Chapter 29

104 4 3
                                    


TVS' "The Vampire's Secret"

Chapter 29: First Kiss

Yana's PoV

Di ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Whaaaa! Magkikiss na sila eh! Ugh sayang! Ang ingay mo naman kasi Yana!

"Woah! Tara na nga Yana, nakakaistorbo tayo dito." Sabat ni Rino at inakbayan ako.  

"A-ano..." sabi ni Jiho at nagkamot ng ulo. Hihi! Bagay talaga sila ni twin! Maglalakad na sana kami ni Rino nang...


*Boogsh*


"Aray!" napalingon naman ako sa katabi ko. Problema nito?

"Bakit?"tanong ko habang nakahawak siya sa ulo niya. Tumingin naman ako sa tuktok ng hagdan at nakita ang walang emosyon na mukha ni Devi tas wala yung isa niyang sapatos habang si Jiho naman humagalpak na ng tawa.

"Hands off, Michael." Malamig niyang sabi. Napatigil sa pagtawa si Jiho na parang natakot kay Devi. Huhu! Ako nga tinayuan ng balahibo eh. Wait? Sinong Michael? May ibang kasama pa ba kami dito? Oh my fangs! Nakakakita ng multo si twin? Tas hands off daw? Whaaa! Kadiri naman yun! [Michael surname ni Rino... Mi-ka-el.]

Umalis naman ang pagkakaakbay ni Rino sakin. Nakataas na ang dalawa niyang kamay na para bang nagsusurrender siya sa police habang nakatingin kay Devi. Pulis ba si kambal?

"Sorry na." Sabi niya pero sinamaan lang siya ng tingin ni Devi.


"Tss. Ano bang ginagawa niyo pa rito? Pinauwi na kita Yana diba? Ba't kasama mo pa yang lalaking yan?" tuloy tuloy na dakdak ni Devi mula sa tuktok ng hagdan kaya napatakip ako ng tenga. Grabe naman kasi siya, ano to quiz bee?

"Nahuli lang kayo eh." Bulong ni Rino. Whaa! Patay kang lalaking ka! Narinig yun for sure ni kambal. Sumama naman ang mukha ni Devi. Naniningkit ang mga mata tas namumula ang pisngi."May sinasabi ka, Rino?" nanlaki naman mata niya. "May isa pa kong sapatos dito." Pagbabanta ni kambal."W-wala." Utal niyang sagot at nagpumilit ngumiti pero ang nagawa lang niya eh ngiwi. Palipat-lipat lang ang tingin ko sakanilang lahat nang maalala kong nagtatanong pala tong si kambal."Ah, ano kasi twin... babalikan kasi kita kasi ang tagal niyong bumalik nang makasalubong ko si Rino, pinilit niya ko na sumama siya. Sabi ko wag na, pero sabi niya samahan na daw niya ko, sabi ko naman wag na nga! Sumigaw na ko nun twin ha, pero sabi parin niya, sasamahan daw niya ko. Tas sabi ko uli "wag na nga eh!" kunyari galit na talaga ako nun per—" napatigi ako sa pagkukuwentohabang naglalakad pabalik balik sa pwesto ko ng nagsalita si Devi."Stop. Tsk." Nagtatanong siya kanina tas sinagot ko naman tapos papatigilin? Ano ba talaga gusto niya? Bumaba na silang dalawa ng hagdan. Kinuha naman ni Devi yung sapatos niya dito sa baba at nauna nang maglakad. Si Jiho naman eh, nakayuko lang tas ngumingiti magisa. Sinapian na ata to. Napailing nalang ako. Ang weird nilang lahat grabe!"Tara na." Aya ni Rino. Aakbayan na niya sana ako ng biglang nagsalita uli si twin... pansin ko lang ha, gustong gusto ni Rino balikat ko."Rino."mapagbanta ang tono niya. Dumiretso ang tindig ng nasa harap namin na si Jiho habang si Rino naman ay napalunok. Inatras niya yung braso niya at nilagay ito sa bulsa niya. Napahilig ako ulo ko sa gilid. Anong meron?~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~Devi's PoV

Tsk. Nakakahiya! Sa lahat ng makakahuli yung kambal ko pa! Paano pag sinabi niya yun kela mama? Edi lagot ako? Ano naman kasing nasa isip mo Devilon at may papikitpikit moment ka pa! Hayst! May sira na talaga yang utak mo!

"Huy!" naramdaman kong tinusok ng katabi ko yung tagiliran ko. Nauuna kaming dalawa ni Jiho samantalang yung dalawa naming kasama eh nasa likod ko. Psh. Kanina pa yan si Rino kung makachansing ha! May paakbay-akbay pa! Ano sila? Magjowa?!

'Eh ano naman kasing paki mo sa kambal mo Devi?'

'Wala akong paki dun!'

'Eh ba't ganyan ka?'


'Eh ba't ko ba kinakausap sarili ko?'

'Ewan ko sayo?'

"HOY!" naputol ako sa pagiisip nang humarang na si JIho sa dinaraanan ko na nakakunot ang noo. Pinagkunutan ko rin siya ng noo, ano bang problema nito.

"Kanina pa kita tinatawag!"

"Eh ba't kailangan mong sumigaw!"

"Hindi ako sumisigaw! Ganito lang talaga boses ko!"

"Umayos ka Jiho kung ayaw mong mapunta sa Neptune!" balik kong sigaw. Para kasing tanga eh, nasa harap niya lang ako kung makasigaw kala mo nasa kabilang mundo ako.

"Eto nanga eh, aayos na." Mahinahon niyang sabi at nginitian ako. Inirapan ko lang siya at lumingon sa likod nang maalala kong may kasama pala kami. Umayos naman na si Rino at nasa bulsa nalang niya yung kamay niya. Binalik ko na ang tingin ko kay Jiho na ngayo'y nakangiting aso. Tsk. Mukhang timang eh!

"Anong itsura yan, Jiho?" asar kong puna sa kanya.

"Wala..." balewala niyang sagot at lumihis ng tingin habang nakangiti parin. Nakakaasar talaga kapag hindi sakin sinasabi eh. Alam niyo yun? Yung hahayaan ka nalang nila na mamatay sa kuryusidad. Tsk. Sarap sapakin eh!

"Ewan ko sayo. Umuwi na nga kayo!" tumigil ako sa paglalakad at bumaling naman kay Rino.

"Uwi na." Walang emosyon kong sabi sa kanya. Nagiinit talaga ulo ko jan sa lalaking yan. Tsk!

"Bakit ba bawal hanggang bahay niyo?" tanong ni Jiho. Lumapit naman siya sa tenga ko."Dahil ba baka malaman ng mama mo na may kasama kang tao?" bulong niya. Nakita ko namang napalingon dito si Yana na naniningkit ang mata. Agad akong umiwas ng tingin at ang naudlot ay natuloy... pagkaiwas na pagkaiwas ko ng tingin, humarap ang mukha ko sa mukha ni Jiho at naglapat ang aming mga labi. Parehong nanlaki ang mata namin pero walang umaalis sa pwesto. Di ko rin naman magawang umatras dahil nasasarapan ako sa kung anong pawang kuryenteng dumadaloy mula sa labi niya at papunta sa labi ko. Dumaloy ito sa buong sistema ko na para bang tuwing umiinom ako ng dugo. Eto ba ang tinatawag nilang enerhiya ng tao? Nakakaadik. Napapikit nalang ako sa sensasyong nararamdaman ko at napahawak sa batok ni Jiho para lalong magdikit ang aming labi. Napakasarap talaga. Parang ayaw ko nang bumitaw. Naramdaman ko namang medyo bumibitaw na siya kaya napadilat ako. Napasigaw kaming lahat ng biglang bumagsak ang kanyang katawan...

"JIHO!"

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

SOrry talaga sa super duper mega ultra super late ud.... nagpasukan kasi ehhh huhuhu! tas pang umaga pa ko kaya bawal magpuyat.. eh gabi ako gumagawa... kaya ayun... weekends lang ata ako makakaUD pero I'll try parin sa week days akey??

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 19, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Vampire's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon