Chapter 13

53 5 0
                                    


Chapter 13: You don't know me

Devilon's Pov

*Poker Face*

"May oras ka pa para bawiin mo yang sinabi mo, Jiho."

"Ba't ko naman babawiin?" paghahamon niya. Napasabunot nalang ako sa kakulitan nitong lalaking to. Ugh.

"You don't know me, Jiho." Seryoso kong ani habang diretsong nakatingin sa mata niya.

"Kilala kaya kita..." sabi niya na para bang ito na ang pinakobvious na bagay sa buong mundo. Napasapo nalang ako sa noo ko. Wala talagang kwentang kausap to. squint emoticon

"Ni hindi mo nga ata alam buong pangalan ko!"

"Alam ko kaya, pati birthday mo, address mo—" nanlaki mata ko sa mga sinasabi niya. Alam ba niya na mukha na siyang stalker sa ginagawa niya. "—parents mo, trabaho nila, kapatid mo—" pinutol ko na kung ano pa man ang sasabihin pa niya.

"Alam mo ba yang ginagawa mo?" taas kilay kong tanong.

"FYI. Kung iniisip mong stalker kita, mali ka nang iniisip."

"Eh ano sa tingin mo dapat kong isipin sa lahat ng sinabi mo?"

"Tsk. Black naman! Sa pogi kong to? Stalker? Susyalan mo naman." Napairap nalang ako sa katwiran niya. Anong konek ng pagmumukha niya sa pag stalk niya sakin.

"Ewan ko sayo, wala ka talagang kwentang kausap." I crossed my arms saka pumikit uli at nakinig ng music.

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

"Hoy Black! Hatid na kita." Napatigil ako sa pagtapon ng tela ng marinig ko yung pamilyar na boses ng isang sira ulong lalaki. Uwian na namin at ako nanaman uli ang huling nasa room.

"Ayo—"

"Di ako nagpapaalam sayo. Ihahatid kita sa gusto mo't gusto." Napairap nalang ako sa kakulitan nito at tinapon na yung tela. Gaano ba kahina yang utak niya at di siya makahalata na ayaw ko sakanya? squint emoticon

"Bakit mo ba kasi ako ihahatid, ha?" Sabi ko at pumamewang.

"Bakit mo ba kasi kailangang itanong kung bakit kita ihahatid, ha?" at pumamewang rin siya. Ugh! Saan ba pinaglihi yang lalaki na yan at napakakulit? squint emoticon

"Eh, bakit kailangan mo ring itanong kung bakit ko tinatanong kung bakit mo ko ihahatid?" huh! Two can play that game. Napakamot naman siya ng ulo na kinangisi ko naman. Ano? Wala kanang masabi? *smirk*

"tch. Di ba pwede ihatid nalang kita? Dami pa kasing tanong eh."

"Ayok—''

"Di nga ako nagpapaalam eh!"

Argh! Pigilan niyo ko mahahagis ko yan sa Neptune! squint emoticon upset emoticon

"Umuwi ka na."

"Dun pa bahay niyo ah?"

"Alam ko."

"Edi dun na kita ihatid."

Argh! Di ba talaga siya makintindi ng simpleng salita? squint emoticon

"Uwi na nga!"

"Ayoko!"

"Uwi!"

"A-yo-ko. AYOKO!"

"Hayst! Ba't ba ang kulit mo?!"

"Mas makulit ka nga!"

"Ugh! Ewan ko sayo! Gusto mo bang mashotgun ng tatay ko?" Napalunok naman siya sa pananakot ko. Tss. Wala naman diyan si papa, eh. Nasa ibang bansa.

"u-uhh a-ano... Okay ka na ba dito?" utal niyang sabi. Pft. May namumuo nang pawis sa noo niya. XD

"Di na ko bata, Jiho." Walang gana kong saad.

"Sige. Kita nalang tayo sa school. Babye!" at tumalikod na at mabilis na naglakad sa kabilang direksyon. Psh. Yun lang pala magpapauwi dun eh. squint emoticon di kasi siya pwede dun sa lugar namin. Puno ng bampira dun. At baka kung anong isipin nila at may kasama akong tao.

"I'm home, Mom" tawag ko habang nagtatanggal ng sapatos.

"Oh, nga pala nak, tumawag ang papa kanina." Sabi ni mama pagkapunta ko sa kusina. Naabutan ko siyang naghahanda na ng hapunan namin. Di nalang ako nagsalita at dirediretsong pumunta sa kwarto ko at nagbihis. Bumaba na ko sa kusina at umupo sa upuan. Umupo na rin si mama at nagsandok na ng kanin.

"Uuwi na raw sila in 2 or 3 months."

"WHAT?!"

"Lower down your voice, Layce. Nasa harap ka nang hapag." Galit na saad ni mama.

Napayuko nalang ako at masamang tiningnan yung pagkain ko. Bakit kailangan pa nilang bumalik? Tsk.

The Vampire's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon