~ Iris Francine Smith ~
Pumunta na ako sa bathroom. Gumamit ako ng bathtub. Feel na feel ko. May roses pa 'to. Bali petals lang niya. I like it.
Natapos na akong maligo. Nagsuot ako ng dress. Trip ko lang.
Pumunta ako sa kwarto na tinulugan ni Kyle
"Kyle? Ready kana?" Tanong ko.
Lumabas na siya. Naka-tuxedo lang naman. Gwapo!
Teka! Nasabi ko bang gwapo? Yun? Gwapo? In his dream! Bakit ko ba nasabi yun?
Nakatayo kasi ang buhok niya. Naka-tuxedo. Ibang-iba siya! Mas lalong gumwapo!
Nasabi ko na naman? Joker lang talaga ako. Ganun.
"Matunaw na ako." Nabigla ako sa sinabi niya at bumalik na sa katinuan. I don't know, I'm staring at him. Bakit ba? Bigla ring uminit.
"Halikana nga!" Sabi ko. Nahiya na ako eh.
He chuckled. Cute! 😊😊😊
Lumabas na ako. Sumunod na rin siya. Tinawag ko si Manong Pedring. Driver namin.
"Manong! Ihatid mo naman kami sa bahay ni Kyle oh!" Sabi ko .
"Huh? Ma'am? Sino po si Kyle?" Tanong niya. Oo nga pala, Alex lang ang alam nila.
"Ah, sorry, Alex pala. And manong don't call me ma'am, para naman kasi akong matanda niyan eh. Iris nalang, mas comfortable pa ako." Sabi ko. Narinig kung natawa si Kyle nang marinig niya akong sinabi na 'para naman kasi akong matanda niyan eh'. Pati na rin si Manong natawa.
"Ok, ma– este, Iris pala. Sige na pasok na po kayo." Pumasok na kami sa sasakyan.
Buti nalang 30 minutes lang ang biyahe. Habang nasa biyahe. Nag-earphone nalang ako hanggang nakatulog ako.
~♥~
~ Alexander Kyle Taylor ~
Napansin kong kanina pa tahimik ang katabi ko. Paglingon ko nakatulog pala.
Inalis ko ang earphone sa tenga niya. Baka kasi mabingi. Slow na nga, bingi pa. Haha. Joke!
Pinagmasdan ko nalang siya. Ang bait niya talaga pagnakatulog. Haha.
Pero sa tingin ko hirap siya sa kanyang pwesto ngayon. Kaya, naisip kong kunin ang ulo niya at ni-rest sa shoulder ko. Ewan ko ba kung bakit ko ginawa yun. Basta napangiti nalang ako habang pinagmasdan siya.
After 5 minutes...
"Sir, andito na po tayo." Narinig kong sabi ni Manong Pedring.
Hindi ko namalayang nakatulog pala ako, at ang mas masaklap pa, naka-rest ang ulo ko sa ulo ni Iris na hanggang ngayon natulog pa. Hindi pa siguro siya completely na naka-recover sa kanyang hangover.
Hinintay nalang namin siya ni Manong na magising.
After 1 minute...
Nagising na rin siya.
Nakita kong lumaki ang mata niya. Siguro napansin niya kung saan siya nakatulog.
"Ay, sorry." Sabi niya.
Yumuko siya agad.
![](https://img.wattpad.com/cover/67904910-288-k777422.jpg)
BINABASA MO ANG
Sweet Love
Teen FictionSunrise... We played together... Dumating ang araw ng pag-uwi nila, kasi nagbakasyon lang sila dito sa Pilipinas... We stop playing... Face to face... Then she gave me a locket... And she kept the key... Promising to each other, we get married and t...