🌸CHAPTER 18🌸

6.5K 248 1
                                    

CHRISTINE'S P.O.V

(Part lang to ni tine sa camping)

Ilang araw na din matapos yung camping namin

Okay okay nadin ako sa ginawa ni krystal

*FLASHBACK*

"Hey Ugly" sigaw ng kung sino man sa likod ko pero nag tuloy-tuloy lang ako
"Eyow!! Nerd panget" sigaw muli pero tuloy tuloy parin ako
"HOY!!!! NERDYYYYYY" malakas na sigaw at biglang may humila sa buhok ko at pwinersa akong iniharap sakanya

Nanlaki naman ang mata ko ng makita kong si krystal pala iyon kasama ang mga alipores niya gosh dito niya ba ko balak ipahiya? Sa harap ng mga schoolmate namin na sumama sa campin?

"Krystal ayoko ng gulo" Mahinahon na sabi ko na ikinangisi naman niya

"Ayaw mo ng gulo? Wag ka ngang painosente na parang wala kang tinatagong landi!" Aish bala sya tatalikod na sana ako ng bigla niya ulit akong sampalin sa right face ko aww ang lakas
Tumingin siya sa mga schoolmate namin ano ba talagang problema nito?
"Guys!! Itong babaeng ito *turo sakin* pasimpleng malandi yan! You know why? Lapit siya ng lapit kila pat!!!! Tas feeling nya girlfriend siya ni pat!! Alam nyo sinabi niya sakin? Na wag na wag ko daw malapitan si patrick or should i say NATIN! Wag nating malapitan si patrick" huh? WOW AS IN JUST WOW TALAGA wala naman akong sinasabi ah at dahil dun nag bulungan ang mga schoolmate namin

"Grabe akala ko mabait"

"Kala ko pa naman si krystal yung demonyita"

"Tsk feeler niya naman impossible naman na pumatol sakanya si pat"

Etc....

Aish mga uto-uto naman sila

Ang hirap sa mga tao kung ano ang parinig yun na agad ang paniniwalaan

"Siguro ganyan yung tinuturo ng mama mo sayo? Or baka naman nag mana ka lang sa kalandian ng mama mo" uminit yung dugo ko nung marinig kong dinamay niya si mama kaya nasampal ko siya ng pag lakas-lakas na ikinagulat ng lahat

"ALAM MO IKAW!! SUMUSOBRA KANA!! DESPERADA KA NA BA TALAGA HA!!! BINAPABAYAAN NA KITANG SAKTAN AKO O KUNG ANONG SABIHIN MO SAKIN !! PERO WAG NA WAG MONG IDADAMAY ANG PAMILYA KO DITO" gusto ko parin siyang saktan pero pinipigilan ko nalang yung sarili ko na saktan ulit siya dahil hindi ako kagaya niya

Nagulat ako ng may humawak sa mag kabilang kamay ko at hinawakan ng diretso yung mukha ko

"HOW DARE YOU!!! WAG NA WAG MO KONG MASAMPAL SAMPAL!!" pinag sasampal niya ko sa mag kakabilang pisnge ko at feeling ko nag kasugat yung mukha ko dahil pati yung kuko niyang mahaba gumagasgas na sa mukha binitawan naman ako ng mga nakahawak sakin at tinulak ako ni krystal ng malakas

Sa kamalasan ko nag kamali ang pagbagsak ko at sobrang sakit na naman ng paa ugh

Tumawa naman sila

"Ganyan ba kayong klase ng tao? Ganyan kayo kababa? Ganyan kayo kadesperada?!" Sunod-sunod at naiiyak ko nang sabi feeling ko anytime babagsak na ang mga luha ko pero ayokong makita pa nilang kong umiyak

Sisipain niya sana ulit ako ng biglang ..

Dumating si patrick at napatingin sakin napansin niya naman ata yung pamumula ng pisnge ko pati yung maga sa paa ko yung mga sugat ko at yung pag karoon ng basag sa salamin ko

Mukang naiinis si patrick pero imposible

Yan maiinis dahil nasaktan ako? Tsk in my dream kahit nga ata sa dream imposible itinayo niya naman ako pero dahil sa sobrang sakit ng paa ko napaupo ako at napahawak sa paa kong namamaga

Nagulat nalang ako ng biglang...

Binuhat nya ko

*dug dug dug

Aish ano ba tong puso ko?

Ang bilis sobra bakit ganun? Binuhat lang naman ako ni pat pero bumilis na? Aish bala na

Bigla syang lumapit kila krystal habang buhat ako

"Anong bang mga problema nyo ha!! Ganyan ba talaga kayo ka desperada!! Para sabihin ko sainyong apat walang kahit isa sainyo walang kahit sino samin ang magugustuhan kayo kaya kung pwede lang itigil niyo na to habang napipigilan kopa ang sarili ko" biglang may tumulong luha sa mga mata nila krystal  wow marunong pala syang umiyak? Pero parang walang paki si pat sa pag iyak nila "binabalaan ko kayo sa oras na saktan o kahit lapitan nyo pa ang girlfriend ko! ako ang makakalaban nyo! Tandaan nyo yan!!" Banta ni pat at nag bulungan naman yung mga dakilang chismoso at chismosa dun

"Totoo nga"

"Aww sila talaga"

"Grabe pumatol si pat sakanya"

"Baka niloloko lang din nya yan kagaya ng ibang babae nya daw"

"Hindi rin mula kase nung kay ellain yan nalang yung pinakilala nyang girlfriend salahat"

WOW KAILAN PA NYA KO NAGING GF HAYYYST?!

Napansin kong nairita naman si pat at balak ng lapitan yung babae

Sino yung ellain?

Pinigilan ko nalang si pat

"Pat.. Tara na please *sob*" naiiyak na sabi ko

Ang sakip ng dibdib ko aww siguro dahil nadin to sa sunod-sunod na pananakit sakin

Unti unting na kong napapapikit

At bigla nalang dumilim ang paligid

*END OF FLASHBACK

At yun nga ang nangyari


The Campus Nerd Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon