Chapter 16

53 6 0
                                    

  TVS: ''The Vampire's Secret''

Chapter 16: Nephew-in-law?

Jiho's PoV

Nauunang naglalakad si tita—uhm... yung tita ni Black habang ako nama'y kabadong nakasunod sa kanya. Papunta kami sa office niya at kakausapin niya raw ako. Grabe! Nakakatakot yung aura niya, napakaseryoso, kaparehong kapareho ng kay Black. Nasa dugo na siguro nila yun.

'Pano kung isuspend ako ng tita niya?' isip ko

'Pano kung malala at idrop ako dahil sa ginawa ko sa pamangkin niya?'

'Pano kung paghiwalayin niya kami at pagbawalan niya relasyon namin? Nako patay na!'

'Wala naman kasi kayong relasyon.' Sabi ng konsensya ko.

'Shut up ka nalang!' tss. Nababaliw na ko. Naputol ako sa pagiisip nang tumigil si tita—ni Black. Nasa tapat na pala kami ng opisina niya.

Pumasok na kami sa office niya. Dumiretso naman siya sa desk niya at umupo sa upuan.

"Take a seat." Seryosongs abi niya at tinuro ang upuan sa harap ng desk niya. Umupo naman ako at sinimulang pagkiskisin ang hintuturo at hinlalaki ng kanang kamay ko. Tsk. Kinakabahan talaga ako. Pero teka... malinis ang intensyon ko. Tama! Inose—

"Ahy! INOSENTE AKO!" Gulat kong nasabi nang biglang tumikhim si tita—tita ni Black.

"Uhuh?" at tumaas ang kilay niya.

"Ahehe... nagulat lang." sabi ko at nagkamot ng ulo.

Tumango naman siya at nagpatuloy sa pagsalita. "So you're the one who cleaned my niece." Napatayo naman ako at mabilis na nagsalita.

"Ay, ma'am! Promise! Wala po akong masamang ginawa sakanya! Malinis ang intensyon ko!" Pagdedepensa ko with hand gestures pa kaya sigurado mukha ko timang.

"Hahahahahahaha!" napatigil naman ako nang tumawa siya. Awkward naman akong tumawa para makisabay sakanya. Aish... may saltik ata tong aunt-in-law ko.

"Ahe-he-hehe... bakit po?" unti-unti naman siyang tumigil sa pagtawa at pinunasan yung luha na namumuo sa gilid ng mata niya.

"Nothing, it's just that... you're so defensive and all. So you think I'm gonna scold you for doing that?" Tumango naman ako at tinigil na yung pagkiskis ng daliri ko. Grabe talaga sila... nakakanose bleed ang pageenglish.

"I'm not. So kumalma ka na." she said and flashed her sweetest smile. Aish nahahawa na ko sa pageenglish nila.

"So, bakit niyo po ako pinapunta dito?"

"Oh... I'm here to talk to you, nephew-in-law. Kung meron mang ganun sa family tree." At kinindatan niya ako.

What the hell?!

~*~*~*~*~**~*~*~*~*~**~*~*~**~*~

Naglalakad ako ngayon sa hallway papunta sa clinic. Di mawala yung ngiti sa aking labi mula pa nung lumabas ako sa office ni Tita. Yup! Tita na daw ang itawag ko sakanya. Oh diba? Permisyon nalang sa mama at papa niya at magpapakasal na kami ni Black.

Tumigil na ko sa tapat ng pinto ng clinic at pumasok na. Pumunta ako sa kama ni Black pero nagulat ng wala na siya dun.

"Nurse Cha! Asan si Black?!" Sigaw ko habang hinahawi lahat ng kurtinang nakatakip sa bawat kama dito sa clinic.

"Lumabas na sya kanina lang. Sinabihan kong mapahinga muna siya pero nagpumilit eh."

Napasabunot nalang ako sa nalaman ko. Aish! Ano bang pumasok sa kokote ng babaeng yun at umalis agad?

"Nako, Jiho, lagot ka pala. Paggising niya kanina hinahanap ka niya—" napangiti naman ako. "galit na galit." Napawi naman ang magandang ngiti ko sa labi sa sunod na sinabi ni Nurse Cha.

"Tsk. Okay na yun atleast hinanap niya ko diba. Nasabi ba niya kung saan siya pupunta?"

"Wala, basta umalis nalang."

"Ahh, salamat Nurse Cha." At lumabas na ko ng clinic.

'San ko naman hahanapin yung babaeng yun? Lunch time na rin pala, sa room nanga nila ako magumpisang maghanap.'

Pumunta naman ako sa room nila pero wala siya. Kaya sunod naman akong pumunta sa music room pero wala rin siya. San ba nagpunta babaeng yun? Wag niya sabihin na nanlalaki siya, nako! Matatanggalan ko ng mukha kung sinong lalaking yun.  

The Vampire's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon