ELLAIN's P.O.V
sila na pala tsk nawala lang ako dahil may inasikaso ako sa U.S.A
tignan natin kung hanggang saan ang pag mamahalan niyo hindi ako papayag na mapupunta ka lang ng basta sa iba pat! HINDI AKO PAPAYAG
"asikasuhin mo ang flight ko" utos ko sa utusan namin dito
"opo ma'am" at umalis na nga siya
pano nakarating ang balitang yan sakin?
well, dahil sa mga mata ko sa philippines wala man ako may mga mata naman ako dun
*****
CHRISTINE's P.O.V"tine" tawag ni pat habang kinakalabit ako tskk
"i love you too tumigil kana" kanina pa kase niya ko kinakalabit tatawagin tapos mag a- i love you bwisit kinikilig tuloy ako haha char
nasa EK kami ngayon nag de-date ehh wala namang pasok simula maging kami puro aya ng aya tong mag date si pat hahaaha
"Dun tayo" turo ko sa isang rides papunta na kami dun ng may nag salita
"ohh ang sweet naman" ang boses na yun
tumingin kami ni pat sakanya at nahigpit ang hawak ni pat sa kamay ko
"ellain nag balik kapa?" iritadong sabi ni pat
"so rude pat ganyan mo ba ko i welcome back ? ganyan mo ba i welcome back ang girlfriend mo?" nag pantig naman ang tenga ko sa narinig kong
'GIRLFRIEND'
"your not my girlfriend anymore" ani pat
"opps i'm just kidding i mean ganyan mo ba i welcome ang first love mo?" ani ellai
first love
o siya nga yung first love
"tsk aalis na kami ellain" sabi ni pat sabay hinila na niya ko pero hinawakan siya ni ellain sa kabilang kamay niya
problema ba talaga ng babaeng to?
"congrats nga pala sainyo kayo na pala" sabi niya na parang di naman talaga masaya ang pag kaka congrats niya
dahil yung ngiti niya halata mong made in china
napaka peke
inalis nalang ni pat ang kamay ni ellain at hinatak na nga ako
ang tahimik ko lang dahil sa mga sinabi ng first love niya
di niya nga ako first love
si ellain ang first love niya
at sabi nga nila first love never die
paano nalang kung isang araw iwan ako ni pat at bumalik sa first love niya?
parang ang sakit dahil sobrang mahal ko na talaga siya
"uy tine kanina ka pa tahimik simula nung maka salubong natin si ellain sa ek" nandito na kase kami sa sasakyan niya at pauwi na
"siya nga ang first love mo pat" malungkot kong tugon
hinawakan niya ang mga kamay ko
"tine tumingin ka sa mga mata ko" sabi niya na sinunod ko naman
"di nga ikaw ang first love ko pero ikaw na ang true love ko okay? kaya wag mong iisipin na siya ang first love ko past is past sabi nga nila. Ikaw na yung present ko at forever ko christine lim" ewan pero napangiti ako sa mga sinabi niyang iyan pero may naisip ako
"what if some day you left me? what if ma realize mong siya parin ang mahal mo? sabi nga nila first love never die what if---" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng halikan niya ko
agad niya namang tinanggal iyon
"wag kang mag isip nang ganyan mahal kita TAPOS at ipinapangako ko sayo hindi kita iiwan" seryosong tugon niya kaya napa ngiti na ko ng napakalawak
"sana nga pat sana" yan nalang ang nasabi ko
wag kang mag isip nang ganyan mahal kita TAPOS at ipinapangako ko sayo hindi kita iiwan
wag kang mag isip nang ganyan mahal kita TAPOS at ipinapangako ko sayo hindi kita iiwan
wag kang mag isip nang ganyan mahal kita TAPOS at ipinapangako ko sayo hindi kita iiwan
wag kang mag isip nang ganyan mahal kita TAPOS at ipinapangako ko sayo hindi kita iiwan
mga salitang panghahawakan ko
BINABASA MO ANG
The Campus Nerd
Teen FictionTHE CAMPUS NERD (BOOK 1) PEOPLE CHANGE (BOOK 2) I'M MISSING YOU (BOOK 3) WRITTEN BY: janeee (EMJENGG)