Ligo! Shower! Huhu! T^T
Tumakbo na ko sa shower room. Naiiyak na ko habang tumatakbo. Huhu! Ang dumi ko na. Dumi. Dirt. Germs. Bacteria. Shocks!
Buti nalang nadaanan ko to kanina kaya hindi na ko naghanap kung nasaan tong lugar na to. Dali dali akong naligo at sinabon ng maiigi yung katawan ko. Di ko namalayan na may tumulong luha sa pisngi ko. Aish. Naninindig parin balahibo ko sa nangyari kanina. Tsk.
FYI! Sabon ko ang gamit ko! Siguro halata naman ang laman ng bag ko no? That's right. A complete Personal Hygiene kit. Meron din akong limang tela na ngayon ay tatlo nalang at extrang uniform. Handang handa ako. Ayoko nang maulit yung nangyari sakin dati na nasugod ako sa ospital dahil di ko naibsan ang takot ko(in other terms: di ako nakalinis ng katawan).
PinAkalma ko muna sarili ko saka Lumabas na sa cubicle at nagbihis. Umalis na ko sa shower room at pumunta na sa classroom namin.
Sigh. Ang hirap talaga ng sitwasyon ko. frown emoticon
BINABASA MO ANG
The Vampire's Secret
UpířiJust wanted to have a normal highschool life even as a vampire. Devilon Layce Black, attended Predenon Academy hoping for a peaceful school year. But everything turned opposite of what she hoped for when she kissed a neck of a stranger, specifically...