ALLAN'S POV
Maaga akong pumasok kasi may pag-uusapan daw kami ni Ivy. Yung babaeng yun kahit kelan napaka-spoiled brat talaga.
Tinakot ako na sasabihin niya kay Chandria lahat ng narinig niya, kaya wala na kong nagawa pa.
Flashback
"Kuya, nandito na siya ulit sa buhay mo. Ano pa bang hinihintay mo?" tanong ni Ranz sakin habang nasa isang classroom kami na wala ng mga tao.
Napabuntung-hininga nalang ako kasi tama naman siya, ano pa bang hinihintay ko eh nandito na mismo sa harap ko yung taong mahal ko?
"Ano hahayaan mo nalang siyang makuha ng iba Kuya?! NAPAKADUWAG MO TALAGA!"
*boogsh
"Wala kang alam!"
Nagsuntukan kami sa hanggang sa mapagod kami.
"Salamat."
"Wala yun, Kuya."
Nagtitigan kami mata sa mata na parang nagkakaintindihan na kami kahit hindi nag-uusap.
Simula ng maging step brothers kami, nakasanayan na namin na sa ganyang paraan kami magkakaintindihan.
"Pero hindi mo naman mapipilit ang isang tao na mahalin ka lalo na't hindi ka naman niya maalala."
Alam naming pareho na hindi na talaga ako naalala pa ni Chandria bilang kababata niya at dahil yun sa sakit niya.
"Kuya, maraming paraan. Edi ipapaalala mo sa kanya kung sino ka sa buhay niya dati."
"Hindi lang yun ganun kadali kasi maguguluhan lang ulit siya at ayoko naman mangyari yun kasi nakikita ko namang masaya na siya."
At sakto namang napalingon kami sa dalawang tao sa labas na dumaan lang na masayang nag-uusap at nag-aasaran, si Chandria at John.
"Kuya, nag-promise ka kay Ate Chandria Mae di ba?"
Oo nga pala, nag-promise ako sa Ate ni Chandria na hindi ako susuko sa kanya.
May Ate si Chandria pero patay na dahil sa isang car accident. Nung una litong-lito ako kung sino ang tunay na Chandria hanggang sa nalaman ko na kambal pala sila.
Sa sobrang shock, hindi ko na maintindihan ang nangyayari hanggang sa binigyan ako ng isang sulat.
Dear Kyle,
I'm sorry for being too selfish. I'm sorry dahil hinayaan kong mahulog ang loob ko sayo kahit na alam kong nagiging malalim na ang pagkakaibigan niyo ng kapatid ko and I'm aware na you already had feelings for her.
I took advantage everytime she can't remember anything, then that's the time I will pretend to be like her when I'm with you since kambal naman kami.
Sabi nga nila, WE'RE ALMOST THE SAME na kaya maraming nalilito saming dalawa dati, parents nalang ata namin ang hindi.
Hindi ko alam kung paano at kailan pero iba talaga ang saya ko kapag ikaw ang nakakasama ko sa tuwing nakakaalala na naman ako.
I can remember all things even the smallest part that makes me whole again.
Thank you for giving me a chance of loving you and made me realize how beautiful life is.
Thank you for loving my sister and I will hope you'll never stop and give up on her kahit alam kong alam mo na yung sakit naming dalawa.
I know you're very special to my little Chan-Chan, too kaya ikaw na ang magbantay at mag-protekta sa kanya habang wala ako ah?
I trust you, Kyle. Please don't give up on her even if it will take years for her to remember everything ok?
Pinky promise ok? :)
I will always here for the both you. And always remember that I will always love you.
-Chandria Mae.
"Oo nga pala, yung pinky promise ko sa kanya...."
"Pero Kuya, we all have our choice. Wala namang may kagustuhan na magkasakit siya ng ganun, di ba? Miski ako."
At napalingon naman ako sa kanya na nakatingin lamang sa kisame.
May gusto din siya kay Chandria, yun ang sabi niya sakin simula ng magkabungguan sila nung first day.
Nung una, dedma lang ako hanggang sa ituro niya sakin kung sino ang Chandria na tinutukoy niya.
Naisip ko kasi, marami namang Chandria sa mundo, may kambal pa nga eh kaya hindi ako agad umasa.
Pero nung makita mismo ng dalawa kong mata ang babaeng tinutukoy niya, doon ko napagtanto na iisa lang ang babaeng gusto namin.
"Tama ka walang may gusto pero kahit ganto ang nangyayari, mahal na mahal ko pa rin talaga si Chandria, mahal na ---"
"I knew it." At biglang niluwa ng pintuan si Ivy Legazpi.
Parehas kaming napatayo ng kapatid ko, "ANONG GINAGAWA MO DITO?!"
"Wala naman. Pero may narinig kasi akong something interesting dito eh." sabe niya ng parang nakakaloko.
"So gagamitin mo na naman yung mga naririnig mo pam-black mail ng ibang tao?" inis kong sabi dahil for almost 5 years na kasama namin siya sa barkada hindi na maikakaila ang pagka-spoiled brat niya lalo na at pinsan siya ni John.
"Good suggestion bro. Sige see yah!"
Nagkatinginan nalang kami ng kapatid ko at napabuntung-hininga.
End of flashback
Maya-maya lang nakita ko na siyang papalapit sakin.
"Oh ano na naman ba kasi yung ipapagawa mo?"
"High blood ka? Baka gusto mong sabihin ko yung mga narinig ko kay Insan?"
Hindi naman sa natatakot akong malaman ni Chandria ang lahat. Ayoko lang na masira ang friendship namin ni John kapag nalaman niya pa ang lahat.
Para sakin kasi ok na yun na hindi niya man niya ako mahalin pabalik basta maalala niya naman ako bilang "Kyle", as her chilhood friend.
"Good. Silence means yes. See yah mamaya sa gym"
"Huh?! Gym? Anong gagawin?"
"Tanga lang? O tanga na talaga? Ano ba ginagawa sa gym?"
"Basketball?"
"Oh yes! You will play basketball later."
"Bakit? At para saan? Matagal pa naman sportsfest ah?"
"Wag na kasi magtanong pa, basta you have to defeat him para mapaamin ko siya." Kaming magbabarkada kasi ang nagpapanalo sa school pagdating sa basketball.
"Mapaamin? Him? Si Angelo ba?" wala kasi atang maitatagong sikreto tong babaeng toh kaya nalalaman namin agad kung sinong gusto/mahal niya.
"Shhhh!! Quiet! Mapaamin kung totoong may nararamdaman na siya kay..ano..uhmm ano ba yung name...Ca..Chandrica? Basta yun."
"Kay Cha-Cha?!" gulat at di-makapaniwala kong sabi.
"Wag OA. Papaaminin palang naman and how I wish na NO ang sagot niya, sige bye na talaga!" at tuluyan na nga siyang umalis.
Ang spoiled brat nga naman, she always get what she wants. Pati sa lalaki handang gawin ang lahat.
Pero sabagay, ganun naman kapag nagmamahal di ba? Hindi ka susuko hangga't may pag-asa dahil mahal na mahal mo siya.
~
Whew! Sorry natagalan, nagkataong midterm kasi eh. Hehehe pero chapter done na :)) More vomments for next update. Thank you :*
BINABASA MO ANG
Si Mr.MP ?! (KathNiel)
Fanfiction"TRUTH hurts, but then again living in a world full of LIES is more painful"