Chapter 20

332 8 6
                                    

HER POV

Ang bipolar talaga ng taong toh. Minsan mabait, minsan malambing,minsan naman tatahimik tapos ngayon kinakaladkad na ko na parang batang pagagalitan ng tatay niya.

"AISH!" Sabi niya sabay bagsak nung kamay ko. Oh tapos ngayon galit na?

"Ano bang problema mo?!" Irita kong sabi sa kanya.

"IKAW! ANG HIRAP BANG MAINTINDIHAN NUN?!"

"AKO?! Ok, if this is about the hindi-mo-ko-kilala thing. Sorry!" I said with a tone full of sincerity then sigh.

"Sorry too, but it is not the issue here." sabe niya with a calm tone habang hindi pa rin nakatingin sakin. Ok? Anong pinagsasabi nito?

"Then what?"

He suddenly take off his polo shirt. Katulad kasi ng suot ko, parang nakapatong lang yung polo shirt niya sa white tshirt niya underneath.

Mas lalo tuloy nakikita yung muscles niya. Napaiwas tuloy ako ng tingin. Arg! Hindi ko talaga siya maintindihan kahit kelan. Nang-aakit ba siya or what?

Nagulat nalang ako nung naramdaman kong nasa likod ko na siya tapos nararamdaman ko yung mga daliri niya sa stomach ko.

Then the last thing I saw nasa waist ko na nakatali yung polo shirt niya. Eh? Ano yun? Gawin daw ba kong sampayan? -_-

Ito na naman yung feeling na hindi ko maintindihan. Kinikilig na naman ako na naiinis.

But before I could go back to reality, I saw him walking away. Tapos ngayon iiwan ako dito mag-isa?

So no choice, naglakad na lang din ako mag-isa. Alam ko namang papunta ng sinehan eh.

Pero habang naglalakad, bigla kong naramdaman sumakit yung tiyan ko. Hindi siya tawag ng kalikasan pero dahil siguro sa higpit ng pagkakatali ng polo shirt na toh sa waist ko.

"Ano bang gustong iparating ng taong toh? Mukha na tuloy akong ewan sa suot ko." sabi ko while just talking to myself.

I slowly unloosen the shirt pero bago ko pa ito mahawakan may pumigil na sa braso ko.

"Try to unloosen that shirt, I will drag you home." he said like a boss. Ok? So I just raised my eyebrow.

"Sige! Kung kaya mo!" Tinanggal ko na ng paunti-unti yung pagkakatali ng shirt niya kasi feeling ko anytime masusuka na ko sa sobrang higpit,eh kakakain lang namin di ba?

"WAAAAAAA! I HATE YOU ESTRADA! IBABA MO KO!!!" Bago ko pa kasi tuluyang matanggal yung shirt. Binuhat na niya ko na para lang siyang nagbubuhat ng ISANG SAKONG BIGAS.

I gave all my efforts and even shout out loud pero sobrang lakas niya. Naubos yung lakas ko hanggang sa hindi na ko nakapalag pa.

Nakita ko nalang na nasa parking lot na kami nung binaba niya ko.

"I told you." sabi niya with his teasing voice.

I'm still catching my breath kaya hindi na ako nakalaban pa.

"Ok you win. Hindi ko naman talaga siya tatanggalin eh. Luluwagan ko lang sana kasi iniipit yung stomach ko, eh baka masuka ako." sabi ko sa kanya habang medyo hinihingal pa rin. Nakatingin lang ako sa magiging reaksyon niya pero napa-smirk lang siya at binuksan yung kotse niya.

"Arg! Totoo yun! Ayoko pa umuwi John please??? Minsan na nga lang ako makapag-mall tapos--"

"Oh" sabay abot niya sakin ng bottled water. Oh, heaven nung nainom ko na siya. "Ahh...."

Si Mr.MP ?! (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon