Chapter 14

319 6 4
                                    

HER POV

After that incident, kahindik-hindik na mga sermon ang inabot ko sa parents ko, kay NayNay at kay Kuya Kristoff.

Days passed na nga at hindi na ako nakapag-exam kaya may special exam ako this coming week.

Wala na rin akong balita sa school kasi grounded ako for my punishment so I just stayed in our house.No cp, fb, twitter, insta, as in LAHAT! Ako pa pinarusahan eh kasalanan naman ni Angelo kung bakit may benda ako sa ulo ngayon. -_-

Yes, it was Angelo. The one and only who puts me in this fvcking situation.

ANGELO'S POV

The only son of Mr. Richard Buenavista and the only heir of all of his stuffs.

Sabe nila siya daw ang PINAKAMAYAMANG TAO SA ASIA , well yun lang naman ang opinion nila because for me we are just ordinary people, too.

Super close kami ni Daddy since Mom died. Kahit na maraming trabaho, he still make sure that we will always have our bonding time.

I get all I want, I have my own car, house, condo, etc. but there's one thing I can't have--MY FIRST LOVE. Alam ni Daddy ang lahat ng tungkol sa akin kasi I share everything to him even about my lovelife.

Like me, he was also angry to that woman who just left me behind so suddenly without any explanations. But as years passed by, I realized that everything happens for a reason so I want to hear her side, I want her back.

Nung una, ayaw ako tulungan ni Daddy kasi natatakot daw siyang baka masaktan lang daw ako ulit that's why I promised him one thing:

I want her back just to hear her side.

But I just said that para mapanatag siya kasi I don't know if I have already moved on from her. We hired some special investigators for us to know where she is. Nalaman ko na nandito siya sa Pilipinas kaya bumalik ako dito from Australia then enrolled to her school.

"Son, get many bodyguards as many as you can para naman--"

"Dad, malaki na po ako. I can handle this don't worry."

"Ok, just take good care of yourself. Bibisita nalang din ako diyan. Bye."

"Bye, dad."

End call.

This is my first day na and to my surprise pagpasok palang namin ni Manong Jerry ng sasakyan sa gate, ang dami ng tao. My identity was really hidden kaya nagugulat talaga ako sa mga nangyayari.

"Mukhang kailangan natin gawin yung Plan B, Sir" baling sakin ni Manong Jerry.

"Siguro nga po."

Since may isa kaming bodyguard na sinama, siya ang lumabas sa kotse para sa kanya mapunta ang atensyon ng lahat.

Isang nakakabinging tilian ang narinig ko paglabas ng bodyguard ko hudyat para sakin na lumabas sa kabilang door para makaalis na dito. Doon kami dumaan sa ibang gate para makapasok.

"Excuse me sir pero NO UNIFORM. NO ID. NO ENTRY!" Oo nga pala, nagpalit kami ng bodyguard ko ng suot. -_-

"Ah sir kasi transferee lang po ko, kakapasok ko lang po" Palusot ko naman. Kumagat ka please!

Tinignan niya muna ako mula ulo hanggang paa. Sa gwapo kong toh, hindi ba ko mukhang kapani-paniwala?

"Ah ganoon ba, sige sandali lang." Tumango naman ako. Pumasok siya sa loob tapos paglabas niya--

Si Mr.MP ?! (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon