Exodus 1: Stop Over

15K 306 53
                                        

Abril 30, 1999

Sa dinami-daming puwedeng gawin meeting place namin ng mga barkada ko ay dito pa nila naisipan sa sementeryo. Napatingala ako sa kalangitan at mukhang may nagbabadya pang paparating na ulan. Ako pa lamang at ang best friend kong si Raphael ang nasa sementeryo. Sina Ivan, Isaiah at Zac kasi ay nasa car wash pa. Pinapalinisan yung sasakyan na gagamitin namin papunta sa probinsya ni Isaiah sa Isabela.

"Ell tawagan mo na kaya sila sa cellphone." Utos sa akin ni Raphael. Batid kong naiinip na si Raphael sa iba namin mga kaibigan. Mag iisang oras na kasi namin sila hinihintay pero wala pa. Usapan kasi alas otso ng umaga kaso alas nuwebe na wala pa rin sila. Filipino time nga naman!

Tinawagan ko na ang number ni Zac kaso out of coverage area yung phone niya. Napabuntong hininga ako at humarap kay Raphael.

"Out of coverage area." Matipid kong sabi.

"Damn it. Kanina pa tayo sa main gate ng sementeryong ito pero wala pa rin sila---" Hindi na naipagpatuloy pa ni Raphael ang kanyang sasabihin. Dumating na kasi sa wakas sila Zac lulan ng isang pulang kotse. Dinig na dinig namin ang malakas na sound system na nakakabit sa loob ng kotse. Overdrive pa ng paborito kong bandang Eraserheads ang kanilang pinapatugtog.

"Magda-drive ako hanggang Baguio. Magda-drive ako hanggang Bicol. Magda-drive ako hanggang Batangas. Tapos magsu-swimming do'n sa beach..."

"Buti naman at dumating na rin kayo. Kanina pa kami rito." Naiiritang sabi ni Raphael kanila Zac, Isaiah, at Ivan.

"Sorry na dude. Pinacheck-up pa kasi namin ang makina ng kotse para siguradong magiging maayos ang biyahe natin papuntang Isabela." Pagpapaliwanag ni Zac sabay patong ng kanang kamay niya sa balikat ni Raphael.

"Isasama ko ang girlfriend ko. Isasama ko kahit sinong may gusto. Kahit may kasama s'yang aso basta't meron s'yang baong sariling buto..."

"Sumakay na kaya kayong dalawa ni Ell para makaalis na tayo." Sabat ni Ivan na nakikita ko naman nagbabasa ng isang porn magazine.

Sumakay na kami ni Raphael sa loob ng kotse. Nakaupo kami ni Raphael sa backseat. Napapagitnaan namin si Isaiah na noong mga sandaling iyon ay natutulog. Nakaupo naman sa front seat si Ivan at si Zac naman ang nasa driver's seat.

"Magdadala ako ng pagkain. Burger, fries, tapsilog at siopao. Magda-drive ako hanggang Visayas. Magda-drive ako hanggang sa Mindanao..."

Sinimulan ng paandarin ni Zac ang kotse. Sa paglayo namin sa sementeryo ay doon na tuluyan bumuhos ang ulan. Isang malakas na ulan.

"What the heck! Bakit ngayon pa umulan ng ganitong kalakas? Ang hirap kaya mag maneho sa kalsada kapag ganito kalakas ang buhos ng ulan." Singhal ni Zac.

"Titigil din 'yan siguro." Wika ko kay Zac. Hindi naman na siya sumagot pa sa akin. Napaismid na lang siya. Kitang-kita sa mukha niya ang pagkadismaya sa kanyang pagmamaneho dahil sa umuulan at basa pa ang buong kalsada.

Napatingin naman ako sa gilid ng bintana rito sa kotse. Wala pa rin humpay sa pagbuhos ng ulan ang kalangitan. Ang weird lang kasi kanina bago ako umalis ng bahay nanood pa ako ng morning show sa television. Sabi ng isang weather man magiging maganda raw ang araw na ito. Magiging maulap at walang pagbabadyang pag ulan sa kalangitan. Pero bakit ganito kabalintunaan sa sinabi ng weather man?

Pinatay naman na ni Ivan ang sound system ng kotse sa harapan. " Okay guys mamaya na ulit tayo mag sound trip. Masarap matulog kapag umuulan." Wika niya sabay sandal sa may bintana ng kotse.

"Good for you Ivan that you find this rainy weather cozy to take a nap. How about me? Getting pissed off already with my driving stuff." Sarkastikong sabi ni Zac kay Ivan na nakapikit na ang mga mata at nag sisimula ng matulog. Mahirap nga naman talaga mag maneho na pangit ang panahon lalo na't umuulan. Kaso wala ng choice si Zac kasi at the very beginning siya na rin naman ang nag presintang mag maneho para sa barkada papuntang probinsya ni Isaiah.

Kasalukuyan na binabaybay na namin ang kahabaan nitong north express way. Tumila na ang ulan. Wala naman trapiko at mabilis naman ang biyahe. Sinipat ko ng tingin ang aking suot na relo. Magtatanghali na pala. Naramdaman ko naman na biglang kumalam na ang sikmura ko dahil sa gutom.

Tiningnan ko yung mga kasama kong nakaupo sa backseat na sina Isaiah at Raphael. Parehong mahimbing ang tulog nila. Naririnig ko naman na humihilik pa si Isaiah. Si Ivan naman sa front seat tulog pa rin. Kami lang ni Zac ang tanging gising sa mga oras na ito.

"Zac hindi ka pa ba nagugutom? Kanina ka pa nagmamaneho kasi. Ako kasi nagugutom na. Baka puwedeng kumain muna tayo sa next stop over natin?" Tanong ko kay Zac. Tumango naman sa akin si Zac.

Mayamaya pa ay dumating na rin kami sa ikatlong stop over namin. Bumaba kami lahat sa kotse.

"Buti naman at may convenience store rito." Sabi ni Raphael.

"Makakabili na rin sa wakas ng yosi!" Masayang sabi ni Zac.

Sabay-sabay kaming lahat pumasok sa convenience store. Habang papasok ng convenience store napansin kong pinagtitinginan kami ng mga ibang tao na nasa loob. Kapansin-pansin din ang mga damit nilang may iisang kulay. Kulay itim. Napatigil naman sa paglalakad si Zac nang napansin niyang nakatingin sa amin ang isang lalaking hindi nalalayo sa edad namin. Nakita rin namin lahat na biglang bumulong ang lalaking ito sa isang babaeng kasama niya na nakaupo sa isang lamesa sa loob ng convenience store.

"Adik ba ang mga tao rito? Ang wiwirdo nila kung makatitig sa atin. Ngayon lang ba sila nakakita ng mga taong taga alta de ciudad?" Bulong sa amin ni Zac na may sarkastikong tono ng pananalita. Tinapik ko naman siya sa balikat at sinabihan na huwag na lang pansinin. Nakinig naman siya sa akin pero napansin kong biglang napayukom ang mga kamay niya.

Nagkanya-kanya muna kami sa loob ng convenience store. Ako naman pumunta sa section ng mga junk foods at soda. Bumili ako ng dalawang Nova at dalawang soda in can. Pagkatapos ay pumunta na ako sa kahera upang magbayad. Habang nagbabayad ay may nakasunod sa aking likuran na isang matandang babae. Magbabayad din siya sa kahera.

Napaisip ako bigla, kasamahan niya rin kaya yung mga ibang taong nakaitim kanina na nakatitig sa amin? Pagkatapos kong magbayad ay hinintay kong suklian ako ng kahera. Nang nakuha ko na ang sukli ay umalis na ako ngunit nagulat ako nang biglang hinawakan ng matandang babae ang braso ko. Nakatitig siya ng diretso sa mga mata ko. Napansin kong walang itim yung gitna nung kaliwang mata niya. Tingin ko may katarata siya o baka talagang bulag na ito. Hanggang sa narinig kong nagsalita ang matandang babae sa akin.

"Lisanin ninyo na ang lugar na ito bago pa mahuli ang lahat." Naningkit bigla ang mga mata ko sa turan ng matandang babae sa akin.

"Ale, ano po'ng ibig ninyong sabihin?" Nagugulumihan kong tanong sa kanya.

"Basta umalis na kayo!" Pagkatapos sumagot sa akin ng matandang babae bigla na lamang niya binitawan ang braso ko at lumapit na sa kahera. Naisip kong lumabas na lang ng convenience store at hintayin na lamang sa may kotse yung mga kaibigan ko.

Habang naglalakad papalapit sa kotse namin bigla akong natigilan. Namilog ang mga mata ko sa aking nakita. Na flat yung mga gulong ng kotse namin. Tuluyan ko ng nilapitan yung kotse at siniyasat ang bawat gulong. Hindi lang basta na flat ang mga ito. Nakita kong may tastas ang mga gulong. Halatang sinabotahe ito ng kung sino man.

Exodus (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon