Exodus 10: The Secret Passage

3.7K 83 0
                                    

Kinakabahan, hinihingal, at natatakot. Iyan ang mga salitang nangingibabaw sa amin mga sarili ni Mikaela ngayon.
 
Nasa loob na kami ng kuwarto ni Mikaela ngayon. Pareho kami nakasandal sa pintuan.
 
"Are you okay, Mikaela?" Tanong ko sa kanya.
 
"Sort of." Tugon niya sa akin. Kapansin pansin ang namumuong pawis sa buong mukha ni Mikaela. Marahil sa sobrang nerbiyos.
 
"Aaaaaah! Lumabas kayo!" Narinig namin na sigaw ni Zoey sa labas ng kuwarto.
 
Hindi ko alam kung ano nga ba ang nangyayari kay Zoey. She suddenly act so strange and odd. Pero napaisip ako bigla. Siya nga ba si Zoey? Kapansinpansin ang pag iba ng kulay ng mga mata niya. Mula sa itim naging berde ang mga iris niya. At ang balat niya kanina na unti-unti na tinubuan ng mga kaliskis na maihahalintulad ko sa isang mapanganib na hayop kagaya ng ahas.
 
"Kailangan na natin makaalis Ell sa lugar na ito!" Biglang sabi ni Mikaela. Ramdam din namin dalawa ang malakas na pagkalampag ng pintuan dahil nag pupumilit pumasok sa loob si Zoey.
 
"Hindi tayo basta puwede umalis agad. Saka paano na lang ang iba natin mga kaibigan? Hindi natin sila puwede basta iwanan dahil lang natagakot tayo kay Zoey." Sagot ko kay Mikaela. Hanggang sa bigla na lamang namin naramdaman ang unti-unting paghina ng kalampag sa pintuan. Hanggang sa tuluyan ng tumigil.
 
Napaabante kami sa amin pagkakasandal sa pintuan. Marahan kami humarap sa pintuan at nakipagpakiramdaman kay Zoey na nasa labas.
 
"I think she's gone." Bulong ko kay Mikaela.
 
"You think so?" Bulong na patanong naman sa akin ni Mikaela.
 
"Oo---" Hanggang napatigil ako sa pagsasalita at napatingin sa pintuan nang marinig namin na biglang bumukas na napakalakas.
 
"Hey, guys what seems to be the matter? Are you not happy to see me again?" Sabi sa amin ni Zoey na may nakakalokong ngiti.
 
"You're not Zoey!" May kaba pero may halong angas din na sabi ni Mikaela kay Zoey.
 
"Oh, how can you say that to me Mikaela?" Hindi na muli tumugon pa si Mikaela sa kuwestiyon sa kanya ni Zoey. Napansin namin na unti-unting naglalakad na papalapit sa amin si Zoey.
 
Habang naglalakad si Zoey papalapit sa amin kinatatayuan ay kapansinpansin naman ang kakaibang awra na kanyang tinataglay. Ang hirap ipaliwanag.
 
At ngayon ay nakatayo na siya mismo ng malapitan sa amin. Naramdman kong biglang napahawak sa aking kamay si Mikaela nang mahigpit. At nagulat na lamang ako nang itinulak na malakas ni Mikaela si Zoey dahilan para bumagsak ito sa sahig. Hinila naman ako palabas ng kuwarto ni Mikaela at tumakbo kami nang napakabilis. Napalingon naman ako sa kuwarto kung saan namin iniwanan si Zoey. Nakatayo ito at nakikita kong nagsisimula na siyang mag iba ng anyo. Unti-unti na siyang tinutubuan ng maraming kaliskis sa katawan. Ang mga mata niya ay nagkukulay berde na tulad sa kanyang kaliskis. Muli kong ibinaling ang aking tingin sa amin dinaraanan ni Mikaela. Hanggang sa napansin kong napapasapo na si Mikaela kanyang kaliwang kamay sa dibdib. At nag wika sa akin na, "Ell, nahihirapan... ako huminga. Inaatake na... ata ako ng hika." Naku paano na ito. Ngayon pa inatake sa hika si Mikaela.
 
Pumasok na lamang kami ni Mikaela sa isang silid. Pinaupo ko sa isang silya si Mikaela. Buti na lang at may dala siyang inhaler.
 
"Ell, ano na ngayon?" Mahinang sabi ni Mikaela sa akin.
 
Pinagmasdan ko siya. Naawa ako sa kanya. Sa babaeng nililigawan ko. Sa babaeng mahal at iniingatan ko. Bakas sa kanyang mukha ang takot at kaba.
 
"Hindi ko na rin alam Mikaela. Masyadong magulo na ang mga nangyayari. Ang hirap mag isip." Tugon ko kay Mikaela.
 
Hanggang sa napansin ko na lang umiiyak na pala siya. Tinanong ko siya kung ano ang problema.
 
"Bakit ka umiiyak? Anong problema Mikaela?"
 
"Natatakot ako. Si ate Denise baka mapahamak siya dahil kay Zoey. Baka patayin siya ni Zoey pati na rin ang iba natin mga kaibigan huhuhu." Sabi ni Mikaela na patuloy pa rin sa pag iyak.
 
Napasinghap na lamang ako at napasapo sa aking noo. Nakaka-mental block ang mga nangyayari ngayon sa amin. Yung brain cells ko parang napipiga na kakaisip kung paano ba masusulusyonan ang mga bagay-bagay.
 
Bigla naman tumayo si Mikaela sa kanyang kinatatayuan at dahan-dahan yumuko at inilapit sa carpet ng sahig ang kanyang ulo. Parang may pinakikinggan siya.
 
"Uhhhmn, Mikaela bakit?" Nagtataka kong sabi sa kanya.
 
"Ssshhh... may naririnig ako sa ibaba ng sahig." Hanggang sa nakita kong tumayo si Mikaela at pumunta sa dulo ng carpet. Hinila niya ang carpet ng bahagya at nagulantang kami pareho sa amin natuklasan. May lihim na pintuan sa sahig na tinatakpan ng carpet.
 
"My God, isang secret passage." Aniya ko sa sobrang pagkamangha.
 
Nakita ko naman na bubuksan ni Mikaela ang pintuan sa sahig nang bigla kong hinawakan ang kanyang kamay at pinigilan ito.
 
"Huwag mong bubuksan Mikaela. Hindi natin alam kung anong meron sa ibaba niyan." Wika ko sa kanya.
 
"Buksan na natin Ell. Paano natin malalaman kung ano ang nasa baba kung hindi natin bubuksan." Sagot niya sa akin. "At saka baka nandito ang hinahanap natin. Ang sinabi ng matandang babae sa akin. Ang libro ng propesiya." Pagpapatuloy niya.
 
Napabuntong hininga ako. Nalilito ako kung ano nga ba ang hinahanap namin. Narinig ko si Kai sa rooftop na nawasak na ang libro ng propesiya pero nawawala ang isang pahina. At ito naman si Mikaela sinasabing nagpakita sa kanya ang babaeng nakita namin sa cafeteria na sinasabing dapat mahanap at mawasak ang buong aklat ng propesiya. Pero sa lahat ng ito dapat pa nga ba namin panghimasukan ang tungkol sa aklat ng propesiya? Kung tutuusin wala naman kami kinalaman doon. Ang tanging alam ko lang ay mga dayo lang kami sa lugar na ito. Mga bakasyonista. However shits are just coming all through our ways. And I don't know how to manage it anymore. Nakakabaliw. Nakakatakot. Mapanganib. Isang paa namin ay nasa hukay na. Kahit anong oras maaari nang kumatok si Kamatayan sa amin mga buhay.
 
"Okay. Let's open the secret door now." Pagsang-ayon ko sa kagustuhan ni Mikaela.

Exodus (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon