Break Up...

5 0 0
                                    

~ Alexander Kyle Taylor ~

Matapos kong marinig lahat mula kay Thea, hindi agad ako nakagalaw. Pero after a minute, nag-decide akong pumunta kung saan na-monitor ang cctv. Iniisip ko kasi kung kilala ko na ba yan si Jana? Iniisip ko rin ang sinabi ni Thea na kilala ko si Iris at hindi niya magagawa ang bagay na yun.

Nakarating agad ako sa security room.

"Excuse me kuya, pwede po ba makita ang camera sa likod ng school? May gusto lang po akong malaman." Me.

"Sorry Sir, pero hindi po iyon pwede." Sagot niya.

"Sige na kuya, please." Pakiusap ko at nag-puppy eyes.

"Aish! Sige na nga. Ano ang gusto mong makita?" Tanong niya. Yes! Effective, party, party!

"Thank you kuya. Diba kuya may nabugbog na babae dati?" Tanong ko. Tumango naman si Kuya. "Kaibigan ko po kasi ang babae yun at gusto ko na malaman kung sino ang may gawa nun." Sabi ko.

"Ito o." Ni-rewind naman ni kuya ang nangyari. Laking gulat ko na si Jana nga. Kasama niya sina Irene at Tanya. Habang pinanood ko ang nangyari, napayukom ang kamao ko. Bakit ba pinaniniwalaan ko si Jana imbes sa bestfriend ko? Hindi pa pala kita kilala... Jana.

"Salamat kuya. Yun lang po." Sabi ko. Tumango lang si Kuya.

Galit akong lumabas sa security room. Pumunta muna ako sa garden para magpalamig. Hindi ko ma-take ang mga nangyayari ngayon.

Iniisip ko kung, mapapatawad pa ba ako ni Iris sa kabila ng ginawa ko sa kanya? Bakit hindi niya sinabi? Ang daming tanong sa utak ko.

May tumawag sa akin ko na nagpainit muli ng ulo ko.

"BABE!" Kilala niyo na kung sino yan. Lumapit siya sa akin. Kapal din ng mukha niya noh? Sa kabila ng mga ginawa niya. Hindj na siya nahiya! Nakaka-badtrip. "Andito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap, nag-bell na pero hindi kita nakita sa room  kaya hinanap kita." Dagdag niya. I only gave her a cold stare.

Sweet LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon