HER POV
After 1 year ng scenario namin sa condo, kinulit na ko ng kinulit ni John pero pakipot ako. Maria Clara lang ganon.
Pero minsan pag nagkakaayayan, no choice na kasi madalas sine-set up kami ng mga mokong kong kaibigan at pinsan. Katulad ngayon.
"Ohh gising na pala ang prinsipe eh" Asar na naman ni Diego sabay subo ng kanin sa bibig niya kaya nagtawanan lang kami. Antukin pa rin kasi si John at siya na naman ang huling nagising.
"Oh tara na kaen na dito sure ako gutom ka na kasi hindi ka pa naman nag-almusal kanina" Yaya ni Julia kay John pero umiling lang ito.
"Ahh sige salamat nalang."
Nandito kami ngayon sa beach house nila Neil para sa isang reunion. Kaya din ako napapayag umuwi ng Pinas ay dahil sa reunion na ito na ang tropa ang organizers.
Matapos ng kainan gamit ang kamay eh nagsilusong na naman sila sa pool habang kaming girls nagtatago pa sa araw dahil sa sobrang init. Si John naman mukhang tulog na naman dahil nagpaiwan.
"Wala ka bang balak maligo?" Tanong niya sakin na nagpagulat sakin. Akala ko kasi tulog siya.
"Ha? Ako ba kausap mo?"
"Oo."
"Meron. Maglalagay lang muna ako ng sun block." Sabi ko pero hindi ito nagsalita kaya nagkibit balikat nalang ako.
"Hey Cha! Tara na! Bonding na tayo namiss ka namin eh." Sigaw ni Yen habang hinihila na ko ng ibang girls papunta sa beach.
"O-okay wait." At tinanggal yung pang-cover ko sa two-piece swimsuit ko.
"Nice body girl. Oooh Sexy lady" Kanta pa ni Kiray kaya nagtawanan kami. Patakbo na kami sa beach ng hilain ni John yung kamay ko.
"Ah bakit?" Tanong ko pero hindi ito nagsalita. Tinaasan ko siya ng kilay kahit hindi ko alam kung nakikita niya ko.
"Uy! Anong problema mo? Bitawan mo ko." Pero hindi pa rin ito umiimik kaya nainis na ko. Naiwan na tuloy ako ng ibang girls.
"Ha? Ahh eh sorry bat kasi ganyan suot mo??"
"Eh bakit?? Dapat ba naka-dress??"
"H-hindi naman pero kasi pagtitinginan ka niyan. Ito oh suotin mo." Sabay hubad niya ng tshirt niya at isinuot sakin.
Napalunok ako ng hinubad niya yon mismo sa harap ko. Nakita ko ang pagbabago sa katawan niya. Nagkaroon ito ng mga muscles na halatang naggi-gym din siya.
Kaso seriously?! Nag-swim suit pa ko pero tatakpan lang din pala?! Arg.
"P-pero-"
"Kapag tinanggal mo yan bubuhatin kita paalis sa beach." Banta niya kaya wala na kong nagawa pa.
Hindi pa rin pala nagbabago tong lokong to. Conservative pa rin.
Pero mas nagulat ako ng hawakan niya ko sa kamay at lumusong na rin sa tubig.
"Uhhmm kung ung hanapan nalang ng piso?" Suggest ni Kiray pagkalusong namin.
"Mahirap yun anu nalang yung sasakay sa balikat tapos maglalaban" Aya naman ni Yen.
"Pssh wag yun mamaya may magkasakitan pa eh" Allan
"Wala yan wag lang magpakatanga para di masaktan" Neil
"Epal yung bata diyan.. wag na mataya-taya nalang" John
"Mas epal ka" Neil ulit
"Hephep yun nalang kasi GIRLS VS. BOYS naman eh o baka natatakot lang kayong matalo namin boys?" Pagbabanta ni Yen.
Ayyshhhh nagkatinginan lang lahat tapos---- "GAME!!!!!!!!!!!!!"
Nagsimula na ang laban at sakto lang 4 versus 4.
"Wahaha isa nalang at magiging slaves na rin namin kayo girls" Pang-aasar ni Neil ng sunod-sunod na natalo ang girls ng boys.
"Wag kang magsalita ng patapos Neil kayo nga lampa eh si Daniel lang naman nagpapanalo sa inyo bleh" Sabay belat ni Yen
"Let's see" Sabay smirk naman ni Neil.
Tong mga love birds na toh umeksena pa XD
Nang magsimula na ulet ang laro napatumba na naman nila Yen sila Neil.
"Haha LAMPA !!!"
"Ahh ganun"
At nahulog sila pare-pareho kasi nanduga si Neil kiniliti si Kiray kaya nabitawan si Yen.
"Ang duga oh !!" Yen
"OO nga ang duga niu" Kiray
"Walang ganunin Neil" Julia
"Osha sige ulet nalang ulet wag pikon Neil" Allan.
"Psh. OO na" Neil.
Natapos ang laro sa score na 4-0 kaya kinagabihan kami lahat ang nagluto, naglinis, naghanda ng makakain sa beach house.
Matapos maglaro nagkakayayaan mag-inuman. Syempre hindi mawawala ang truth or dare at beer pong.
"Woooooo! Ang sayaaaaa!" Sigaw ko habang nakataas pa ang mga kamay. Ngayon na lang ulit ako nakainom ng ganto. Pagbigyan. Akmang painom na ulit ako ng kunin ni John ang baso at ininom yon.
"Maduga ka! Akin yun eh!" I pouted.
"Tama na yan, marami ka ng nainom oh. Magpahinga na tayo." Nang akmang hahawakan na niya ko, nag-cross arms lang ako.
"Hmp! I don't like."
"Aha, ayaw mo ah." Sabe niya na parang nagbabanta kaya naman tumakbo na ko para makalayo pero sa kasamaang palad-
"Ahhhhh!"
Nahulog ako sa pool. Taragis naman! Hindi pa naman ako marunong lumangoy. Narinig ko pang sinigaw nila ang pangalan ko pero hindi talaga ako makaahon.
Mamamatay nalang ba kong ganto? Hindi pa nga ko umaamin kay John!
Pabebe ka pa kasi eh!
Aish! Oo na. Aawayin daw ba ang sarili?
Habang inaalala ko yung mga moments na siyang ko habang kasama si John eh lalong dumidilim ang paningin ko. Di ko ba nasabing na malalim ang pool dito?
Hayst. Ito na talaga nararamdaman ko ng nawawalan na ko ng hininga. Goodbye world! Goodbye-
When suddenly someone kissed me and I also kissed back eh kasi nga masarap! Haha.
Kasi kapag di ko siya kiniss pabalik hindi ako makakahinga alam kong exagge pero wag niyo kong sisihin kasi first time ko lang sa tanang buhay ko ang makipaglaplapan hahaha. Joke! I'm just saving my life.
Pero paker first kiss ko yun ah! Hayy life.
Pero yaan na kesa naman mamatay ako ng di umaamin kay John di ba? Kaya thankful na rin ako dito sa kiss stealer na to.
Panaginip lang kaya lahat ng nangyare??
Then everything went black.
BINABASA MO ANG
Si Mr.MP ?! (KathNiel)
Fanfiction"TRUTH hurts, but then again living in a world full of LIES is more painful"