TVS: "The Vampire's Secret"
Chapter 17: Convo
Jiho's PoV
Matatapos nalang yung lunch pero di ko parin nahahanap yung babaeng yun. San ba kasi siya nagsususuot at halos halughugin ko na ang buong school pero di ko parin siya makita? Napagdesisyunan kong sa likod ng school naman maghanap. Nakalagay sa bulsa ng pants ko yung kamay ko habang naglalakad papunta dun nang biglang may tumulak sakin at sinandal ako sa pader.
"What then hell did you do to me!" galit niyang saad habang mahigpit niyang hawak ang kwelyo ko.
' Ang cute pala niyang magalit.'
Tiningnan ko yung KAMAY niya-- walang gloves-- na nakahawak sa kwelyo ko at sumulyap naman sakanya at ngumisi.
"Anong nginingiti-ngiti mo jan!" Nanlilisik na yun mata niya at lalong humigpit yung hawak niya sa kwelyo ko.
'Hinahawakan niya ko! Hinahawakan niya ko!'
"Alam mo siguro na hinahawakan mo ko, Black nuh? Wala kang gloves." Saad ko. Tumaas naman ang kilay niya. Tiningnan niya yung kamay niya at nanlaki ang mata.
' Haha! Ang cute niya talaga.'
Dali dali naman niya tinanggal ang pagkakahawak sa kwelyo ko at kumuha ng sanitizer saka naglagay sa kamay. Nakatayo lang ako sa harap niya habang pinapanuod siya.
"Ang cute mong magalit, Black. Haha!" sabi ko at sumandal sa pader. Marahas naman siyang bumaling sakin na masama ang tingin.
"Ugh! You're so annoying! Walang hiya kang lalaki ka! Pinagsamantalahan mo ko! Purket wala ako sa sarili ko kung ano anong kababalaghan na ginawa mo saking hinayupak na lalaki ka!" bulyaw niya habang pinaghahahampas niya ko nung librong hawak niya.
"A-aray... saglit lang.. ouch! Ohy! Anong... arayy! Pinagsamantalahan?" sabi ko habang sinasalag yung hampas niya. Seryoso! Ang sakit! Napakamaton naman nitong babaeng to.
"Magmamaang-maangan ka pang letse ka! Sabi ni Nurse Cha ikaw ang nagpaligo saking gago ka!" at inumpisahan nanaman niya kong hampasin. Namula naman ako sa sinabi niya. Eh ano ba naman kasing magagawa ko? Nagpapanic na po ako nun tas ayaw pa niyang magpahawak kay Nurse Cha.
"Eh ayaw mo naman kasing magpalapit kay Nurse Cha anong gagawin ko?"
*Pak*
"Aray naman, Black! Ang dami na nun ha!" sabi ko at hinawakan yung batok ko. Tsk. Battered husband naman ako nito.
"Kahit na!" namumula na siya ngayon. Ewan ko lang kung sa galit ba o kahihiyan.
"Psh. Wag ka na ngang OA. Di naman kita hinubaran na hubad na hubad talaga." Pinaghahahampas nanaman niya ko at tili ng tili. Aish! Ang ingay naman nito.
"Whaaaa!! You don't have to say that you pervert!"
"Ohy! Pervert ka jan?! Kaya ako ang nagpaligo sayo kasi di ka naman nagreklamo nung ako ang humawak sayo nuh. Pag si Nurse Cha naman ayaw mo, saka baka lumala pa yang phobia mo pag siya pa ang umasikaso." Tumigil naman siya at sinamaan ako ng tingin. Kunot na kunot yung noo niya at naniningkit yung mata niya na pula. Bat ba ang ganda nito kahit galit?
"Argh! Whatever!" sabi niya at naglakad na papalayo. Hinabol ko naman siya at sumabay sa paglakad.
"Stop follow—"
"Pinuntahan ka pal ang tita mo kanina, di mo sinabi na pamangkin ka pal ang mayari ng school." Pagpuputol ko sakanya.
"Di ka naman nagtanong." Napakabipolar naman nito. Kanina galit na galit tas ngayon napakakalmado. Napatigil naman siya sa paglalakad.
"You know her?!" sabi niya at nanlaki ang mata.
"Yeah. Kinausap niya ko kanina."
"W-what did she s-say?"
"Pakasal na daw tayo." Sabi ko at ngumisi.
*Boogsh*
"A-aray! N-napaka brutal mo naman asawa ko." Pano ba naman sinikmurahan ako gamit yung libro. Kawawa naman ang married life ko. Huhu. T^T
"Gago! Kasal ka jan! Umayos ka nga! Ano nga sinabi niya?! Saka wag mo kong maasa-asawa jan kung ayaw mong maranasan makapunta sa Jupiter!"
"Yun nga yun... tanong mo pa siya." Sabi ko na hirap pa rin huminga. Nakahawak ako ngayon sa sikmura ko. Ang lakas talaga ng kamay nito.
"Aish! Wala talagang kwentang kausap." Inis niyang sabi at iniwan nanaman ako.
Nako! Pahard to get pa talaga to eh. Deep inside crush na ko niyan. Pustahan pa tayo readers. Pabebe lang talaga yan si Black. Haha!
![](https://img.wattpad.com/cover/72347574-288-k562776.jpg)
BINABASA MO ANG
The Vampire's Secret
VampirJust wanted to have a normal highschool life even as a vampire. Devilon Layce Black, attended Predenon Academy hoping for a peaceful school year. But everything turned opposite of what she hoped for when she kissed a neck of a stranger, specifically...