~ Alexander Kyle Taylor ~
Napag-usapan namin ni Iris na umamin na sa totoong estado naming dalawa. Napag-usapan din namin na only for close friend na mapagkakatiwalaan. Wala na rin kasi dito ang tito niyang four eyes. Bumalik na sa US. Meron na daw kasing magbabantay sa kanya. At yun ang mga pinsan at ang kapatid niya. So may free time kaming sabihin sa kanila ang lahat.
Pumasok na ako sa room. Pagtingin ko sa upuan ko, di ko mapigilan ang sarili kong mapatingin kay Iris. Ewan ko lang, may sariling buhay siguro 'tong mata ko. Tsk.
Pagtingin ko sa kanya. Nakatingin din pala siya sa'kin.
*dug.dug.dug.dug.dug.* Mr. Heart.
Ano na naman ba'to? Napapadalas nato ah.
Umiwas agad kami ng tingin. Pumunta na ako sa seat ko na katabi niya. Wala siyang imik.
"Good morning!" Bati ko.
Paramg natauhan naman siya at ngumiti.
"Good morning! Masayang gising natin ah!" Sabi niya.
"Of course." Sabi ko at ngumiti.
Dumating na ang professor namin at bumati then nagturo na.
After 3 hours...
Break time...
Natapos na rin ang klase.
"Kyle, gusto mo sumabay?" Alok ni Iris. Kasama niya si Thea.
"Sure. Gutom na rin kasi ako." Sagot ko. Tumayo agad ako at kinuha ang kamay niya. Hindi ko alam kung bakit ginawa ko yun. Parang may naramdaman akong kuryente. Palagi nalang naman ito eh, sa tuwing magkadikit kami. Pero hindi pa rin ako sanay. Nawala kasi agad si Edward at Harry. Hindi man lang ako hinintay. Tsk.
~♥~
~ Iris Francine Smith ~
Nang natapos na ang klase. Inalok ko agad si Kyle na sabay na kami, para sabay na rin kaming umamin.
"Kyle, gusto mong sumabay?" Alok ko. Napansin ko kasi na wala sina Edward at Harry.
"Sure. Gutom na rin kasi ako." Sagot niya. Tumayo na siya at kinuha ang kamay ko. Parang may kuryente na dumadaloy. Ang lakas pa ng aking heartbeat.
*dug.dug.dug.dug.dug.* Ms. Heart.
Ano ba 'to? May powers ba ang kamay niya na every magkadikit kami parang may kuryenteng dumadaloy.
Hinayaan ko nalang siyang kaladkarin ako. Bakit ba ako nagpahila nito?
Pagdating namin sa cafeteria nagtinginan agad amg mga estudyante dito. Sikat kasi si Kyle, bilang leader ng DANCING TREBLEMAKERS. Sikat na ang kanilang grupo. Lahat ng member nito famous na. Kaya ito ako ngayon sumiksik sa braso ni Kyle. Hindi kasi ako sanay na maging center of attraction. Iniwan naman kami ni Thea.
Narinig kong tumawa si Kyle.
"Anong nakakatawa?" Tanong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Sweet Love
Teen FictionSunrise... We played together... Dumating ang araw ng pag-uwi nila, kasi nagbakasyon lang sila dito sa Pilipinas... We stop playing... Face to face... Then she gave me a locket... And she kept the key... Promising to each other, we get married and t...