Chapter 20

56 7 0
                                    



TVS: "The Vampire's Secret"

Chapter 20: Can I have this dance?

The past four days tuloy tuloy lang ang practice namin. Medyo nagiba ang magiging daloy ng production number namin dahil dun sa pinaplano nung barakuda na yun. Di ko sakanila sinabi yung binabalak ni Margaux but I did warned them that no matter happen the show must go on.

"Okay, guys. 5 minutes before your performance." Sabi ng isang staff samin. Nasa backstage na kami ngayon at inaantay nalang na tawagin kami. I can feel my gloved hands trembling from nervousness. I don't know if I'm nervous cause it will be my first time or if it is because of what I'm plannig for my counter attack. Shocks! I thought I will have a peaceful highschool life but the hell! That freaking Margaux ruined it. Well, kasama na rin yang Jiho na yan at si Gian. -_-

Tumayo ako para lapitan si Jiho. Kasama siya sa plano ko mamaya.

"Hey." Tumaas naman ang tingin niya mula sa pagpupunas ng gitara niya at ngumiti ng pagkalakilaki kaya napairap ako.

"Namiss mo ko agad? Grabe ka naman, Black... sabi na may HD ka sa kin eh." Tss. Pigilan niyo ko! Mapupunta sa Neptune tong lalaking to.

"I didn't.—" I coldly said."—Do you know how to waltz?" dugtong ko. Tiningnan naman niya ko ng may pagtataka.

"Bakit?"

"Yes or No?" madiin kong sabi.

"U-uhh, y-yes?" nakahinga naman ako ng maluwang.

"Good... you'll need it." And I went back to my seat.

"Guys! You're up!" Okay! Here it is! Oh in the name of Dracula! Please guide me.

"Before the welcoming speech of the president of the school. Let's all welcome, Jiho and Jihonians!" What the hell? Who made the kind of band na— Jiho. Marahas ko siyang tiningnan as well as Gian, Rino and Yna. Magsasalita na sana si Gian ng maunahan ko siya.

"Seriously Jiho? Jihonians?" i said glaring at him. Napakamot naman siya sa batok niya. Ugh! I knew it was a bad idea to let him pick the group name.

Lumabas na kami sa stage pero si Gian ay biglang inagaw sa MC yung mic.

"Excuse me, there seems to be a slight mistake here—" and she looked intently at Jiho. "The band's name is 'Hell Breakers'."

Nagsicheer naman na yung audience mostly kay Jiho at Rino. Nilibot ko ang paningin ko sa madla at natanaw ang sandamakmak na kamatis sa mga upuan nila. Hay nako, Margaux... wala ka talagang magawa sa buhay mo.

Pumunta na kami sa kanya-kanya naming pwesto. Si Gian sa drums, Yna sa keyboard, si Rino sa rhythm guitar, Jiho sa lead guitar at ako as vocalist. Lumingon ako sakanila.

"No matter happens, the show must go on. Just continue playing." Muli kong paalala at tumango naman sila.

"We will play... High school musical's Can I have this dance." Walang gana kong sabi sa mic. Nakita ko namang naghanda na sila ng ibabato nila.

1

2

3

Go.

Nagsimula na sila tumugtog para sa instrumental intro ng kanta. Mahigpit kong hinawakan ang mic ko at huminga ng malalim nanginginig parin yung kamay ko. Lumapit ako kay Jiho at sakto... naiwasan ko ang unang bato. Nagulat naman sila pero as I say... the show must go on.

"Take my hand" kanta ko sa unang verse. I stretched my hand out at pinanlakihan ng mata si Jiho na sumabay nalang. Tumigil naman siya sa paggitara at hinawakan ang kamay ko (with gloves! -_-) Natahimik ang buong auditorium dahil sa ginagawa namin.

The Vampire's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon