~ Iris Francine Smith ~
Andito kami ngayon sa room. As usual, katabi ko si Kyle. Balita ko na naghiwalay na sila ni Jana. Bakit kaya? Hindi ko nalang siya pinansin.
Nakikinig nalang ako ni Ma'am. Ang hirap, kasi noon bestfriend mo siya. Bestfriend nga ba talaga? Bakit ganun siya? Okay lang naman sa akin eh. Basta mag-sorry siya.
~♥~
Break time na...
"Halikana." Sabi ko kay Thea. Tumango lang siya. Nauna akong maglakad. Pumunta ako or kami sa cafeteria.
"Wait lang bes, kakain na tayo sa cafeteria?!" Gulat na tanong niya. Simula kasi ng nag-away kami ni Kyle ay hindi na muli ako o kami kumain sa cafeteria. Bakit kasama si Thea? Kasi sabi niya dadamayan niya daw ako. Kawawa naman. Hindi niya kasi makikita si Teo. Crush pa naman niya yun.
"Oo, bakit? May problema ba? Doon naman tayo kumakain noon ah." Sabi ko. Pero totoo naman eh, dito kami kumakain noon. Kung pinoproblema niya kami ni Kyle, labas na siya dun. Sayang naman diba hindi niya makikita si Teo diba? Ipagkakait ko pa ba yun sa kanya?
Ang totoo, tuwing nakikita ko si Kyle, naalala ko lahat ng sakit. Hindi naman ako galit, sorry lang naman ang hinintay ko eh. Pero, ewan ko ba kung mapapatawad ko siya.
Pumasok na kami sa cafeteria. Lahat ng tao tumingin sa amin. Napatingin ako sa table namin. Lahat sila napatingin sa akin or sa amin rather.
Bakit? Hindi na ba ako pwedeng kumain dito? Parang nakakita sila ng multo o baka diwata. Char... Saan galing ang electric fan sa katawan ko? Hehe. 😃😃😃
Pumunta ako sa table namin. Miss ko na 'tong table nato. Halatang nagulat sila.
"Guys?" Sabi ko sabay kaway sa aking kamay.
"Oui, Iris. Long time no see." Natatawang sabi ni JR. Nasa kabilang section kasi siya. Natawa na rin kami.
"Buti naisipan mo nang kumain dito." Mataray na sabi ni Ate Aira.
"Nakakasawa na kasi sa tambayan eh. Naawa na rin ako kay Thea." Sagot ko.
"Upo na kayo." Ate Danna. Umupo naman kami ni Thea. Pero hindi ako tumabi kay Kyle. Tumabi ako kina ate pero kung minamalas ka naman. Nasa harapan ko siya. 😐😐😐
Nakayuko lang na parang nahihiya.
~♥~
~ Alexander Kyle Taylor ~
Break time na, nauna na ako kina Iris at Thea tutal baka sa tambayan sila kakain. Dumiretso na kami nila Edward at Harry sa cafeteria.
Pagkadating namin dun. Meron pa rin ang DT at SDB, except kina Iris at Thea. Nakaka-miss din pala sila noh? Lalo na si Iris. Alam kong nasaktan ko siya. Ano bang gawin ko?
BINABASA MO ANG
Sweet Love
Teen FictionSunrise... We played together... Dumating ang araw ng pag-uwi nila, kasi nagbakasyon lang sila dito sa Pilipinas... We stop playing... Face to face... Then she gave me a locket... And she kept the key... Promising to each other, we get married and t...