Chapter 5

62 5 0
                                        


  C H A P T E R 5 : F i g h t t h e h u n g e r

D E V I L O N ' S P O V

Uwian na. Sa wakas at makakalayo na ko sa mga mata ng mga yun. Tsk. Kaasar, mula pa nung bumalik ako galing shower room wala nanaman silang tigil sa pagsulyap sakin.

Psh. Anyway, may pinapabili pala sakin si mama sa isang convenient store malapit sa stasyon ng tren. Ugh. Ang layo layo pa naman nun dito.

Pumara na ko ng taxi. Sinuot ko na yung mask at gloves ko saka naghanda ng puting tela. Pumasok na ko sa loob pagkatapos ko itong ilataga sa upuan. Nagtataka naman akong tiningnan nung driver.

"What?" Irita kong tanong.

"U-uh, wala po ma'am. San po kayo?"

Sinabi ko na sa kanya yung patutunguhan ko at nagdrive na.

*Krrukkk*

Napahawak ako sa tiyan ko. Aish. Di nga pala ko nakakain ng almusal kanina at tanging yung baon ko lang kanina ang laman ng sistema ko. Tsk. Tiisin ko nalang na hindi mangsunggab ng tao.

Nang marating na namin ang destinasyon ko. Malamang bumaba na ko. squint emoticonSyempre nag bayad muna ko kay manong. Tinapon ko na yung tela at inangat pa yung mask at gloves ko. Ha! Mukha na kong holdaper. Lol. squint emoticon

Binili ko na yung dapat bilhin at lumabas na sa convenient store.

Tumingala ako sa taas. Alangan namang sa baba? Nahagip ng mata ko ang riles ng tren.

'Kung mag tren nalang kaya ko? Mas mabilis pa kong makakauwi.' Isip ko.

'Kaso baka maraming tao. Aish. Di yan. Di pa naman rush hour. Panigurado wala pang tao.'

Pumunta na ko sa loob at tama nga ang kutob ko. Wala ngang ganong tao. Pumila na ko at bumila ng ticket saka pumasok sa stasyon at nagantay na huminto ang tren sa harap ko.

Mga ilang minuto pa ang lumipas bago dumating yung tren na sasakyan ko. Inantay ko munang makalabas yung mga nasa loob bago pumasok at naghanap ng mauupuan.

'Huh? Himala? Anong meron at wala ganong tao sa MRT?'

Nilatag ko na yung natitirang tela sa bag ko at umupo na.

*Sniff*

Nanlaki ang mata ko sa naamoy ko. Ngayon lang ako nakaamoy ng ganito kabango na dugo.

*Sniff*

Hinanap ko yung pinanggagalingan ng amoy. Napalingon ako sa katabi ko. Mukhang sa school ko rin siya nagaaral dahil sa uniform niya. Nakapikit lang siya habang may earphones na nakasaksak sa tenga.

'Sa kanya ba galing yun'

Ang bango... lalo akong nagutom. Naramdaman kong nanuyo yung lalamunan ko.

*Sniff*

Para kong nahyhypnotize. Di ko na alam ginagawa ko.
Basta ang alam ko lang lalong lumalapit yung leeg niya sa paningin ko. Hanggang sa...

*Chup*  

The Vampire's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon