HIS POV
Hindi ako nagkakamali, si Chandria yun!
Hinabol ko ang babaeng naka-floral dress.
"Chandria!" At hinawakan siya sa braso.
"Excuse me?" Mataray niyang sabi sabay alis ng pagkakahawak ko sa braso niya.
"Sorry miss." Then she left.
Nababaliw na naman ako.
Lagi ko nalang kasi nakikita ang mukha ni Chandria dahil siguro miss na miss ko na siya.
Bumalik nalang ako sa office, pagkatapos mag-take out sa isang fast food chain.
Four years have passed, pero hindi ko pa makalimutan ang sakit ng pag-iwan niya sakin. Pero kagaya ng promise ko sa sarili ko, I will not give up on her.
Oo naging gag* ako pero iba na ang dati sa ngayon.
"Tol! Musta?" Bati ni Neil na nagpabalik sa ulirat ko.
"Honestly tol? Hindi eh." I sighed.
Umupo na muna siya sa harap ng table ko habang ako napahilot sa sentido ko.
"Parang nakita mo na naman siya noh?" Tumango ako bilang tugon.
"Nako tol masama na yan, gutom lang yan. Kumain ka na nga." Sabi niya na tinanguan ko naman.
"Baka nga tol. Sige samahan mo na ko."
"Sige sasamahan kita basta sumama ka rin mamaya sa party ni James ah?"
"Tol alam mo naman yung sagot ko diyan di ba? Nagbabagong buhay na ko."
"Ano ba tol? Apat na taon na ang nakakalipas. Hindi na babalik yon."
"Babalik siya! So kung wala ka rin naman magandang sasabihin, umalis ka nalang!"
"Ok. Chill bro. Aalis na ko. Bye. Just text me if you ever change your mind."
At umalis siya. Napahawak nalang tuloy ulit ako sa sentido ko.
Matapos kasi ako iwan ni Chandria, hindi na ko bumalik pa sa bar na yon. Hindi na rin ako umiinom at nagpakabusy nalang sa trabaho.
Matapos kumain, naghalf-day nalang muna ako para makapagpahinga.
I stayed in my condo bago magising sa tawag ni Lily, anak ni Jasmin at Angelo.
Nagkaaminan din yung dalawang mokong na yun sa wakas kaya ngayon may isa na silang supling. We all forget the past and remain friends. Ginawa pa nga kong Ninong ng anak nila.
"Hi baby. What's wrong?"
[Can you fetch me here in school Nonong Pogi?]
"Yea sure baby. Wait me there ok? Don't talk to strangers."
[Thank you Ninong! Wuv you.]
"Ok. Wuv you too."
Dahil madalas nasa company ko yung Papa niya sa sobrang daming paper works at yung Mama niya naman nasa ibang bansa.
Workaholic yung dalawang yon, ewan ko ba.
Samantalang ako? Gustong-gusto ko na magkapamilya.
And when that time comes, itutuon ko lahat ng atensyon ko sa pamilya ko no matter what it takes.
Pagkarating sa school, inaya ko muna siyang kumain bago maglaro sa playground.
"Don't go too far ok?" I kissed her cheek.
BINABASA MO ANG
Si Mr.MP ?! (KathNiel)
Fanfiction"TRUTH hurts, but then again living in a world full of LIES is more painful"