TVS: "The Vampire's Secret"
Chapter 15: To the Rescue
Jiho's PoV
Papunta ako ngayon sa cafeteria para magbreakfast MAGISA, kasi yung magaling na babaeng yun iniwan ako MAGISA. Psh.
"Dalawang pancakes nga po."
"Oh? Ang aga mo naman ata, Jiho?"
"May ginawa lang po, manang."
"Oh eto na." at nilapag ni manang sa counter yung order ko. Binayaran ko na to at umupo na sa isa sa lamesa ng caf.
"Oh, Pre? Aga mo ata." Napatingin ako sa harap ko at nakita ko si Rino. Ano bang meron sa pagpasok ko ng maaga?
"Masama ba?" Tsk.
"Oh? Anong nangyari sayo? PMS?" nasamid naman ako sa sinabi niya. PMS? Baliw ba to? squint emoticon
"Ewan ko sayo!" at pinagpatuloy na ang pagkain ko.
"Haha! Si Devi nanaman yan nuh?" Npatingin naman ako sakanya at bumuntunghininga.
"Ano ba kasing ayaw niya sakin? *pout* Hayst! Naloloko na ko dun sa babaeng yun. T^T" saad ko at napakamot ng ulo.
"Hahaha! Nako, nako, nako, Jiho. Di ka kasi nun agad-agad magugustuhan. Take it slow. Lalayuan ka lang niyan talaga pag ganyan gawa mong dikit ka ng dikit. Mag pa miss ka naman." Sabi niya at akmang kukuha sa pancake ko kaya hinampas ko yung kamay niya ng tinidor.
"Sa tingin mo gagana yun?" tanong ko habang pinaglalaruan yung syrup ng pancake ko.
"Sus, ako pa! Wala ka bang tiwala sa pangchichix ko?" sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Hindi chix si Black, Rino. Babae siya. Di siya tulad ng pinaglalaruan mo lang." seryoso kong sabi. Napangiti naman siya sa sinabi ko.
"Tinamaan ka na talaga." Sabi niya habang umiiling. Tinamaan? Haha! Ewan ko ba jan sa weirdong babaeng yan. Tsk. Kasalanan niya to eh. grin emoticon
*~**~*~*~*~*~*~*~*~
Nagpaalam na si Rino sakin at mangchichix paraw siya. Kaya eto ako ngayon magisang papunta ng room nang nakita ko sila Margaux. Tsk. Nakakaasar yang babaeng yan. Napakadesperada, ilang beses ko na ngang sinabihan na ayaw ko sakanya, di pa rin tumitigil. squint emoticon
Di na ko nakiusyoso, mukhang may pinagtitripan nanaman yung grupo nila. Pero nanlaki mata ko nang makita kong si Black yun. Hinawakan ng dalawa niyang alipores ang magkabilang braso ni Black at may binuhos na kung anong likido si Margaux sa kanya. Fvck! Halos liparin ko na yung hallway sa pagtakbo papunta sa kanila. Shit! Shit! Shit! Ano bang problema nila?! Ugh! Pano ba to! Yung phobia ni Black! Tsk.
Dalidali kong hinablot si Black sa pagkakahawak nung dalawa. Bumagsak yung katawan niya sakin. Lantang lanta na yung katawan niya at namumutla na sya. Shit! Ano bang ginawa nila sayo?
"Hey, babe. Anong ginagawa mo? Naglalaro kami oh." Maarteng sabi ni Margaux pero sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Humanda ka sakin mamaya." I dangerously said kaya napaatras naman siya.
I carried Black bridal style at tumakbo papunta sa clinic. Marami rami narin yung estudyante kaya pinagtitinginan kami, pero di ko na sila pinansin. Ang nasaisip ko lang ay madala tong babaeng to sa clinic. Tiningnan ko si Black na nanghihinang nakakapit sa leeg ko. Tulala siya at nanginginig.
'Sandali na lang Black, malapit na tayo.'
Sinipa ko yung pinto ng clinic at dali daling nilagay si Black sa isa sa mga kama.
"NURSE!" Tsk. Asan ba yung mga nurse dito! Dumating naman si Nurse Cha at inasikaso si Black.
