HER POV
*sniff
*sniff
*sniff
Grabe naman maga na ata tong mata ko kakaiyak eh. Akala ko naman magiging happy itong first day ko pero naging WORST MEMORY NG BUONG BUHAY KO.
Gusto ko na bumalik dun sa dati kong friends. Bakit ba kasi gusto ko pang maranasan maging independent eh nandun na rin naman lahat ng kailangan ko? Ay nako Chandria! WRONG MOVE!
Pauwe na ko ng bahay ngayon naglalakad lang muna ako kasi gusto ko na munang mapag-isa at ayaw ko na rin kasing madamay pa yung mga kaibigan ko.
Flashback
"So pathetic isn't she?" Girl 1
"Yeah right. Ang lakas pa ng loob niyang sampalin si John ng ganun noh?" Girl 2
"Transferee kasi kaya ganyan." Girl 3
Bla bla bla
Hindi man ako nagsasalita pero pinapatay ko na sila sa utak ko. Mga pisti.
Magbulungan daw ba pero rinig ko naman ?
Pathetic? Psh. Umiyak lang pathetic na agad? Hindi ba sila umiiyak ?
Nakakainis naman hindi ko na alam kung saan na ako pupunta.
Ang sakit pa rin ng kamay ko. Letche talagang Estrada yun! Pinagbigyan ko lang siya.
Pero nanghihina na talaga ko. Sumasabay na naman ata yung sakit ko. Sh*t
Dali-dali akong pumuntang clinic.
Sobrang pula na rin kasi ng mata ko tsaka ng kamay kong parang mapuputol na sa sobrang manhid.
Nakikita ko pa rin silang tumitingin ng masama sakin tapos yung iba magpaparinig na naman. Nakakasawa.
Nag-music nalang ako tapos nag-earphone then cover my face with my handkerchief.
Pano ba naman kasi ako hindi pag-uusapan eh balitang-balita na sa buong campus yung nangyare. Lalong-lalo na yung:
"BECAUSE SHE IS MINE NOW"
Psh. Napabuntung-hinga nalang ako at lalong tinakpan ang mukha ko sa kahihiyan.
Pano nalang kapag sinugod na ko ng mga alagad ni Zharm? Speaking of----
Nandito na yung mga alagad ng espasol. Arg! Kailangan hindi nila ko makita.
Kakatingin ko kung saan sila papunta may nabunggo ako.
"HOW DARE YOU!"
*slap
Isang solid na sampal agad ang humarap sakin na dahilan ng pagkatumba ko. Aba!
Gagantihan ko na sana kaso tinapunan niya pa ko ng chocolate na hawak niya tapos kinuha pa yung spaghetti na hawak nung kaibigan niya.
"Yan ang nababagay sayo. Basura! Tabi!" sabay sipa pa sakin bago umalis.
"Tama na yan Ivy! Tara na" at hinila na nga siya palayo ng kaibigan niyang babae.
May girl version na rin si Estrada ? Aba matinde toh. Ivy pala ah.
Tumayo na ko dahil ramdam kong marami ng nakatangin sakin at pinagtatawanan ako.
BINABASA MO ANG
Si Mr.MP ?! (KathNiel)
Fanfiction"TRUTH hurts, but then again living in a world full of LIES is more painful"