Chapter 9: Disguise
Pagkasabi na pagkasabi niya nun. Dali dali akong pumunta sa c.r na di ko alam na meron pala nito sa music room at sinuot ang mask ko. Iniba ko yung pagkakaposisyon ng side bangs ko at lumitaw naman ang yellow-gold na kaliwang mata ko. Yah, magkaiba ang kulay ng mata ko, paki mo ba!
Tinanggal ko rin ang pagkakapigtail ng buhok ko at inipon sa kaliwang balikat ko saka tinirintas.
'Di naman na niya ko makikilala sa itsura ko no?' Isip ko.
Huminga muna kong malalim saka lumabas sa c.r.
"Devi? Ikaw ba yan? Whaaa! Ang cute mo! Sinabi ko lang na darating si 'you-know-who' nagpaganda ka na! Saka anong nangyari sa mata mo?" Walang tigil na.dakdak ni Gian. Inirapan ko lang siya at umupo uli sa pwesto ko sa sofa.
"Eye contacts." Sagot ko sa tanong niya. Buti pa tong si Yna tahimik lang. Etong Gian na to sarap nang itapon sa Jupiter sa sobrang ingay eh.
"Gian." Tawag ko sa kanya. Lumingon naman siya sakin with a hum.
"Don't you dare tell him kung sino ako kundi magkakasamaan tayo." I said coldly. Napalunok nalang siya at tumango. Eksaktong pagkatango niya bumukas naman yung pinto at pumasok na si Jiho at yung Rino ata to.
"Ohy! Anjan na pala kayo! Sabi ko kahapon agahan niyo kasi may bago tayong recruit, pero late parin kayo." Pagbubunganga ni Gian.
"Tumahimik ka nga. Ang daldal mo." Sabi ni Rino at hinawakan yung ulo ni Gian saka pinaalis sa daanan nito.
"Yohw, Yna babes!" Baling naman ni Rino kay Yna pero inirapan lang sya nito.
Napatingin naman ako kay.Jiho na kunot ang noo.
'Shocks! Pleasee! Wag niya kong makilala!'
"Is she the new recruit?" Tanong niya. Di sumagot yung dalawang babae kaya tumango nalang ako. Napansin ko namang may cast yung braso niya.
'Ohw. Yan siguro yung natulak ko siya kahapon.'
"By the way, Jiho. Anong nangyari sa braso mo? Paano ka na makakagitara niyan?" Usisa ni Gian. Napaiwas naman ako ng tingin. Kahit papano nakonsensya rin naman ako sa ginawa ko. Tsk. Kasalanan rin naman niya yun eh!
"May baliw na weirdong babae ang nagtulak sakin kahapon. Tsk. Wag mo na ngang ipaalala naaasar ako." Di ko mapigilang di mapairap sa sinabi niya. Siya pa naasar sa lagay na yun ha?
'May karapatan rin naman siyang maasar dahil sa kagagahan mo sa MRT' a voice in my head said.
'Tsk. Kahit na! Pwede namang di idemonstrate sa kin eh.'
'Ulyanin ka kasi!'
Napailing nalang ako. Shit! Kinakausap ko na sarili ko.
"Anong pangalan mo, babae?" Tanong niya. Magpapakilala ba ko? Paano kung makilala niya boses ko?
"Uhhmm--"
"She's V, fourth year." Singit ni Gian. Grabe na ang pagpapaikli nila sa pangalan ko ha. From Devilon to Devi then now, V nalang?
"Whole name?" He asked suspiciously habang kunot noo parin na tinitingnan ako.
'How can he possibly recognize me? Iba na kulay ng mata ko.'
Nako Gian! Galing galingan mo yang pagsisinungaling mo.
"U-Uhmm--" kabado naman siyang tumingin sakin. "S-she's Levi. Oo! Levi. Siya si Levi Lane."
"We? Di nga?" Jiho.
"Tumigil ka na nga Jiho. Obvious naman na hindi yan si Black eh. Dilaw mata niya oh." Singit naman ni Rino na ngayon ay nakatabi kay Yna.
Tumango naman si Jiho na wari mo'y nagets na niya at di na nagtanong uli.
'Shocks! Salamat ng marami, Rino!'

BINABASA MO ANG
The Vampire's Secret
VampireJust wanted to have a normal highschool life even as a vampire. Devilon Layce Black, attended Predenon Academy hoping for a peaceful school year. But everything turned opposite of what she hoped for when she kissed a neck of a stranger, specifically...