"D-don't t-touch m-me." Mahina pero delikadong sabi ni Black kaya napaatras yung nurse. Umupo siya at niyakap yung tuhod niya. May pumatak na luha sa mata niya kaya nagpanic nanaman ako. Dali-dali ko siyang binuhat uli at dinala sa c.r. Di naman siya nagreklamo. Umalalay si Nurse Cha at pinagbuksan kami ng pinto sa C.R. sinara ko yung pinto at pinaupo ko siya sa nakasara na bowl. Inangat nanaman niya yung tuhod niya at niyakap ito. Umiiyak siya habang yung buong katawan niya nanginginig. Hayss! Paano niya lilinisan sarili niya kung ganyan siya? Tsk, no choice. T^T
'Lord, wala pong malisya tong gagawin ko.'
----------------------------------> Time Skip ^__^v
Whoo! Pinunasan ko yung pawis sa nook o at lumabas ng c.r. May binigay sakin na uniform si Nurse Cha na galling daw sa loob ng bag ni Black.
"May lagnat ka ba Jiho?" biglang tanong ni nurse Cha.
"Ah? Wala po. Bakit?"
"Pulang pula mukha mo eh. Tas pawis na pawis ka. Okay ka lang ba?" Nako! Sinong hindi mamumula! Lalaki ako! Di araw araw eh nagpapaligo ako ng babae!
Hoy! Di siya hubad na hubad! Kung ano man yang iniisip niyo, tigiltigilan niyo yan!
"Okay lang ako." Sabi ko at bumalik na sa c.r. Binihisan ko na siya saka binuhat uli palabas. Pinakuha ko naman si Nurse Cha ng tela mula sa bag ni Black at pinalatag sa kama. Tiningnan ko siya at nakitang natutulog na. Nilapag ko na siya sa kama at iniwan na kami ni Nurse Cha. Di na muna ako papasok para bantayan tong babaeng to.
Hinawi ko yung bangs niya at lumitaw ang dilaw niyang mata. Ano bang trip nang babaeng to at ganito ang mata niya? Maya-maya lang marahas na bumukas yung pinto na nagsanhi ng malakas na ingay pero di pa rin siya nagising. Tulog mantika? Tiningnan ko yung babae at napagtantong yung may-ari ng school to. Tumayo ako sa pagkakaupo ko para naman batiin siya.
"Good Morning, ma'am." Tumango naman siya. Ano namang ginagawa niya dito? Dumako naman yung tingin niya kay Black at dalidaling pumunta rito. Bakas ang pagaalala sa mga mata niya. Mama niya ba to? Anak siya ng may-ari ng school?!
"W-what happened to her?" Lumabas naman si Nurse Cha at binati siya.
"Di ko po alam. Pero mukha pong may phobia siya at may natrigger dito. And it seems to be, Mysophobia." Sagot ng nurse.
"Okay na ba sya ngayon?"
"Hmm, your niece is fine now—" ahh. Pamangkin lang pala siya. " Mukhang kumalma naman na po siya after namin siyang malinisan." Nanlaki mata niya bigla at pinanliitan ng mata si Nurse Cha.
"Was she awake when you cleaned her up?"
"U-uhh... y-yes ma'am? Why?"
"She don't let anyone touch her, so who did it?" Napalunok naman ako at unti-unting naglakad patalikod. At para bang narmdaman niya yung paggalaw ko. Dumiretso yung tindig ng tita niya at pinatunog yung leeg niya.
"Not so fast, mister. We need to talk." Seryosong saad ni tita—este ng tita ni Black habang nakatalikod. Shit! Nakakatakot tita niya. T^T
*GULP*
Humarap na siya nang naka cross arms at tuloy tuloy na nagtatap yung isang sapatos niya sa sahig.
*DOUBLE GULP*
'Lord, nawa'y gabayan niyo po ako.' T^T
BINABASA MO ANG
The Vampire's Secret
VampirosJust wanted to have a normal highschool life even as a vampire. Devilon Layce Black, attended Predenon Academy hoping for a peaceful school year. But everything turned opposite of what she hoped for when she kissed a neck of a stranger, specifically...