~ Iris Francine Smith ~
Habang hinihintay ko si Thea. Bakit ba kasi lumabas pa siya eh may cr naman dito. May nagbukas ng pinto ng tambayan, hindi ba yun na-lock ni Thea? Hay, sige lang matagal ko na rinna hindi ito nagagawa, black belter kaya toh! Dahan-dahan akong lumabas ng kusina.
Laking gulat ko kung sino ang nandito.
"Kyle?" Sabi ko.
Tumingin naman siya. Oh my! Hindi nga ako nagkamali si Kyle nga. Anong gagawin ko?
"Anong ginagawa mo dito?" Cold na sabi ko.
"Hinahanap kasi kita at ng mga barkada natin. Asan pala si Thea? I thought kasama mo siya?" Kyle.
"Yeah, kasama ko nga siya. May call of nature lang." Cold pa rin na pagsagot ko.
"Bakit ba ang cold mo sa akin? May nagawa ba akong mali? Well sorry." Kyle. Paulit-ulit niyang tanong sa akin.
"Wala ka ngang–" Naputol ang sasabihin ko ng bigla siyang nagsalita.
"Wala akong kasalanan at ikaw ang may kasalanan? Alam ko na yan, pero bakit? Wala naman akong nakikitang mali sayo ah!" Sabi niya.
"Wala nga, pero ang sarili ko lang talaga ang may problema. Maaring hindi mo makita kasi ang manhid mo." Sabi ko, pero mahina lang ang pagkakasabi ko sa 'ang manhid mo'. Ewan ko lang kung narinig niya.
"Huh? Anong sabi mo?" Tanong niya. Buti naman! Hay, hindi niya narinig. 😃😃😃
Magsasalita na sana ako ng biglang pumasok si Thea. Pagpasok ni Thea ay agad niyang napansin si Kyle. Save by Thea! 😃😃😃
"Oh, Alex bakit andito ka?" Tanong ni Thea kay Kyle.
"Ah, hinahanap kasi kayo ng barkada. Kaya naisipan namin na baka nandito kayo sa tambayan, kaya nagpunta ako dito." Sagot niya.
Tumango naman siya. Magsasalita pa sana si Thea pero naunahan ko.
"Saan ka ba galing huh? Ang tagal mo ah." Sabi ko.
"Ay, sorry po. Madami po kasing bit- ay este girls dun sa cr." Sagot naman niya. Magsasalita pa sana siya kaya nag-bell na.
*kring.kring.kring*
"Halikana?" Sabi ko kay Thea. Tumango naman siya.
"Sige Lex, una na kami." Sabi ni Thea. Tumango nalang siya. Hay! Buti naman. Akala ko sasabay siya. Bakit ko ba naisip yun? >.<
Malamang hindi! Tsk. >_<Naglakad na kami ni Thea patungo sa room.
~♥~
~ Alexander Kyle Taylor ~
Tinanaw ko nalang silang naglalakad palayo ni Thea. Bakit? Hindi ko talaga siya maintindihan. Gusto kong magalit sa kanya, pero hindi ko magawa. Ano ba kasi ang dahilan mo? Huh? Iris?
BINABASA MO ANG
Sweet Love
JugendliteraturSunrise... We played together... Dumating ang araw ng pag-uwi nila, kasi nagbakasyon lang sila dito sa Pilipinas... We stop playing... Face to face... Then she gave me a locket... And she kept the key... Promising to each other, we get married and t...