Chapter 3

69 4 0
                                    


C H A P T E R 3 : The Note

D E V I L O N ' S P O V

"Bla bla bla... literature... bla bla bla... writing... bla bla bla writers..."

*Yawn*

Tsk. Kaantok naman. squint emoticon Di pa rin kasi tapos si Maghirang dumakdak sa harap. Like seriously? First day na first day, nagtuturo siya? Di ba pedeng 'get to know each other' muna pero yung tiponh di ako kasali?

"Miss, are you even listening?"

Napatingin ako sa harapan kung sino man yung kinakausap ni Maghirang pero nagtama lang ang mata namin.

'Ako pala kausap niya.' Isip ko.

Bumuntong hininga muna ko saka sumagot.

"Do I look like I'm listening?" I said bored.

Napasinghap naman siya sa sagot ko. Namumula na yung mukha niya at halatang nagpipigil ng galit. Tss. Bat kasi kailangan pang magtanong? Obvious naman yung sagot sa tanong niya. squint emoticon

"Miss..." tumingin siya sa folder na nasa table niya at bumuntong hininga bago nagpatuloy.

"... Black, I'll appreciate it if you could give me atleast your tiniest respect as your adviser and listen to my discussion."

Di ko siya pinansin at tumingin nalang uli sa bintana. Ramdam ko yung tensyon sa loob ng room. Tss. Mga duwag siguro tong mga to at di pa naranasan lumaban sa adviser.

Saka respect? Respect my ass, bitch. Mga tao talaga, gustong respetuhin pero di naman marunong rumespeto sa iba. Tulad nalang samin. Wala kaming ginagawang masama, pero kung kamuhian kami kala mo pumatay kami ng milyon-milyong tao.

Nagpatuloy na uli siyang dumakdak sa harap at hindi na ko pinansin. Ganun din yung mga sumunod na teacher namin. Sinabihan na niya siguro.

*Kringggg* *Kringg*

"Okay, class dismissed." Sabi ni Fernandez, History instructor namin.

Nagsitayuan na yung mga kaklase ko para pumunta siguro sa cafeteria. Nagpaiwan lang ako dito at inantay silang mawala lahat para makakain narin ako ng dugo.

"Hey, Black right? Ano yun name mo talaga o surname mo?" sabi nung babae. May kasama rin siyang isa pang babae.

Di ko nalang siya pinansin at lumingon sa bintana.

"Nahihiya ata, Ree." Sabi nung kasama niya.

"Uhm, ako nga pala si Lori, but you can call me Ree." Sabi uli nung babaeng unang kumausap sakin. Di ko parin siya pinansin. Kinuha ko nalang yung headphones ko at nilagay sa tenga ko.

'Umalis na kayo please, nagugutom na ko.'

"Tsk. Snob naman pala yan Ree eh. Kala mo kung sinong maganda." Mataray na sabi nung kasama nung Lori.

"Huh! Di niya kilala kinakalaban niya. Humanda ka Black, pagsisisihan mong kinalaban mo kami." Sabi ni Lori na at narinig kong umalis na sila. Salamat naman.

Tsk. Kinalaban? Kinalaban na agad yun? Ni wala nga kong ginawa sakanila. Ang o-oa talaga ng mga tao. Sarap pektusan eh no. squint emoticon

Nilabas ko na yung pakete ng dugo na nasa box ng juice at ininom yun.

Ahhh! Salamat naman. Feeling ko mahihimatay na ko sa gutom.

Nilagay ko sa zip-lock bag yung box ng juice at nilagay ko uli sa bag ko. Ayokong itapon sa basurahan dito. Mamaya mahuli pa ko.

Kinuha ko yung sanitizer spray ko at naglagay sa kamay. Nilagyan ko rin yung desk ko pati yung mga nakapaligid sakin.

*Shivers*

Nakakapangilabot yung dumi. Ugh!

Nang lalagyan ko na yung nasa tabi ko na desk. Napansin kong may kulay pink and na sticky note doon. Binalik ko muna yung spray at kinuha naman yung gloves na hinubad ko kanina nung nagdidiscuss si Maghirang. Sinuot ko yun ay kinuha yung papel.

"You just opened the door to hell, Ms. Black

-The Pink Eyed Girls"

Ack. Seriously? Pink Eyed Girls? Wala nabang cocorny pa dun? squint emoticon

The Vampire's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon