Chapter 1

160 7 0
                                    

TVS: "The Vampire's Secret"

Chap 1: The New Student

Devilon's PoV

Ugh. Bwisit na polusyon! Bwisit na usok! Bwisit na alikabok. Ugh! Ang aga-aga panira ng araw. Tsk. -_-

Naglalakad ako ngayon papunta sa bago kong school, since walking distance lang naman ang layo nito. Pero, argh! Nakakaletse yung kadumihan ng paligid. Aish.

Tinaas ko pa lalo at halos matakpan na ng mask ko ang mata ko. Tsk. Ayokong makalanghap ng dumi ng hangin squint emoticon . Naglakad pa ko ng mga ilang metro at halos ikamatay ko to bago ko narating yung school.

"Welcome to Predenon Academy!"

Basa ko habang nakatingala sa mala toreng gate ng school. Seriously? Mukha bang mga higante ang estudyante dito para ganyan kataas ang gate? Tch. squint emoticon

Marami-rami na rin ang nagsisidatingan na mga estudyante. Obvious naman na dito rin sila nagaaral kasi pareho kami ng suot-suot na pang emo na uniform na white button-up polo topped with black coat that has white linings sa laylayan at sa sleeves. Black din ang palda namin na hanggang gitna ng hita ang haba na meron ding 2 puting linya sa laylayan. Diba? Kulang nalang magpabutas kami sa ilong at maglagay ng hikaw eh. Tsh. squint emoticon

Pinagpatuloy ko na ang pagpasok sa loob. Parami rin ng parami ang tao na nahahagip ng mata ko.

'Dapat pala mas inagahan ko pa para walang estudyante akong makasabay. Tss. Mamaya may makadikit pa ko't malagyan din ako ng kung ano anong mikrobyo. Tch. squint emoticon '

G1: "Narinig niyo ba yung balita?" (Napatingin naman ako dun sa kasabayan kong grupo ng babae.)

G2: "Hindi, hindi naman kasi kami chismosa tulad mo."

G3: "Haha! Oo nga." (At nagapir si G2 at G3)

G1: "Narinig ko lang naman. Meron daw transferee na bampira sa school natin. Pero di ko alam kung anong itsura saka kung ano ang year at section eh." (Are they talking about me?)

G3: "What?! Those disgusting creatures? Ugh! Bakit pa kasi pinapayagang mamuhay kasama natin yung mga yun." (Akala mo ba gusto namin mamuhay kasama ang napakaarteng katulad mo? Tch! -_-)

G2: "Yeah! Mamaya di natin alam bigla nalang tayong sunggaban nun tas simutin dugo natin. Geez. Nakakapangilabot."

G1: "Oo nga, di pa naman natin agad malalaman kung bampira ba o hindi kasi para lang din silang tao. Umiinom nga lang ng dugo tas may pangil."

Di na ko nakinig sa susunod nilang pinagusapan. Ang aarte nila. Kaasar. Kala mo naman kung sinong malilinis. Tsk squint emoticon . Wala namang ginagawa sakanila kung maka trash talk eh no?!

Pumunta na ko sa room ko. Class 4~A. Yup, eto nga yun. Kinuha ko yung white gloves ko sa bag. Sinuot ko iyon bago hawakan at pihitin yung doorknob ng pinto ng room. Pagkapasok na pagkapasok ko, lahat ng mata nila nasa akin. Tss.

"Staring is rude." I coldly said habang nililibot ko ang tingin sa buong classroom para sa bakanteng upuan. May nakita naman ako dun sa dulo sa tabi ng bintana. 'Perfect.' Isip-isip ko.

Bumalik naman na sila sa mga ginagawa nila nung sinabi ko yun. Pero ramdam ko parin ang mga pasimple nilang titig sakin habang naglalakad ako papunta dun sa nakita kong upuan.

Kinuha ko sa bag yung puting tela at ipinatong ito sa sandalan at upuan nung desk ko. Tss. Kung sino-sino na ang umupo dito. Malamang sa malamang, napakadumi na nito kahit pa ilang beses to linisin. squint emoticon

Umupo na ko at nakita kong nakatingin parin sila sakin.

"Ano bang problema niyo? Ha?! Gusto niyo bang dukutin ko yang mga mata niyo at ipakain sa alaga kong uwak?!" Yan ang gusto ko sanang sabihin kaso masyadong agaw atensyon. Kaya inirapan ko nalang sila at kinuha yung puti kong headphones.

Di ko yun sinaksak sa phone ko. Gusto ko lang iparating sa kanila na "Wag niyo kong istorbohin! Nakaheadphones ako."

Tumingin ako sa labas ng bintana pero ang atensyon ko ay nasa loob parin ng room. Samu't saring paguusap ang naririnig ko. Mga magkakaibigang nagkakamustahan. Mga rich kids na nagyayabangan. Mga lalaki't babaeng naglalandian. Mga tahimik na ingay ng mga mukang libro na estudyante. Tipikal na mga uri ng tao sa loob ng room.

"Good Morning, class." Bati ng isang babaeng, sa tingin ko'y nasa mga 28 years old. Nagsitayuan naman silang lahat at binati rin siya.

Napadako naman ang tingin niya sakin dahil ako ang namumukod tanging nakaupo.

"You may now sit down." Sabi niya at bumaling uli sakin. "Looks like we have a new girl in our class. Would you mind introducing yourself?"

Tiningnan ko lang siya with my usual bored look at bumuntong hininga.

"Yes ma'am. I MIND introducing myself." bored kong sabi habang tinatanggal ang headphones ko at sinauli sa bag.

Halatang nagulat siya sa inasal ko dahil nanlaki ang mata niya.

"Just say your name, Miss." Sabi niya at ngumiti. Bakit ba nageenglish siya? Tch. squint emoticon

"Tingnan mo nalang sa listahan. Tsk squint emoticon ."

Sumimangot siya sa sagot ko. Bakit ba? Eh sa ayaw ko eh. Mapipilit ba niya ko? Nasa ilalim ng ideolohiyang demokrasya ang bansa natin so It's a free country, we can do what we want.

"If you don't want to introduce yourself. Ako nalang ang magpapakilala... I'm Ms. Tina Maghirang. You're Class adviser and English instructor." ani niya.

Di ko nalang siya pinansin at binalik ang tingin sa labas ng bintana. Hayst. squint emoticon Matagal pa ba bago matapos tong araw na to? Tsk. squint emoticon

The Vampire's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon