Chapter 17

356 5 0
                                    

HIS POV

Pagkatapos ng pakulo ko, nag-bonding time naman kami with our friends. Puro pang-aasar nga lang natanggap ko kasi ang dami ko pa daw pakulo eh hindi naman daw naging kami.

"Eh sa manligaw nga daw kasi muna eh, pakielam niyo ba?!" asar kong sabi.

"HAHAHAHA! ASAR!" pang-aasar na naman ni Neil kaya binigyan ko lang siya ng death glare.

"Tama na nga yan! Atleast may chance siyang patunayan na hindi niya talaga ako niloloko noh!" natatawang sabi naman ni Chandria.

"Oo nga! Playboy pa man din yan, mamaya niloloko mo lang pala si Cha-Cha eh." dagdag pa ni Kiray.

"Malay naten, si Cha-Cha lang yung bagong babae sa listahan ni Estrada di ba?" dagdag naman ni Yen.

"Kaya nga, baka hindi pa nga nagbabago----"

"Pwede ba? Hindi niyo dapat hinuhusgahan ang isang tao dahil lang sa kung ano siya noon." putol naman ni Diego kay Julia. Yes! Tropa ko talaga toh. XD

"Kaya nga may kasabihang, past is past" dagdag naman ni Neil na parang kanina pa nangunguna sa pang-aasar sakin eh. -_-

"Tsaka ang nakaraan hindi na dapat pa binabalikan pero hindi mo naman dapat kalimutan kasi naging bahagi na rin iyon ng iyong kasalukuyang katauhan." madamdaming dagdag pa ni Allan. Binatukan ko nga.

"ARAY! MATAPOS KITANG IPAGTANGGOL---"

"HAHAHAHA THANK YOU KO YAN SA IYO!" Natawa naman siya tapos ginatihan ako. Nagbatukan kaming magbabarkada habang tahimik lang yung mga babae. Kaya nagsalita na ko.

"Alam niyo, hindi naman ako mag-e-effort ng ganito at mang-aabala ng ibang tao kung hindi lang din naman sa taong mahal ko, kaya sana tulad ni Chandria, bigyan niyo rin sana ako ng pagkakataon na patunayan ang sarili ko na nagbago na ko at bilang tropa naman tayo, sana pagkatiwalaan niyo din ako para magtagumpay ako sa misyon ko."

Nagtinginan lang yung mga babae habang yung barkada ko, binatukan na naman ako. Maya-maya lang bumuntung-hininga sila na nagpatahimik naman saming apat.

"Hay nako! Estrada talaga! kapag nasaktan lang itong kaibigan namin---" Kiray, sabay tayo.

"At umiyak ng dahil sayo----" Yen, sabay tayo din.

"At iiwan mo lang din katulad ng mga babae mo--" Julia, sabay tayo din.

"MAGHANDA KA NA NG KABAONG MO!" sabay-sabay na bulyaw nila sakin.

"Opo, opo ma'am!" Hands up ko namang sabi sa kanila.

"Good." At sabay-sabay na silang nagsi-upo, habang yung iba tinatawanan na naman ako. Tinignan ko naman si Chandria na tumatawa na rin na kanina lang ay sobrang tahimik.

Maya-maya lang pagkatapos ng mga asaran at tawanan nagkayayaan na ring umuwi. Hinatid ni Diego si Julia, si Neil naman si Yen tapos si Allan si Kiray at syempre ako ihahatid si Chandria para personal na humingi ng permiso sa family niya. Wala na naman pala si Ranz kasi minsanan nalang siya sumama samin.

Pinagbuksan ko siya ng pinto sa may shotgun seat habang ipinapasok yung mga balloons, flowers, tarpaulins, stuff toys etc. sa likod. Pumasok na rin ako sa driver's seat pagkatapos at nagsuot ng seatbelt. Nakatingin lang si Chandria sa malayo kaya ako na kumuha ng seatbelt at ni-lock ito.

Si Mr.MP ?! (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon