TVS: "The Vampire's Secret"
Chap 2: Jerremiah Isaac Hubert Olsen "Jiho"
Jiho's PoV
"Jiho!" Sigaw ng teammate ko na si Rino. Pinasa ko sa kanya yung bola at tumakbo papunta sa isa sa mga kalaban para bantayan nang maishoot na ni Rino yung bola.
"5 Seconds remaining." Announcer.
Shet 5 seconds nalang! Di pa rin niya naishoshoot. Tsk.
*4 seconds*
Tumingin siya sakin at naintindihan ko naman yung tingin na yun.
*3 Seconds*
Pinasa niya sakin yung bola. Nasalo ko naman at umatras kaunti para nasa 3-points line ako.
*2 seconds*
Kaya ko to! Tumalon na ko at hinagis ang bola.
*1 second*
Parang nagslowmo ang buong court tumingin ako sa bola. *Smirk*
*Buzzz*
"And 3 points for number 12, Olsen! The White Tigers Win! With a leading score of 39-26!"
"Whoooo!!"
"Jiho! Jiho! Jiho!"
Lumakas lalo yung cheer ng mga nanunuod samin. Aish. Ang iingay nila, tsk. Di naman to totoong laban. Just for fun lang ba. Bago naman kami magsimula ng mga kablockmates ko antahimik pa tas maya maya sa di ko malamang dahilan, nagkaroon na ng audience, may announcer pa. Iba na talaga mga tao ngayon. Tsk. Tsk. squint emoticon
"Galing mo talaga pre!" Sabi ni Rino at nakipagapir sakin. Binati rin ako ng mga kateam ko.
"Psh. Di lang naman ako ang nagpanalo."
"Pahumble ka pa eh." Si Jaq.
Nakipagkamay kami sa kalaban para sa magandang laro. Sportsmanship tawag dun.
Pumunta na kaming lima nina Rino, Jaq at yung dalawa ko pang kasama na si Rick at Chris. Si Rino yung kung tawagin ko ay best bro. Tsk. Ang gay naman kasing pakinggan ng bestfriend kuno nila. Basta kababata ko siya at magkaibigan na kami simula non.
Umupo muna ko sa bench at nilagay sa binti ko yung bag ko. Kinuha ko yung towel at nagpunas ng pawis. Sinabit ko muna to sa balikat ko at kinuha naman yung gatorade.
"Oy. Balita ko may bampira daw na nagtramsfer dito ha? Yung head nga lang ng school ang nakakaalam kung sino yun." Chris.
"Oh? Anong year?" Jaq.
"Di ko nga alam. Yung head ng school nga lang ng school ang nakakaalam. Paulit-ulit?" Chris.
Bakit ba big deal sa kanila yang mga bampira na yan? Di nalang hayaan yung mga iyon eh. Kailangan pa talaga intindihin.
Nang matapos kami magpahinga. Lumabas na kami ng gym. Pumunta kami ng shower room at naligo saka dumeretso sa kanya kanya naming classroom.
"Pre, may transferee daw na chicks sa 4-A." Rino. Basta talaga panlalandi expert na expert to eh.
"Oh? Pake ko?" Tipid kong sagot. Tumigil na kami sa harapan ng pinto ng 4-C. Yung dalawa naman naming kasama, si Jaq at Rick ay nasa 4-B.
"Onti nalang talaga Jiho, pagiisipan na kitang bakla." Sabi ni Rino habang pumapasok kami sa room at umupo sa upuan. As usual. Andami nanamang nakatingin. Tsk. Minsan nagsisisi ako kung bakit ako nagkaroon ng napakagwapong mukha, di naman sa pagmamayabang.
Di ko nalang pinansin yung sinabi niya at tumungo sa desk ko. Kaantok, ang aga kasi naming nagstart tas nakakapagod pa.
"Pero pre, ang weird daw niya. Ewan ko lang kung bakit. Unang araw pa nga lang niya dito may tatak na siya eh. "Ice Devil." Sabi niya habang nagform ng L sa dalawang kamay at inislide both sides sa hangin. Para bang ineemphasize niya yung bansag sa kung sino mang babaeng yun.
"Again, Rino. Pake ko."

BINABASA MO ANG
The Vampire's Secret
VampirJust wanted to have a normal highschool life even as a vampire. Devilon Layce Black, attended Predenon Academy hoping for a peaceful school year. But everything turned opposite of what she hoped for when she kissed a neck of a stranger, specifically...