🌸CHAPTER 30🌸

6.4K 245 3
                                    

PATRICK'S P.O.V

Ang iingay naman ng mga studyante ngayon

Nag sisigawan

Nag bubulagbugan

Ugh anubang mga ginagawa ng mga to mga nag kukumpulan sila and i think may binubully na naman na studyante dito

Hayy sanay na ko sakanila bala sila diyan mag lalakad na sana ako papunta sa kung saan ng may tumawag sakin

"Kuya!!" Napatingin ako sa kung sino man at si klea pala na parang hinihingal
Imbis na mag salita ay hinintay ko na lamang ang susunod na sasabihin niya
"Kuya si… si c-christine" sabi niya na hinahabol pa ang hininga niya

"nakwento na ata sayo ni christine oo papalabasin na naming break na kami" tumalikod na ko at ready na sanang umalis pero nag salit muli si klea

"H-hindi yun!!" Sabi nito na hinihingal parin huminga siya ng malalin "kuya si christine tulu----" di ko na siya pinatapos dahil nakuha ko ang ibig niya sabihin dahil nakaturo ito sa lugar kung saan nag kaka gulo

"Tabi!!" Sigaw ko sa mga ito na nag sitigil naman at nakadaan ako agad

Bumungad sakin si christine na napakapula ng mga pisnge napakagulo ng ayos naka dapa na may mga sugat na din ito di ko alam pero umiinit ako ulo ko sa nakita ko nanginig ako sa galit dahil sa ginawa nila gusto ko silang saktan oo concern na nga ata ako dahil ito na naman ganiyan na naman ang lagay niya kung bakit kase hindi siya marunong lumaban tsk

Tumakbo ako palapit kay chrustine at agad itong binuhat bago kami tuluyang umalis napansin ko si krystal sa gilid na nakatingin lang tinignan ko siya ng masama pati ang lahat ng desperada kong mga fangirls na gumawa nito aalis na sana kami ng mag salita si krystal

"Ang sweet mo naman sa FAKE GIRLFRIEND mo pat" napatigil ako sa sinabi niyang ito alam na nila? Pero pano?
Tumitig ako sa kanilang lahat ng masama

"Wala kayong pake kung anong meron samin! Hindi nyo ko pagmamay ari at kahit kailan di nyo ko naging pag mamay -ari mga FANGIRLS lang kayo mga desperadang fan!" sigaw ko sakanila mag sasalita pa sana ako pero hinawakan ako ni christine sa kamay at alam kong pinapakalma niya ko

"Tara na pat please" sabi nito di ko alam pero nakita ko nalang yung sarili ko na sinunod ko na naman siya umalis na kami don at dinala ko siya sa condo ko dahil yun ang sinabi niya

Kumuha ako ng first aid kit at ginamot siya

"Salamat pat" napatingin nalang ako sakanya at sinuklian ng ngiti ang salamat niya
"pat nakakahiya pero pwede bang…" parang nahihiya siya sa sasabihin niya kaya napatawa nalang ako ng mahina ang cute niya kase eh nginitian ko lang ulit siya habang pinapatuloy ang pag gagamot "pwede bang…" di na naman niya na sabi haha bakit ang cute niya?

"Sige sabihin mo lang" nakangiting sabi ko

Humawak siya sa batok niya "pwede bang dito muna ako?" Haha natuloy niya din ngumiti ako sakanya

"Sure!" Ngumiti siya sakin

"Salamat talaga kanina ah" sabi niya ulit kinurot ko ng pabiro ang pisnge niya

"wala yun" sambit ko ng nakangiti
"Christine?" Tawag ko sakanya

"Oh?"

"Sinabi mo ba sakanila?" Tanong ko

Umiling siya sakin at kinwento ang nangyari

CHRISTINE'S P.O.V

*FLASH BACK*

"Andito na pala ang ilusyunadang babae nato" sabi ng isa sa mga tingin ko ay isa to sa mga fangirl ni pat na galit sakin inignore ko nalang at dumiretso pero napahinto ako dahil sa narinig kong isang record na nag uusap kami ni pat

"Andito pala ang FAKE GIRLFRIEND ni pat" boses ni krystal yun di ko na sana lilingunin pero may humatak sa buhok ko

"Papayag ba kayo na pabayaan nalang basta basts ang babaeng ilusyunadang to?" Sigaw nito sa mga fangirl ni pat na nandun

Nag bulungan naman ang mga fangirls at sinampal ako ni krystal ng malakas

Grabe

Ganun na ba talaga siya ka desperate?

"Ganyan ka na ba talaga kadesperada krystal?? Hindi na ko mag tataka na hindi ka magustuhan ni pat" dahil sa inis ko napasigaw na ko sakanya na ikinagalit niya kaya sinampal niya ako nang sunod sunod at hindi ko na alam kung sino nang nananakit sakin dahil napaka rami na ng mga kamay at kung ano ang tumatama sakin kaya wala nakong nagawa kung di ang umiyak nalang pero may sumigaw

Hindi naman siya ganito dato eh pero bakit ? Ganito ba talaga kalaki ang galit niya sakin?

''Tabi!" Lumapit ito sakin at binuhat ako

*dug dug dug dug

Bakit ganito ang bilis bakit sa tuwing nahahawakan o kahit lumalapit man lang siya sakin ay iba na ang bilis ng puso ko may sakit na nga talaga siguro ako

*END OF FLASHBACK

"Napaka desperada talaga nila" Sigaw ni pat na halatang galit na galit napangiti naman ako sa reaction niya concern ba siya sakin? O ako lang yung bag iisip nito

"Ano yang mga ngiti mo na yan! Di ako concern sayo no!" Deny nito haha maasar nga

"May sinabi bakong concern ka? hahaha halata ka masya ayiiee concern siya" sinundot sundot ko yung tagiliran niya

"Hindi nga!" Deny niya habang tinutusok ko parin yung tagiliran niya at nag harutan na kami hanggang sa

"ahhhh" natumba kami at ang pwesto namin ay ako ang nasa taas

nag katitigan kami

*Dug dug dug dug

Ito na naman yung puso ko dahan dahan nag lalapit ang mukha naming dalawa konti nalang at mag kikiss na kami

Lapit pa konting konti nalang

Mag kikiss na sana kami ng

*Ring ring ring

Tumunog yung cellphone ko kaya napatayo ako agad at kinuha yung cp ko

"Hello"

[nasan kaba christine?!!" Napalayo ko sakin yung cp dahil sa sigaw ni brend

"Brend dito muna ako matutulog kila klea ah" paalam ko

[Ano?!! Bakit??!!] Aishhh

"Ano brend nadiyan kapa ba? Di kita marinig bye love you" nah panggap nalang ako na hindi ko siya marinig at pinatay yung phone napatingin naman ako kay pat na nakatingin din sakin kaya nag kaiwasan kami agad

I kikiss ba niya ako kanina kung hindi tunawag si brend?

At ikikiss ko ba talaga siya? Ahhh bakit ganun ?

Buti nalang tumawag si brend kung hindi aishhh

Wala. Walang kiss na magaganap kanina kahit hindi tumawag si brend wala talaga WALA

The Campus Nerd Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon